"Manong, para po!" nilakasan ko 'yung katok sa may bubongan ng jeep. 5 minutes nalang at male-late na ako sa flag ceremony namin.
Bumaba na ako sa jeep at sinimulan ko nang tumakbo, medyo malayo pa ang school ko kaya go with the flow nalang. Tinignan ko ang aking relo at 5:55 AM na at 6:00 AM ang start ng flag ceremony, kung hindi ako makakaabot on-time, sasaraduhan nila ako ng gate.
Malapit na ako sa gate, naririnig ko na 'yung pito ng guard. Binilisan ko pa lalo ang aking pagtakbo pero biglang may humatak sa wrist ko, hindi ko siya maaninag, pero sigurado akong lalaki ito. Nakarating kami on-time sa school, pero bigla nalang siya bumitaw at nawala na siya sa paningin ko.
"Wow, ang aga-aga pa pero 'yung itsura mo parang pauwi ka na, ah." Asar ni Sauny
"Oh, buti nakarating ka pa sa flag ceremony." Sabi ni Jia.
Binigay sa'kin ni Jia ang kaniyang mineral water, agad kong binuksan at ininom 'yon.
Bumuntong-hininga muna ako bago ko sila hinarapan, "Nakita niyo ba 'yong lalaki kanina? 'yong humatak sa'kin?" Nakita ko sa itsura nila na tila bang nagtataka. Parehas silang umiling, weird.
"Formation!" Sigaw nung teacher, agad naman kaming pumila. Pagkatapos ng flag ceremony ay dumiretso na kami sa classroom namin, Grade 12 na kami at sa susunod na taon ay kolehiyo na kami. Tamang-tama at bawat row ay may tatlong upuan, sakto na kami don nila Sauny at Jia. Pumunta kami sa third row, malapit sa bintana. Umupo ako sa may tabi ng bintana, si Sauny ay nasa gitna at katabi niya si Jia.
"Ian, buksan mo nga 'yong aircon, ang init!" Sigaw ni Sauny sa isa naming kaklase. Tumango nalang siya at kinuha 'yong remote at binuksan 'yong aircon.
"Thank you po, ma'am." tapos na ang third subject namin, isang subject nalang at uwian na namin. "Mall tayo." aya ko sakanilang dalawa, pumayag naman sila.
Kumain muna kami ng tanghalian sa may KFC, gravy lang habol naming tatlo dito eh.
"Mega shopping sale sa watson ngayon." Pag i-inform ni Jia sa'min, tamang-tama at need ko ng bagong make-up at skincare. "Sige, punta tayo sa watson after natin kumain." Giit ko habang ako'y naglalagay ng gravy sa kanin ko. Tumayo si Sauny at humingi siya sa counter ng malaking bowl at dumiretsyo siya sa may gravy station.
Pagkabalik niya ay nilagay niya ang kanin at manok niya sa bowl. "Ano 'yan? gravy na may konting kanin at manok?" Sabi ni Jia sabay inom ng coke zero.
"Busog na ako.." sabi ni Sauny sabay himas ng tiyan. "Paano kasi, ginawang soup 'yung gravy ng kfc." Nag-tsk ako.
Lumipas ang ilang minuto at dumiretso na kami sa may watson, mabuti nalang at may pasok kaya walang gaanong studyante sa watson. Kumuha kami basket at nagsimula na kami mag shopping, magkikita-kita nalang kami sa may counter.
Habang naglilibot ako, inaalala ko parin kung sino 'yung humatak sa'kin kanina, weird. Kumuha ako ng foundation, concealer, blush, eyeshadow, mascara, at lip tint. Marami pa akong kinuha sa iba't-ibang station ng make-up. Puro beauty products lang ang mga pinaglalagay ko sa basket.
Tamang-tama at nasa counter narin sila Jia at Sauny, mukhang naparami din ang binili nila kasi sale ang watson eh.
"Thank you, ma'am. Please come again!" Nginitian ko 'yung guard at nag thank you rin ako.
"May bibilhin pa ba kayo?" tanong ko sakanila. "Oo, wait, punta tayo sa K-pop Merch Store, may bibilhin lang ako." Sabi ni Sauny, hay nako, bibili nanaman 'to ng album.
"Jia, bili ka na rin ng album! Nandito na 'yung album ng favorite group mo!"
Habang nagh-hoard sila ng album, tinignan ko nalang 'yung poster sa harapan ko.
STB, K-pop boy group formed by Nijeok Entertainment, and it contains 7 members.
"Wow, ampogi naman ni Jinso," sabi ni Sauny nung tinignan niya ang poster. "Ate, magkano sa poster na 'to? kunin ko na po, ah?!" Sigaw ni Sauny sa may-ari ng store, nakakahiya! buti nalang at pumayag si ate.
"Claurie, bili ka narin! Comeback din nito oh!" Turo ni Sauny sa STB Group.
"Kuha ka lang diyan, kukunin ko pa 'yung album ng Wavy at TCN!"
Kumuha ako ng isang album at dumiretso sa cashier.
"Hi!" bati sa'kin nung may-ari. "Hello po.." sabi ko naman sakanya. "Grabe, gulo ng mga kasama mo, oh.." turo niya sa dalawa kong kaibigan na nagwawala sa Comeback Album Station.
"Hehe opo, matagal na silang baliw sa k-pop." sabi ko habang pinipigilan na matawa.
"Fan ka ng STB?" tanong sa'kin, um-oo nalang ako sakanya, "Thank you po." kinuha ko na sakanya 'yung bitbit niyang eco bag. Sumunod sa pila naman si Jia, 6 albums, 5 posters, at 3 lightsticks ang nilapag niya sa may counter. Nang matapos na siya ay si Sauny naman ang magbabayad, nilagay niya ang 10 albums, 5 posters, at 4 na lightsticks sa counter, nagulat ako dahil ang dami niyang binili! Ang mamahal pa naman! Nagulat sakanya 'yung cashier.
"A-ahmm, lahat ito?..." tanong ni ate sakanya, "Siyempre naman, ate!" masiglang sabi ni Sauny. Dahil marami ang binili ni Sauny, may binigay si ate na limited edition ng STB photocard set at kung ano-ano pa. Ganun din kay Jia.
Pagkauwi ko ay pinagalitan ko ang kapatid ko, "Ano ba 'yan, kuya! Muntik na akong ma-late sa flag ceremony." Porket na-late lang ako ng gising, iniwan na niya ako kasama 'yung kotse, mabuti nalang at marunong ako mag commute! Tumawa nalang ang kuya kong baliw.
Dumiretso ako sa loob at Nilapag ko ang mga pinamili ko sa kama ko. Naligo ulit ako kasi sobrang lagkit ko na.
Nang matapos na akong maligo ay umupo ako sa kama ko at pinicturan ko ang mga pinamili ko. Kinuha ko rin 'yung album na binili ko at pinicturan ko rin.
Sinet-up ko ang camera ko, mag v-vlog ako today. Nag-lagay nalang ako ng lip tint sa labi ko, 'di na ako nag-lagay ng pulbo kasi maputi naman ako.
Okay, set na ang lahat.. "Hello guys! Welcome back to my channel, so today, we're going to unbox a K-pop album, which is STB!" sabi ko sabay pakita sa camera yung album. Sinimulan ko nang i-unbox 'yung album, kinuha ko ang cutter at hiniwa ang plastic ng album.
"I hope ma-pull ko si Jeonkuk!" sabi ko sa cam, "Ito na, 3,2,1.." hawak ko na ang photocard, pinikit ko ang dalawa kong mata at pinakita ko muna sa camera 'yung photocard. I opened my left eye sabay inikot ang photocard paharap sa'kin. Tumili ako ng malakas kasi si Jeonkuk ang na-pull ko! "OMG! Jeonkuk!!" nagwawala na ako rito. The rest ay pinakita ko sa camera ang bawat pages ng album.
"Please like, subscribe to my channel, good bye!" I waved my hands to the camera.Tumayo muna ako at nag-unat, kinuha ko sa drawer ko ang photocard sleeve, toploader, at mga pang design sa toploader.
Mag 6:30 pm na nung natapos ako mag design ng toploader, kinuha ko ang photocard binder at pinasok ko ang photocard sa loob. Grabe, nakakapagod gumala. Natulog nalang ako dahil pagod na ako.
—End of Chapter 1—
A/N: If there's any wrong grammar, typos, feel free to post sa may conversations. Thanks. (´∩。• ᵕ •。∩')
Happy 5th monthsary, CMSS! ♡
(Grabe, 5 months na 'tong story ko pero Chapter 1 pa lang nagagawa ko.)