Chapter 23

1K 40 71
                                    

Chapter 23



"Next time kasi, huwag kang magpapadala sa galit mo. Look what happened to you, dinungisan mo ang g'wapo mong mukha." sermon ko sakanya.

Nilalagyan ko siya ng betadine sa bandang kilay niya. Ngayon ko lang kasi napansin na may sugat pala roon. Nag-alala naman agad ako sakanya.

He sighed. "So inaamin mong g'wapo ako?"

"Malamang. Sino bang may sabing hindi?" sabay tinaasan ko siya ng isang kilay.

"What do you want me to do? Hayaan nalang si Dad? He tried to touch you, Zhalya. And I won't ever let him touch you again." madilim na sabi niya.

Napailing ako sakanya. Napaigik naman siya nang medyo diniin ko ang pagdadampi ng betadine sa sugat niya.

"Pero kahit na, he's still your dad. Hindi magandang gawain iyon bilang isang anak." I calmly said.

Umismid siya. "So, siya, bilang ama ko, may karapatang suntukin na lang ako kung kailan niya gusto? Hindi tama iyon, Zhalya."

Actually, may point din naman siya roon.

"Alam mo, feeling ko talaga ipinagtagpo tayo ng tadhana. I mean, halos parehas tayo ng sitwasyon. Parehas nating nararamdaman na parang wala tayong kakampi sa pamilya natin." sabi ko.

He nodded. "Yes. Because my Mom? Kamping kampi siya kay Dad, ni hindi na nila inisip kung anong mararamdaman ko. Ako pa naman ang nag-iisang anak nila. How I wish na sana, sila Mommy Diana nalang ang totoo kong magulang."

Marahan kong hinaplos ang braso niya at muling nagpatuloy sa pag-gagamot sa sugat niya.

"Siya nga pala, pati ba sila Tita Diana ay kasama sa pang-loloko mo saakin?" tanong ko kalaunan.

Yumuko siya. "Yes, I'm sorry…"

"Huwag mo nang uulitin 'yon, ah? Huwag ka na ulit magtatago saakin ng kahit anong sikreto, okay?"

"Pangako," sabay tinaas pa niya ang kanang kamay niya.

"Kapag nalaman ko talaga na may hindi ka pa sinasabi saakin, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko." naiiling na sabi ko.

"B-Bakit, hihiwalayan mo ba ako?" parang kinakabahang tanong niya.

"Depende sa sitwasyon. Wait, bakit mo tinatanong? Don't tell me, may hindi ka pa nga sinasabi saakin hanggang ngayon? Sabihin mo na hangga't maaga pa." I told him.

He chuckled. "Wala! Tinitignan ko lang kung anong magiging reaksyon mo."

"Basta, Altair, nabigyan na kita ng second chance. Huwag mo na sana iyong bibiguin pa, okay?" mahinahong sabi ko.

Nanatili ang titig niya saakin at kalaunan ay dahan dahan siyang tumango.

Nang matapos kong magamot ang sugat ni Altair, saktong may nag-doorbell naman sa pinto. Agad naman akong lumapit doon at nagulat ako nang makita kung sino ang nasa labas.

"Kyler?" laglag pangang tanong ko.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. He changed a lot. Iba na ang buhok niya ngayon, mas lalo din siyang tumangkad at nag-mukhang matured.

"Yes, it's me." natatawang bati niya.

"What brings you here?" bakas pa din ang gulat sa boses ko.

Kalaunan ay tinaas niya ang isang box na may lamang donut.

"Bumili lang ako d'yan sa baba, tapos saktong naalala ko na dito ka nga pala nakatira. So, naisipan kong bisitahin ka." sagot niya.

Tumango ako at kalaunan ay niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para tuluyan siyang makapasok.

Sa Hindi Pag-alala (Munimuni Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon