"Feel ko kumain ng isaw ngayon. Tara, punta tayo sa kabilang stall, mukhang masarap don."Hindi pa nakakasagot si Riri pero hinila ko na siya agad.
"Hoy! may isaw kaya kami rito, masarap 'to!"
Rinig ko pang sabi ni ate na nagbebenta don sa binilhan namin.
Haha.
"Oh, sayo na 'yan, libre kita ngayon. May bayad 'yan ha?"
"Thanks."
Tinitignan ko lang si Riri ngayon habang kumakain ng tahimik.
Letseng pag-ibig talaga!
Inubos ko na ang isaw ko at binato ko agad sa basurahan ang sticks.
"Hoy! Anyare sa'yo?"
"Wala!"
Nakakairita talaga. Naiinis ako pag nakikita ko ang kaibigan ko na ganito. Tangina mo Gino!
"Lia, wag ka ng mag-alala sa akin."
"Ha?" Maang-maangan kong sagot.
"Asus! Alam kong sinadya mo 'yun kanina dahil nakita mo si Gino. Nag-aalala ka sa akin 'no? Hahaha."
"Eh-"
Di ko na natapos sasabihin ko dahil nilagyan niya ng isaw ang bibig ko.
"Pinagmukha mo akong affected! Gaga ka!"
Pagrereklamo nito sakin habang tumatawa.
Sus. Affected ka maman talaga.
"Eh, mukhang affect-"
"Luh! Hindi ah!"
"Scam!"
"Hindi ngaaa!"
"Scam yarn! Kitang-kita ko kaya."
"Hindi lahat ng nakikita mo, tama!"
"Woahhh! Riri ikaw ba yarn? Charot! Hindi pa rin ako maniniwala!"
"Ang ingay."
Napalingon agad kami sa likod namin na kung saan pinagmulan ng boses na iyon.
Andun si Gavin, sumisipsip ng choco.
"Oh Gavin!" Bati ko sa kanya.
"Ano bang pinag-aawayan niyo? Ang iingay niyo."
"Wala lang haha."
Nilingon ko si Riri, nagt-type ito sa cellphone nito.
"Lia, alis na ako. May pupuntahan pa pala ako eh. Utos ni mom."
"Aw sige. Bye scammer!"
"Hoy gaga ka talaga Lia! Hahaha."
"Byeee! Gavin byeee! Yiee!"
Inirapan ko lang siya.
"Kamusta exams?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos lang."
"Siyempre perfect mo na 'yon 'no! Ikaw pa! Ba't pa ba ako nagtatanong haha."
"Nah. Ikaw? Kamusta exams mo?"
"Nako! Ang hirap nong essay sa science, wala akong maintindihan buti na lang nakabawi ako sa bunos! Pero wag kang mag-aalala, di ko lalamangan rank mo. Top 2 ka pa rin o di kaya ay top 1 na hehe."
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionLiana Amethyst Saavedra. From Loyola High, known as the blues. Dustin Drake Bermudez. From Lakewood Academy, known as the greens. What if the studious and silly Lia meets the singer, smart and an achiever Duke? What will happen?