i. Prologue

376 12 0
                                    

Ako si Elijah James Yuan. Ehlae ang tawag sakin ng mga kaibigan ko.

6 years ago, kilala ako bilang "ang masayahing bata". Marami akong naging kaibigan bago ako maka-graduate sa kindergarten at pagkatapos ay naisipan akong ilipat ni mama ng school.

Pero marami nang nagbago sakin ngayon. Hindi na ako katulad ng dati na masayahing bata dahil sa pagkamatay ng mga magulang ko sa isang car accident. Ngayon, kaming dalawa nalang ng ate ko na nasa ibang bansa ang susuporta sa isa't-isa.

Ako na yung tipo ng tao na ignorante at walang pakielam sa mga bagay-bagay.

Makalat akong tao at lagi akong nakakawala at minsan nakakasira ng mga gamit.

Natutunan kong mag-mura pero hindi naman ibig sabihin nun na masama na akong tao.

Mataas ang pride ko at madalas akong nakikipag-away. Dahil sa ugali kong to, wala akong naging kaibigan pagkatapos ng aksidente kaya naisipan kong bumalik dito sa bahay namin dati at mag-enroll sa dati kong school sa darating na pasukan.

Naalala ko yung mga naging kaibigan ko noon. Hindi ko alam kung matatanggap ba nila kung ano at sino na ako ngayon. Pero alam kong maiintindihan nila yung nararamdaman ko.

Sa sobrang pagka-malas ng buhay ko, hindi ko na alam kung ano yung tama o mali. Madalas akong napupunta sa maling daan. Kaya sana sa pagbalik ko dito, makikilala ko yung taong makakapagbago o makakapagbalik sa dating ako.

At hahanapin ko ang taong makaagawa nun.

[TAERENE] You're My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon