PROLOGUE

16 2 1
                                    

"Ingat po kayo Doc. Claurie papuntang South Korea, pati po saiyong sikat na mga kaibigan." Ngumiti at tumango nalang ako sa isang nurse. Mamayang madaling araw ang flight namin, gabi na nang matapos ang shift ko sa Hospital.

"Bye po, doc!" sabi ng security guard sa entrance ng hospital.

"Bye po, manong!"

Hindi ko mapigilan na mapangiti kasi excited na talaga ako mag-ibang bansa, though nag iibang-bansa na ako noon with my family, pero iba talaga ang excitement kapag friends mo ang kasama.

Dumiretso ako sa parking lot at binuksan ko na ang kotse ko, mahirap na at baka may taong 'di mo kakilala.

It's 10:00 PM na, chinat ko sila sa messenger kung naka-ready na ba sila.

Nang makarating ako sa unit ko, nilabas ko 'yung malaking maleta ko at binuksan ang closet ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makarating ako sa unit ko, nilabas ko 'yung malaking maleta ko at binuksan ang closet ko. 

Since isang linggo kami roon, siguro mga sampung damit at pantalon ang idadala ko. Kinuha ko 'yung mga outfits na babagay sa pang winter season. Siyempre, poporma parin ako kahit malamig don. Tamang flex lang sa Instagram.


Kinuha ko ang Gucci kong sapatos at inilagay ko sa maleta at kung ano-ano pa ang pinaglalagay ko don.


Mag 12 AM narin nang matapos ako mag-impake ng mga dadalhin ko, 3 AM pa naman ang flight namin. Tinawagan ko si Jia kung kaninong kotse 'yung gagamitin kaso sabi niya may mag hahatid sa'min papunta sa Airport. Baka alam ng mga paparazzi ang flight schedule ni Jia.

Nag-ayos na ako ng bonnga. Ang top ko ay Ruffled Silk Shirt with Bow Brooch tapos ang pambaba ko ay Black Wool-Silk Flare Pant at pinaresan ko ito ng Black Women's Ankle Boot with Horsebit. Sinuot ko na ang aking Vintage Pink Cat Eye Sunglasses at kinuha ko na ang maleta at handbag ko. Ni-lock ko na ang pinto at pumunta na ako sa elevator.

1 AM na at hinihintay ko parin sila, sa kakahintay ko sakanila, dumiretso muna ako sa Starbucks. Saktong-sakto pagkalabas ko sa starbucks nandon na sila Sauny at Jia. Pumasok na ako sa kotse at tinulungan ako ng bodyguard na ipasok 'yung maleta ko sa likod ng van.

"Ay wow, grabe naman ang outfit 'te! Ang lamig kaya sa South Korea!" Sambit ni Sauny.

"Okay lang 'yan, cute ko kaya dito." Sabi ko sabay inom ko ng kape.

"Thank you po." Sabi ko sakanya.

Tinawagan ko ang kaibigan ko na papunta na kami sa airport.

"Hello Gevan, papunta na kami sa airport, may mga nag-aabang ba diyan na paparazzi?" Si Gevan ay isa sa matalik kong kaibigan noong college.

"Claurie, Hi! Oo, maraming nag-aabang dito lalo na sa parking lot. Gusto mo bang mag VIP parking lot?" Napa-oo agad ako at sinabihan na niya raw 'yung mga security guards.

Still With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon