The Confession

11 1 0
                                    

"Nicky, tara na umuwi na tayo, ano pang ginagawa mo jan?" Tawag sa akin ng kaibigan kong si Gray sabay naglakad palayo.

Napabuntong hininga nalang ako, ibang klase talaga ang kaibigan kong ito, hindi mawarian. May times na masiyahin at biglang mawawala sa mood. Bipolar ba to? Pero taong ito ang aking kaibigan na palihim na minamahal.

Si Gray ang tipo ng tao na hindi magugustuhan ng lahat pero aking hinahangan ng lubos. Moreno, hindi ganoong katangkaran, siya yung hindi ideal type ng ibang babae ngunit hindi ko alam kung anong mayroon sa kaniya at ako'y hulog na hulog.

"Oyy. Saglit lang Gray, hintayin mo ko" sigaw ko habang humahabol sa kaniya. Grabe naman tong taong to, napaka bilis maglakad.

"Ano ba yan, ang bagal mo naman" naiiritang tugon niya sa akin.

Nang maabutan ko siya'y agad akong lumambitin ako sa kaniyang leeg. "Sorry na po, bagalan mo lang kasi ang lakad." Lambing na sambit ko sa kaniya.

"Hay nako. Tara na nga, anong oras na eh." Sabi niya at umakbay sa akin at sabay kaming naglakad pauwi.

Ganito ang routine namin sa araw-araw. Susunduin niya ako, sabay kaming papasok at sabay kaming uuwi. Napagkakamalan na nga kaming magboyfriend at girlfriend sa school dahil sa palagi kaming magkasama, ang mga pang-aasar na ito'y balewala lamang kay Gray ngunit sa akin ay malaking bagay na ito. Sana'y totoo na lamang ang kanilang mga pang-aasar.

Habang tumatagal ang aming pagkakaibigan ay lumalalim din ang aking pagtingin sa kaniya. Dumating sa puntong nagseselos ako sa mga nakakausap niyang babae.

"Gray, tara na uwi na tayo?" Yaya ko kay Gray ng minsang matapos na ang aming klase noong hapong iyon.

"Ah, una ka na Nicky. May gagawin pa kasi ako eh." Nagmamadaling sabi niya sa akin habang sinusukbit ang kaniyang bag.

"Wait! Gray saan ka pupunta? Akala ko ba sabay tayong uuwi?" Pigil ko sa kaniyang braso ng makita kong papalabas siya ng pintuan ng silid aralan.

"Umuna ka na nga Nicky at may gagawin pa ako!" Pasigaw niyang sabi na aking ikinagulat. Hindi naman ako sinisigawan ni Gray ng ganto.

"Saan ka pa pupun-"

"Ihahatid ko si Alexa sa kanila kaya umuna ka na." Mahinahong sabi ni Gray sabay labas sa pinto ng aming silid aralan.

Alexa. Ang pangalang nagpaguho sa mundo ko. Si Alexa ang matagal ng tinatangi at iniibig ni Gray. Matagal ng gusto ni Gray si Alexa ngunit nahihiya itong umamin sa kaniya. Ang kagandaha ni Alexa ay masasabing pang beauty queen, mahaba at itim na itim na buhok, maputi, magagandang mga mata at matangos na ilong. Halos lahat ng katangian ay nasa kaniya na. Bukod sa magandang hitsura ay ito ay mahinhing babae at mabait kung kaya't maraming kaibigan. Hindi kataka taka na isa si Gray sa nabihag sa kaniyang kagandahan.

Mabigat ang aking loob ng umuwi ako noong hapong iyon. Unang una ay dahil sa pagsigaw sa akin ni Gray na alam kong hinding hindi niya gagawin at ang pangalawa'y ang pagiging malapit nilang dalawa ni Alexa. Kailan pa sila nag-uusap? Kailan pa naging malapit ang dalawa? Arrggh! Maraming tanong sa isip ko ang hindi ko masagot. Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin.

Nagdaan ang mga araw na hindi na kami nagkakausap ni Gray dahil palagi na silang magkasama ni Alexa. Lagi silang sabay pumasok, sabay sa breaktime at kapag uuwi'y ihinihahatid ni Gray si Alexa. Ginagawa na ng bestfriend ko sa iba ang ginagawa niya sa akin dati. Kung dati'y ako ang kasama niya, ngayon ako'y hanggang tingin nalang.

"Ipikit ang mata

Damhin ang maririnig ng tenga

Ako'y aamin na

Confession Of A Girl Who's Truly Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon