Chapter One Hundred Sixty-Six: Koi No Yokan

122 12 18
                                    

**

A/N: A chapter for MiChaeng Shippers out there!

**

Myoui Mina's Point Of View:

"Mina-ri." Napangiti ako ng marinig ang mahina n'yang pagtawag.

"Yes, Chaeyoung-ie?" Nagkibit balikat 'to.

"Wala lang, gusto 'ko lang na.."

"Na?"

"Tumingin 'ka sa'kin."

Napailing ako sa narinig bago kaagad na nag-iwas ng tingin.

Halos isang taon na pero ganito parin ang estado naming dalawa, hanggang ngayon rin ay hindi 'ko alam kung ano ang kapupuntahan ng pagpapakita namin ng motibo sa isa't isa.

"Naalala 'ko." Panimula n'ya bago tumingin sa ceiling. "Sa tingin 'ko ay balak ni Sowon at Eunha na umalis sa kontinente."

Mabilis akong napalingon sakan'ya. "Ang Presidente?"

Tumango s'ya at ngumiti ng tipid. "Sa wakas ay papanindigan n'ya na ang pagmamahal 'kay Eunha."

Sa loob-loob 'ko ay hindi ako kumbinsido, gayong alam naming lahat ang kakayahan ng kataas-taasan.

"Hindi ba't delikado ang balak nila?" Napangisi s'ya.

"Hindi ba't kahit delikado ay gagawin mo para sa mahal mo?" Napailing ako.

"Importante pa 'rin na alamin muna ang mga kalalabasan ng mga pangyayari, Chaeyoung." Ilang kurap ang nagawa nito bago nag-iwas ng tingin.

"Ang ibig mong sabihin ay kung ikaw ang nasa kalagayan nila ay hindi mo 'yon gagawin?"

"Hindi." Kaagad 'kong sagot, dahilan para salubungin n'ya ang mga tingin 'ko.

Nang mapansin 'ko ang maluha-luha n'yang mata ay akma akong magsasalita pero kaagad s'yang tumayo mula sa pagkakahiga sa tabi 'ko, bago tuluyang kinuha ang coat n'ya sa couch.

"Siguro ay dapat na 'kong umalis." Sinabi n'ya 'yon sa mahina na tono kaya't kaagad 'kong naramdamang may mali.

"Chaeyoung." Tawag 'ko sakan'ya pero nilingon lang ako nito at hindi nagsalita.

Nanatili akong nakatitig ngunit saglit lang n'yang sinalubong ang mga tingin 'ko.

"Anong iniisip mo?" Tanong 'ko.

Nagbalik 'to ng tingin bago nagsalita. "Mina.."

Bulong n'ya. "Naaalala mo ba ang sikretong sinabi 'ko sa'yo, ilang buwan na ang nakakaraan?"

Ilang lunok ang nagawa 'ko, bago mag-iwas ng tingin.

'Tila bumalik ang bigat ng pakiramdam 'ko noong una 'kong narinig ang mga salitang 'yon mula sa bibig n'ya.

Sikreto..

Sa lahat ng sikretong nalaman 'ko mula sa ibang tao ay 'tila ang kan'ya ang pinakamasakit.

"N-naalala 'ko, at hinding hindi 'ko makakalimutan, Chaeyoung." Sagot 'ko.

Wala pa s'yang sinasabi ay napuno na ng luha ang gilid ng mata 'ko kaya't kinailangan 'ko pang mag-iwas ng tingin.

"Naisip 'ko lang.." Panimula n'ya. "Paano kung dumating ang araw na kinakailangan mo na 'kong ipaglaban?"

Ilang kurap ang nagawa 'ko.

"Paano kung buong kontinente ang hadlang sa pag-iibigan nating dalawa?" Tanong n'yang muli.

"Paano kung sa huli ay mayroon talagang hindi magandang kalalabasan ang pagtingin natin?" Muli nitong dugtong.

C6: The Cards and The Player [ CONTINUATION ]Where stories live. Discover now