Chapter 2

2K 69 53
                                    

Chapter 2



"Ano itong nababalitaan ko na may kapatid ka daw na lalaki?" usisa saakin ni Quinn.

Tinignan ko siya. Nandito kami ngayon sa bench. Nang parehas kaming nakabalik ni Kyler ay kaagad niya kaming sinalubong.

"What? Saan mo nalaman?" gulat kong tanong sakanya.

Kanina lang iyon nangyari. Naalala ko nanaman tuloy iyong nangyari kanina. About that guy, hindi ko manlang natanong kung anong pangalan niya.

Hinawakan naman ako ni Kyler sa braso ko na sinenyasan ako na sabihin sakanya kung anong sinasabi ni Quinn.

Nagkibit ako ng balikat sakanya at kalaunan ay bumalik ang tingin kay Quinn na nanliliit ang mga mata saakin.

"Usap usapan na iyon sa buong university. Nagtataka sila kung sino daw ba iyong kapatid mo na lalaki, ngayon lang daw nila nalaman." paliwanag niya.

Napapikit ako ng mariin. Hindi na ako magtataka kung bakit marami na ang nakaka-alam ng mga nangyari kanina, pati pambabastos nila saakin, malamang ay usap usapan na din.

"So tell me, totoo ba 'yon? Ba't hindi ko alam? Ikaw, ha!" tampo niyang sabi.

I chuckled. "Ano ka ba, alam mo namang dalawa lang ang kapatid ko, at isa pa, puro babae kami sa magkakapatid."

"Huh? Then, ano iyong nabalitaan ko? Fake news?" takang tanong niya.

Tumango ako. "No, I mean, akala nila may kapatid akong lalaki." I shrugged.

Mas lalong nangunot ang noo ni Quinn, mukhang hindi niya maintindihan kung anong sinabi ko. Ganoon din si Kyler na pataas taas ang kilay saakin.

"Huh!? Hindi kita gets!" iritang sabi niya.

I then sighed. Akala ko naman, pati iyong pambabastos saakin ng karamihan ay alam nila, mali pala ako. Ano pa nga bang inaasahan ko? Hindi naman lahat ng kuwento, makakarating sa mga tsismosa.

"May mga lalaking nantrip nanaman saakin, then someone—"

"Who the fuck they are!?" galit na singit ni Kyler.

Mahina ko siyang hinampas sakanyang braso. Hindi pa nga ako tapos mag-salita, galit na sumingit naman siya.

"Let me explain first, okay?" kalmado kong sabi sakanya.

Nang makita siyang bumuntong hininga at kumalma ay natawa at napailing nalang ako sakanya.

"Then, someone helped me. Hindi ko alam kung sino, and the introduced me to them as a sister. Siguro ay para makaligtas ako sa mga kalalakihan." pagpapatuloy ko.

Napaawang ang labi ni Quinn. "Omg! He's such an gentleman. Anong name? May facebook ba siya? Ano kayang year? Ano kayang course?" dami niyang tanong.

Umirap ako. "Iyon na nga, hindi ko manlang alam ang name niya. Pero, nagpasalamat naman ako sakanya."

Kalaunan ay naramdaman kong mahigpit akong inakbayan ni Kyler at mas pinalapit niya ako sakanya.

"My baby seems so interested. Nakapag-pasalamat ka naman na sakanya, ah?" Kyler said.

I nodded. "Yes, sabi ko nga. Medyo curious lang ako, I'm not interested." natatawang sabi ko.

He chuckled. "Good to know…"

"Ayan nanaman kayong dalawa!" biglang sigaw ni Quinn dahilan para maputol ang usapan namin ni Kyler.

I then looked at her. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at sinamaan ng tingin. This is one of the reason kung bakit ayaw ko siyang laging sumasama saakin, lalo na kapag kasama ko si Kyler.

Sa Hindi Pag-alala (Munimuni Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon