Prologue

160 1 1
                                    


Prologue

"Bawal umupo dito! Alis! Manood na lang kayo sa school program" sigaw ng SSG officers.

"Ano ba 'yan! Bakit ba nila tayo pinipilit manood, eh ang boring talaga!" pagrereklamo ni Riri.

"Please participate po tayo sa school program" pagpaparinig ng isang lalaking SSG officer na halatang nakarinig sa reklamo ni Riri.

Matapang itong nilingon ni Riri at inirapan.

"Gaga! ba't mo ginawa 'yon!" sermon ko sa kaibigan ko habang naglalakad na kami patungo sa harap ng stage para manood nalang sa school program.

"Eh ayaw ko manood eh!

Tumawa na lamang ako.

Naghahanap na kami ng vacant seat para makaupo.

Nang nakaupo na kami. Nag chikahan lang kaming dalawa. Nagulat na lamang kami nang may narinig kaming kumakanta. Hindi pala namin namamalayan na nagsisimula na pala ang singing contest!

"Oyy Riri ex mo oh!" sigaw ng ilan sa mga kakalase namin na malapit sa aming pwesto.

Nilingon ko agad ang nasa stage.

shems! HAHAHAHAHAHA

Agad kong binalik ang aking paningin kay Riri. Mukhang naiinis na sa binibigay na atensyon sa kanya ng mga tao. Mga taong nagaabang sa reaction niya.

"Sis! Ex mo oh!" sigaw ko para maasar siya.

"Gaga ka talaga Lia!" sigaw niya pabalik sa akin at inirapan ako.

HAHAHAHAHA!

Natapos na si Gino kumanta, which is ang ex ni Riri.

Kinukulit ko naman si Riri. Inis na inis naman ang gaga! Feeling ko talaga may feelings pa 'to sa ex niya, mukhang affected pa ang gaga eh!

Ngunit bigla akong natigil.

Boses...

malamig na boses ...

Napaligon agad ako sa stage.

Isang lalaki ang nakita ko. He's singing... sa kanya galing ang boses na 'yon?

His voice is so clean, cold, at ang ganda sa pandinig.

And he's...

UNDENIABLY HANDSOME!

"Sis alis na tayo please." bigla nalang akong natauhan sa sinabi ni Riri.

Tumango nalang ako. Nilingon ko muli ang stage pero wala na ang lalaking kumakanta. At nakita ko rin si Gino na papalapit sa amin.

"Lia! please tara na" sabay hila niya sa akin.

Umalis na kami ngunit hinabol kami ni Gino.

Tumakbo pa kami pero natigilan din nang may humila kay Ericka.

"Ericka, let's talk" mahinahon na sabi ni Gino.

"Oh Gino!" sabi ni Riri kay Gino na parang wala lang.

I know may something, pero ayaw kong makialam.

Aalis na sana ako nang mahagilap ko yung guy.

Papalapit na siya sa akin.

Nilagpasan niya ako.

ay shet! iT ReAlLy hUrTs! Bhie hahaha!

Nilapitan niya si Gino. May pinag-usapan pa sila tapos umalis na sila. Si Ericka naman ay parang paiyak na.

Hindi ko na lang tinanong. At niyakap na lang siya.

3 bells na kaya pauwi na kami. Nagkahiwalay na kami ni Riri kasi sinundo na siya ng Daddy niya. Ako naman ay magc-commute kasi hindi ako makukuha ni Daddy. Inaya naman ako ni Riri na sumakay pero nahihiya ako kasi iba ang way namin sa kanila kaya inayawan ko na lang.

Habang naglalakad ako para mag hanap ng tricycle ay may pumatak na tubig galing sa ibabaw.

"Shems!"

Sa lahat ba naman na araw ay ngayon pa talaga umulan. Wala akong dalang payong!

Nang may nakita akong tricycle ay pinara ko ito, ngunit nilagpasan lang ako nito!

Hay naku! Basa na ako.

Maglalakad na sana ako pabalik sa waiting shed ngunit natigilan ako dahil may lumapit sa akin at pina share ako sa payong niya.

Una, di ko nakita mukha niya dahil may tiningnan siya sa likod niya. Pero paglingon niya sa akin ay nagulat ako!

Siya 'yon!

Pumara siya agad ng tricycle at pinapasok niya na ako sa loob, akala ko hindi siya sasakay pero sumama pala siya.

Tumabi siya sa akin. At nginitian niya ako.

Sinabi ko na ang address ko kay manong.

"Ihahatid kita." Sabi niya at ngumiti sakin.




Ang paligid man ay madilim,
ang mga ulap man ay nangingitim,
ang tubig ulan man ay tumutulo sa akin,
pero balewala lahat ng 'yon para sa akin,
Dahil napawi na ito simula ng ngumiti siya sa akin.

____________________________________

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon