Chapter 39

988 26 0
                                    

ALA-SAIS na nang makarating ako sa tagpuan na itinext ni Hailie sa'kin

may ipapaabot daw kasi siya sa'kin na papeles na iaabot ko sa may ari ng school na pinapasukan ko sa pilipinas

dederetso na daw kasi siya sa spain after dito sa Singapore kaya pumayag akong makipagkita

nagdedate ngayon si Ryma at Brent

si Rome naman naliligo sa cr nang umalis ako

nag-iwan na lang ako ng sticky note sa lamesa para mabasa niya kapag lumabas siya ng cr

naiinis naman ako dahil nilalamok na ako dito sa may puno ng mangga kakaintay

papadilim na din kasi kaya medyo kinakabahan na ako

baka kasi may kapre dito
Singaporean kapre
o 'diba sosyal

may tumigil naman na sasakyan sa tapat ko

kaya lumakad ako palayo dahil baka may ginagawa silang kababalaghan sa loob

tinted kasi yung van
kinabahan ako baka makarinig ako ng ungol

nagsalpak naman ako ng earphone sa magkabilang tenga ko para malibang ako

bigla na lamang may nagtakip ng panyo sa pagitan ng bibig at ilong ko

masyadong masakit sa ilong ang amoy hanggang sa dumilim ang paningin ko

"HUWAG mo na siyang ibalik"
rinig kong saad ng isang babae sa cellphone

"anong ibig mong sabihin?"

dumilat ako pero blur yung paningin ko dahil sa hilo na nararamdaman ko

"nakakasagabal siya sa'min ni Rome, naiirita ako"
sigaw nito

boses ni Hailie yun ah?

"mamaya na tayo mag-usap, gising na siya"
saad ng lalaki na kaboses ni Charlie

"Bakit ako nandito? bakit ako nakaposas sa kama?"
tanong ko

ngumiti naman si Charlie
pero this time
nakakatakot ang mga ngiting ipinakita niya sa'kin

ngiting malademonyo at dapat na katakutan

"gusto mong malaman?"
tanong nito

"malamang, tanga ka ba?"
singhal ko dito

"ilalayo na kita kay Rome"

"anong ibig mong sabihin?"
kinakabahan na tanong ko

"magpapakasal tayo sa Spain"

nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nito

"tarantado ka ba? ako? magpapakasal sa'yo? ulol, hindi kita gusto"

"at sinong gusto mo?"
galit na saad nito tsaka mahigpit na humawak sa braso ko

"aray! ano ba! nasasaktan ako"

"SINO? SI ROME? SI ROME BA? MAHAL MO PA SIYA? KAHIT NILOKO KA NA NIYA? HA?"

sigaw nito sa pagmumukha ko

naluha naman ako dahil bumabalik ang trauma ko

pinakaayoko sa lahat yung sinisigawan ako

bigla namang sumeryoso yung mukha niya tsaka inayos yung buhok ko

"natakot kaba? patawarin mo ako, hindi ko sinasadya"
naiiyak na saad nito

tumitig ako sa kaniya pero tumawa siya bigla

"nababaliw kana"
saad ko

sinamaan naman niya ako ng tingin

"sinong nababaliw? ako? sino?"

hindi na lang ako nagsalita dahil natatakot na ako

"huwag ka ng umiyak, hindi naman kita sasaktan"
malademonyong ngiti niya

pinunasan naman niya ng panyo yung luha ko tsaka iniwanan yung panyo sa hita ko

napasigaw naman ako dahil pinatay niya yung ilaw

takot ako sa dilim...

napasulyap naman ako sa panyo na iniwanan niya

mabuti nalang at kahit papaano ay may liwanag, kaya naaaninag ko pa yung itsura ng panyo

"Roro"
basa ko sa nakaburda sa panyo

umusok naman sa kwarto na kinalalagyan ko kaya nawalan na naman ako ng malay

_______________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now