Good morning world! Ewan ko ba kung bat ang saya ko ngayon. Siguro dahil dalawang araw nalang VALENTINES NA!!!!!!
Baka this Valentines may gift siya sakin kaya this past few days medyo cold siya. Siguro gusto niya surprise yun! Waaaaa! Excited nako!
Sa sobrang good mood ko today di ko na pinapansin yung sobrang init dahil sa haba ng pila bago pumasok. Wala kahit na sino ang makakasira ng araw ko hanggang Valentines! Wooooo! Ang sarap kumanta ng 'Happy' habang nakapila at nakababad sa init ng araw ^o^
"Star!" tawag sakin ni Ate Sha. Sabi nila ex daw siya ni Moon pero kahit minsan hindi siya sakin naikwento ni Moon.
"Hi ate Sha!" bati ko sa kanya.
Yes, close kami. Kahit na may nagsasabing ex siya ni Moon, close padin kami. Ewan ko ba basta magaan lang loob ko sa kanya. Siya din minsan ang taga kwento sakin kung anong ginagawa minsan ni Moom sa classroom nila, magkaklase kasi sila and I think since 1st year na silang magkaklase.
May binigay siya sakin papel. Dalawang papel yata to kasi medyo makapal para isiping isang papel lang to.
"Pinapaabot ni Moon. Dapat nga nung nakaraan ko pa ibinigay sayo yan kaso hindi kita makita eh" sabi niya pagkatapos niyang ibigay yung papel.
"Ah. Ganon ba?" sabi ko nalang.
"Sige una nako" sabi niya at umalis.
Papel. Anong meron at nagbigay siya ng papel?
At dahil di nako mapakali. Sa mismong pila. Sa mismong kinatatayuan ko. Wala ng pero pero, walang pagdadalawang isip, binuksan ko agad ito at binasa ang nilalaman..
May drawing..
I think ako to..
Sa ibaba ng drawing ay nakasulat ang pangalan ko.. 'STAR'
Akala ko yun lang ang laman. Tama ngako at dalawang papel nga iyon. Sa unang papel, sa likod ng drawing may nakasulat.. Letter para sa akin..
Tama na itigil na natin ito, masakit at ang rason kung bakit ay nasa taongnasa paligid ko.
Hindi na kita mahal, pasensya na.
Kalimutan mo na ako!
Ikaw lamang ang minahal ko
Lahat ng hinalat pagdududa moy hindi totoo!Lagi na lamang ako, ako nalang lagi.
A-Ano? H-Hindi kita mantindihan Moon.. Bakit?
May kung anong mainit sa mata ko na nagbabadya ng tumulo. Tiningnan ko ang pangalawang papel.. Letter nanaman para sa akin..
Makasarili ka!
Wag kang mandamay ng mga taong inosente nakakaasar na eh.Oo hindi na kita mahal
Ayoko sa babaeng selosa na wala sa lugar lagi at isip bata para pumasok sa isang relasyon, babaeng walang panahon at oras sa akin
Kulang paba ako sayo? Kaya pati si Sky Evans pinatulan mo? May pa KUNG KUNG ka pang nalalaman para lang di ako masaktan?
HINDI AKO TANGA!
Gusto mong may mag mahal sayo pero hibdi mo pinapakitat pinaparamdam na mahal mo ko!
So ano ako display, napaka selosa mo kahit sinong babae na malapit lang sa akin pinagseselosan mo, nakakasakal tyaka walang TAYO.
Tapusin na natin tong kalokohang ito!
-Moon
Tulala lang ako buong araw sa room. Nabasa nadin ni Vin yung letter at syempre ano pa bang ginagawa ng isang best friend? To cheer you up diba?
"Kaya nga nagseselos diba? Kasi pinapakita mo na mahal mo siya. Untog ko siya sa poste eh.." sabi ni Vin.
I fake a smile. Para naman di puro drama ang buong araw ko at baka madamay ko pa sila.
I need some rest. Gusto ko ng umuwi. Pagod na pagod nako..
----------------------------------
----------------------------------February 14, 2014
Valentines. Dinalaw nga pala ako ni Sky sa room namin at syempre kasama niya si Marvel. Si Marvel ang sumubaybay samin ni Moon noon, siya ang advicer tuwing may problema ako at handa ka niyang batuhin ng camera kapag tanga ka--tanga sa pag-ibig.
Pinabasa ko nadin kay Marvel yung sulat ni Moon. At dahil siya yung taong handa kang damayan, Lolo Marvel na yung tawag ko sa kanya tutal same age sila nila Moon, Sky at Ate Sha. Mas matanda sila sakin.
"Buti nalang talaga nakipag hiwalay ka dun." sabi ni Lolo Marvel
"Ha? Bakit po?" nagtatakang tanong ko.
"Nag 'I Love You' kasi siya kay Angel sa buong klase nila kanina" sagot niya.
"Ahh.."
"Okay lang yan! Smile! Sige alis nako! Sky! Paiwan ka?" tanong niya kay Sky.
Nagpaiwan si Sky at nagkwentuhan lang kami. Kahit papano gumaan ang loob ko, medyo okay pero hindi pa masyado.
Makakausad din ako.
Siguro nga karma to sa mga lalaking niloko ko noon..
Napaniwala niya ako na mahal niya ako! Mahal nya ako?! Oh come on! Papunta palang siya pabalik na ako! Manloloko! Magsama sila ni Angel! Mabusted sana siya ulit!
I hate you Moon Reboredo! Forever and always! Itaga mo yan sa muka mong kasing kapal ng buwan!
Look Moon.. Kung player ka, better meet your coach!
----------------------------------
----------------------------------A/N:
So ayan na! XD Medyo malalim minsan mag salita si Moon kaya ganyan yung nasa sulat.
Yung 'Kung player ka, better meet your coach' thingy. Nabasa ko po lang yan sa story na DESTINED at dahil relate yung bida dun hiniram ko muna XD
I think last na to kasi wala ng maikekwento pa. Nakikita lang minsan ni Star si Moon ng hindi sinasadya, yung mga ganun lang. :))
Natapos din ang kalokohan ko. Thank you sa mga taong pinagtyagaan yung story ko. :)) Arigatou! ^o^
(Comment lang sapat na XD Sabihin niyo kung tama lang ba si Star? O mas panig kayo kay Moon?)
-mmaavviicc

BINABASA MO ANG
Regrets
Short StoryTatry ko lang gumawa. ^_^ Pasensya napo kung medyo pangit yung kinalabasan.