Chapter One Hundred Sixty-Two: Akuma

179 15 16
                                    

**

A/N: Readers waited for this a long time, do enjoy the chapter! If you're here now, maybe you've read the announcement in our original account, do follow this new one so that we can get the hype we need for more chapters. Thank you! We'll upload the next chapter after 50 followers! xoxo.

**

Minatozaki Sana's Point Of View:

"Bakit sa tingin mo.. hindi maaaring ipakita ang sarili mong baraha sa ibang tao?"

Kaagad na kumunot ang noo 'ko sa narinig mula 'kay Hyejin, bago tuluyang napaisip.

'Bakit nga ba?'

"K-kasi.." Bago ako napalunok at tingnan s'ya diretso sa mata.

Ano nga ba ang dahilan?

"Sino ba 'yang nagturo sainyo at kahit na simpleng mga katanungan ay hindi n'yo masagot?" Iritado n'yang tanong.

Pilit ang naging ngiti 'ko dahil alam alam naman ng lahat na 'self-study' ang nangyari sa henerasyon ngayon ng mga baraha dahil wala namang panahon ang nakatataas upang ensayuhin kami.

At isa pa, hindi 'rin namin inaasahan ang biglaan nalang na pagpapadala ng banta ng nga taga-norte, gayon narin ang tungkol sa espiya.

"Natutunan mo na ang basics gayon narin ang iba pang techniques na itinuro 'ko nitong nakaraang mga araw.. at noong bata ka palang." Tumango ako sa narinig. "Ngayon.. sa tingin 'ko'y sapat na ang kakayahan mo upang malaman ang tungkol sa importansya ng pinaka-importante mong armas."

Napalunok ako sa narinig bago tuluyan s'yang titigan nang ilabas n'ya mula sa sariling bulsa ang kwadradong baraha.

Gulat 'ko s'yang nilingon. "Hindi ba't hindi maaaring ilabas 'yan at ipakita-"

"Ilabas mo 'rin ang iyo." Iling ang sinagot 'ko bago s'ya pigilan ng simula n'yang kuhain ang baraha sa bulsa 'ko.

"Nanonood ang mga kataas-taasan sa nagaganap na ensayo, hindi 'ko gustong maparusahan, Hyejin!" Pero kagaya ng inaasahan ay nagtagumpay s'ya at ibinaba sa tabi ng baraha n'ya ang sarili 'kong baraha.

"Titigan mo ang pagkakaiba." Napanguso ako sa narinig bago tinitigan ang makapal at mataas n'yang baraha- habang ang akin ay ultimo isang normal na baraha lang.

"Hindi ba kahiya-hiya?"

Hinawakan n'ya ang baraha n'ya pagkatapos ay inabot sa'kin dahilan para maramdaman 'ko ang bigat nito.

"Naging gan'yan ang estado ng baraha na 'yan dahil hindi ako nagsayang ng oras at nag ensayo ng nag ensayo hangga't malaman ang lahat ng dapat 'kong malaman." Panimula n'ya. "Doon kayo nagkulang- sa halip na samantalahin n'yo ang pagkakataon na mag ensayo ay inuna n'yo pa ang pag intindi sa mga walang saysay na programa sa unibersidad."

Napapikit na lang ako ng mariin dahil ilang beses 'ko narin narinig ang salitang 'yan.

"Hyejin." Seryoso 'kong usal. "Naririto ako bilang estudyante, hindi bilang supling mo."

C6: The Cards and The Player [ CONTINUATION ]Where stories live. Discover now