Before (Memories) Part 2

46 1 0
                                    

I'm Star Arevalo, at ang haba ng hair ko.

Aamin ko na mahirap magkaroon ng MAHAL. Oo, MAHAL. Wag ng unli ha? XD

Kahit mag M.U pala may on and off din. Ganon kasi kami ni Moon. Sobrang dami ng problemang dumaan samin, di rin maiiwasan ang mga luhang umagos at pagmamakaawa. Pero I'm still blessed na balik ulit kami sa dati. Well.. This is his 4th chance. Kung baga tatlong beses yung nangyaring on and off. Oh ha, Martyr Nyebera! Actually.. Last nato. Last na talaga. Kapag di pa nag work out, ibig sabihin hindi talaga tayo sa future. Nakakapagod din kasing umiyak kaya last na talaga to.

*Kringgggggg*

Uwian na pala. Palabas nako ng school para tingnan kung nandun na siya sa may gate. Nag text kasi siya kanina na susunduin nyako. Eym se keleg darla!

"Tara na?" bungad niya sakin pag kakita ko sa kanya.

Habang naglalakad, inabutan niya ako ng.. Mentos?!

Mentos.. Galing sa kanya.. Mentos.. Isang pirasong Mentos!

So sweet!!!! =^_____^=

"Thank you." sabi ko.

Itatabi ko to sa box. Remembrance ❤

Habang naglalakad kami pauwi, kung ano ano lang pinag uusapan namin. Minsan about sa future namin, sa first dance, sa debut ko at kung ano ano pa. Bigla ko nalang naalala yung about sa LALAKING nag chat sakin..

"Ahm.. Moon?" pag hinto ko sa kanya.

"Hmm." paglingon niya.

"Tanong ko lang.. Pano kung ligawan ako ni Sky?" tanong ko.

Si Sky Evans, same year level niya si Moon. Kamuka niya yung best friend kong si Vin kaya kami naging mas close. Nakilala ko lang siya nang dahil sa kaibigan kong si Marvel.

Bakit natanong ko yun kay Moon? Dahil lang naman sa nag chat si Sky nung nakarang gabi at di ko alam kung saang panig ng earth niya nasabi ang salitang 'I Love You'

"Moon.." pag tawag ko sa kanya. Kanina pa siy hindi nagsasalita. Kinakabahan tuloy ako.. Lupa lamunin mo nako. Wrong move to!

"Liligawan kita agad." biglang sagot niya.

. . . . . eh?

"Liligawan kita agad sa harap ng mama mo." pag uulit niya.

"S-Sigurado ka?! A-Alam mo pwede ko n-namag iwasan si Sky.."

"Hindi. Oras na ligawan ka niya. Uunahan ko na siya" naka ngiti niyang sagot.

I'm so lucky to have you, Moon.

--------------------------------
--------------------------------

From: Moon

   Hindi kita masusundo today. Ingat nalang sa pag uwi.

Hays. Ilang araw na yatang ganto. Ilang araw nading puro negative yung naiisip ko. Moon may problema ba?

Nako Star! Ang OA mo na! Baka busy lang siguro? Hays.. Makauwi nanga.

----------------------------------------
----------------------------------------

"Hi broooooo!"

"Ay palakang tumalon!" sigaw ko sa gulat.

"Bro bat ka ganyan? Di na kita love!" pagtatampo niya.

"Nang gugulat ka kasi!"

"Tulala ka kasi! Ang lalalim kasi ng iniisip mo!" sigaw sakin ng isa sa mga best friend ko, si Heaven.

"Ahh.. Ehh.. Sorry." pagtahimik ko nalang.

May nilabas siya sa bag niya at inabot sakin yon.

"Here oh! Chocolates! To make you feel better! Sige na bro GTG! May klase pako! Lab yahhh!!!" pag paalam niya sakin.

Tiningnan ko yung chocolate na hawak ko. Tsaka binuksan para kainin.

Habang kinakain ko yun. Nakita ko si Moon kasama si.. Angel?! Okay.. Nagseselos nako.

Si Angel Aquino. Kaklase ni Moon at dati nitong nililigawan pero binusted niya lang si Moon noon. Bago ako, si Angel ang nauna at di ko na mapigilan ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

Moon.. masakit.

------------------------------------
------------------------------------

"Star! Star!" sigaw sakin nung kapartner ko sa sayaw.

Andito kami sa school at kasalukuyang nag eensayo.

"Bakit ba?!" sigaw ko.

Bigla naman nyang itinuro sa gawing kanan kung saan may naka pwestong mga estudyante.

"Diba syota mo yung naka polo?" sabat ng isa kong kaklase.

Si Moon yung tinuturo nila. Bigla siyang napatingin sa gawi namin. Mukhang narinig niya kaming nag uusap.

Walang emosyon syang napaiwas ng tingin at nakihalubilo muli sa mga kaibigan niya.

Anong problema? Moon.. Nakakabobo na.

"Aaaaaaayyyyyiiiieeeee~" sigaw ng mga kaklase ko.

Blanko padin ang mukha at di niya pinapansin ang ingay na nagagawa ng mga kaklase ko.

Nasasaktan nako..

"Tara guys! Uwian na! Iperfect nalang natin to bukas!" sabi ko na may pekeng ngiti.

Sumunod sila at nagsi uwian.

Tahimik kaming umuwi ng mga kaibigan ko, napapansin siguro nila yung mga nangyayari kanina. Ngumiti ako at nakipag kwentuhan nalang sa kanila na parang walang nangyari.

Moon.. Moon.. Moon..

Nakakasakit ka na.

--

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon