"Anong problema?" Tanong ko, kanina pa kami nandito sa tree house sa likod bahay lang namin. Sunday ngayon at walang pasok kaya nandito kami sa tree house kung saan madalas sad'ya kami tumanbay.
"Wala." Sagot niya habang patuloy sa pagdro-drawing sa sketch pad umirap nalang ako sa hangin saka tumayo sa pagkakaupo at pumunta sa mini ice box at kumuha ng inumin.
"Sure ka?" Tanong ko ulit nang makabalik ako sa tabi niya, tangi tungo lang ang sinagot niya masyado siya busy sa ginagawa niya.
"Hoy!" Gulat niyang sigaw ng hablutin ko bigla sa kan'ya ang sketch pad, masyado siyang busy kanina pa ako imik nang imik dito. Inirapan ko siya at hindi pinansin ang sigaw niya inilipat ko ang tingin sa sketch pad na ngayon hawak ko.
Nawala ang ngiti sa labi ko at agad nagsisi na kinuha ko pa 'yon sa kan'ya, mabait si Marga at kaibigan ko siya pero hindi ko talaga maiwasan hindi magselos sa kan'ya lalo't na alam kong siya ang gusto at hindi ako. Hindi ko alam eh, ano ba meron siya na wala ako?
Ibinigay ko ang sketch pad sa kan'ya saka ngumiti pasimple ako uminom para hindi niya mahalata na biglang nagbago ang mood ko.
"Kaya pala busy," pang-aasar ko para hindi niya ako mahalata, natawa naman siya saka iling-iling na kinuha ulit ang lapis. "Gusto mo talaga siya 'no?" Tanong ko.
Gusto ko matawa sa sarili ko alam ko na naman ang sagot doon bakit ko pa ba tinatanong? Para ano? Para saktan ang sarili ko, nakakatawa lang self. Nagmumukha kang tanga sa inaasta mo.
"Oo naman, alam mo naman kung gaano ko kagusto si Marga, 'di ba? Kaya hindi muna kailangan magtanong pa nang gan'yan." Sagot niya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi pilit naman ako ngumiti sa kan'ya ng lingunin niya ako.
Sa sobrang pagkagusto mo sa kan'ya hindi mo napapansin may taong matagal kanang gusto hindi lang gusto, matagal kanang mahal.
"Ligawan mo na kasi!" Biro ko sa kan'ya habang inaalog siya, pilit ko pinapasaya ang boses ko, natatawa na talaga ako sa sarili ko, clown na siya.
"Ayoko," sagot niya saka binaba ang hawak na sketch pad at tumingin sa'kin ngumiti naman ako ng malaki para hindi niya mapansin ang totoong nararamdaman ko ngayon.
"Si Kobi ang gusto niya at alam ko 'yon."
Pero ako gusto kita pero never mo nalaman 'yon, dahil para sa'yo isa lang akong mabuting kaibigan.
"Ako mahal kita." Matapang ko sabi napahalakhak naman siya saka ginulo ang buhok ko.
"Alam ko 'no, mahal naman din kita bilang bestfriend ko simula bata kasama na kita 'no."
Pero ako mahal kita higit pa sa kaibigan, kailan mo ba mapapansin 'yon?
Napilitan nalang ako ngumiti nang hapitin niya ako palapit sa kan'ya at yakapin ng mahigpit.
"Thank you talaga dahil nakilala kita, wala na siguro akong mahahanap na ibang kaibigan na katulad."
Napangiti naman ako sa sinabi niya pero agad naman 'yon nawala ng maalala ko ang sinabi niya kanina-nina lang.
Mahal kita bilang bestfriend ko.
Hindi naman masakit, sobrang sakit lang.
Gabi na nang bumaba na kami sa tree agad naman umuwi si Lance dahil hinahanap na siya ng bunso niyang kapatid ihahatid ko pa nga sana siya dahil sa kabilang street lang naman ang bahay niya kaso 'wag na raw gawa uuwi pa raw ako mag-isa.
Nang makapasok ako sa bahay ay nakita ko agad ang ate kong busy sa kaka-video call sa mga kaibigan niya. Wala sila Mommy ngayon dahil nasa Italy sila for business meetings habang si Daddy naman ay nasa Singapore, dahil nando'n nakatira ang Tito kong nagpakasal ngayon linggo lang, dahil may school kami magkapatid at si Mommy ay busy sa business ay si Daddy lang ang nakapunta sa wedding.
"Anong pagkain?" Tanong ko sa pinsan ko nang makapasok ako sa kusina, hindi ito umimik at itinuro lang ang mga plate na may taklob napairap nalang ako, mas matanda sa'kin ng four years si Viva at hindi kami magka-close, namatay na kasi ang Mommy at Daddy ni viva at wala na siyang ibang pamilya kaya kinuha siya nila Mommy.
Pero iba ang ugali ng pinsan ko pero, naiintindihan ko siya kung bakit siya naging gano'n, madalas siya sa bar, uminom, manigarilyo, at kundi ako nagkakamali nang rinig ko sa chismosa kong kapatid marami na siyang naka-ano sabi niya pero hindi ako sigurado kung totoo. Pero imposible malaki naman ang tiwala ko sa pinsan ko.
She was so broken ng mamatay ang mga magulang niya, sa edad na sixteenth, niloko siya ng first boyfriend niya at pangalawang beses na siyang niloko, muntik na din siya pagsamantalahan ng katiwala ng father niya, pagod na pagod siya ng mga oras na 'yon tapos nalaman pa niya namatay ang magulang niya dahil sa car accident.
Close kami before at halos Ate na ang ituring ko sa kanya pero nagbago siya ng tuluyan, wala na siyang pakialam sa sarili niya, maski sa iisipin ng ibang tao tungkol sa kan'ya ay wala siyang pakialam, hinahayaan nalang siya ni Mommy at Daddy dahil alam namin pare-parehas na may pinagdadaanan siya kahit ilang taon na rin ang lumipas.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang tumayo ito sa pagkakaupo, doon ko lang napansin na nakasuot siya nang mini dress at backless 'yon kitang-kita ang maputi niyang likod.
Tinaasan niya ako ng kilay saka naglagay ng red na lipstick sa labi niya.
"Bar lang." Simple sagot niya lang bago tuluyan umalis ng kusina napailing nalang ako saka napabuntong hininga.
Kailan kaya ulit siya babalik sa vlVivalien na nakilala ko? 'Yung Viva na kasama ko sa lahat? Kailan naba ulit siya magse-mseryoso sa pag-ibig, sa buhay niya?
Malungkot akong kumain at nang matapos ay agad akong umakyat ng kwarto ko may tatapusin pa kasi akong assignment sa english at science, I really hate science and english nalabas kasi nagiging bobo ako.
Natigilan ako sa pag-gawa ng assignment, nang tumunog ang tablet ko.
"Hi!" Masigla niyang sabi ng sagutin ko ang tawag
"Bakit ka napatawag?"
"Wala lang naman, btw kayo naba?"
Natawa ako. "Nino naman?"
"Ni Lance, sino paba ha?!"
"Gaga hindi kami, hanggang kaibigan lang talaga ako para sa kan'ya." Mapait kong sagot.
"Ako nalang jojowain kita.
"Siraulo ka talaga."
"Pero hindi nga? Friends lang talaga? Bakit si Marga pa rin ba gusto niya?"
Sunod-sunod naman ako tumungo saka kinuha ang ballpen at libro. "Jowain ko maya-maya 'yung Marga."
"Baliw ka talaga, Estrella."
"Girl amin-amin din kasi, take a risk or lose a chance ikaw rin." Natawa ako. Para saan pa ang pagtetake ng risk kung umpisa pa lang wala ng chance?
"Ikaw ang kamusta na?" Pag-iiba ko nalang ng topic.
"Eto nangungulila miss na siya."
"Ba't mo kasi iniwan?" Pagtatanong ko agad naman ako natawa sa reaction niya.
"Ha? Choppy ka? Hello?"
"Baliw, oh siya may tatapusin pa ako ingat ka riyan."
"Bye, I love you girl!"
Nang namatay ang tawag ay napabuntonghininga ako, akmang papatayin ko na ang wifi ng tablet ng mag-notif naman ang message ni Lance.
Lance Benedict:
Kulet, busy ka?"
Mabilis akong nag-type. Ba't kasi sa tablet ako nag-online!
Ako:
Hindi naman bakit?
Natawa ako, hindi naman ako busy basta siya eh.
Lance Benedict:
Punta ako riyan dala akong food.
Ako:
Sige.
"Parang tanga buhay ito, ang hirap mag-move on lalo't na close na close kami..."
BINABASA MO ANG
Chasing My Bestfriend (COMPLETED)
Teen FictionChasing Series #3 Ellaine Nicole Andrade The SSG president of Ferrer international School, best friend of lance Benedict Volibar, Ellaine has been in love with lance for a long time but she does not admit it to him, because she knows her friend wa...