[ language used in writing : tagalog - english. typographical and grammatical errors ahead ]
trigger warning!! mention of depression, drugs, death, self harm and childhood trauma.
"happy birthday ellie!" masiglang bati ni jezel saakin. "nagdala ako pagkain alam ko naman kasing di ka mahilig sa mga blow out blow out" dagdag pa nento tsaka umupo sa tabi ko
tinignan ko ang dala niya. madami siyang dalang pagkain may cake, pizza, carbonara.. pero sapat lang ang dami para saaming dalawa. pumunta itong kusina para kumuha ng mga plato na gagamitin namin kaya sumunod ako dito para tulungan siya
"kamusta ka na? sorry almost 1 week din ako di nakabisita sayo madami kasi akong tinapos pero okay na ngayon tapos ko na lahat" masiglang sabi nento
nilingon ko ito "okay lang ako wag ka mag-alala salamat" maikling sagot ko dito bago tumungo sa may lamesa
inayos namin yung dala niyang pagkain at mga plato sa lamesa bago kumain
"napansin ko kulang na yung mga gamit mo dito sa bahay nandito naman na ko ako nalang maggro-grocery"
"gusto kong sumama" gusto ko uli lumabas ng bahay, gusto ko uli maka amoy ng sariwang hangin, makarinig ng ingay ng mga tao sa labas at ng mga sasakyan its been a while
tumingin ito saakin ng seryoso na para bang di makapaniwala sa sinabi ko "a-ah sige sure" nakangiting sabi nento saakin.
pumasok ako ng kwarto para magpalit ng damit na pang labas nag-ayos din ako ng sarili. matapos ko itong gawin dumeretso nako sa labas kung saan naghihintay ang kotse ni jezel pati siya sumakay ako dito
tahimik ang buong byahe hindi din naman kalayuan ang mall sa tinitirahan ko siguro mga 20 minutes lang ay mararating na namin agad doon, pagkatapos i-park ni jezel ang kotse niya hawak kamay kaming pumasok sa mall para mag grocery. nilibot ko ang tingin ko sa paligid, ansarap pala sa pakiramdam para akong preso na nakulong sa kulungan ng mahigit sampung taon at ngayon lang nakalaya. maraming tao sa loob ng lugar na ito kaya nagsimula na kaming maglibot ni jezel para mabili ang mga kailangan ko sa bahay.
"may malapit ba na coffee shop dito?" tanong ko sakanya
"yup, lalabas ka lang dito tas yung katapat na building nento ayon coffee shop yon"
"bibili lang ako don magkita nalang tayo sa parking lot" sabi ko rito tsaka naunang lumabas ng mall para puntahan yung coffee shop, namiss ko din kasi uminom ng kape nandito naman na din naman kami sa labas kaya lulubusin ko na ang paglibot hanggang sa masanay uli ako
"one caffè americano for ms. ellie!"
agad akong tumayo para kuhanin ang order ko balak ko pa sanang tumambay kahit saglit sa loob ng shop kaso baka naghihintay na si jezel sa parking lot, maybe next time babalik ako dito
naglakad ako papuntang parking lot habang iniinom ang inorder kong kape, nililibot ko din ang paningin ko sa paligid simula ngayon pinapangako kong hindi nako magkukulong sa bahay at mas dadalasan ko ng lumabas. nakakamiss din gawin yung mga bagay na alam mong nag eenjoy ka
habang pinagmamasdan ko ang paligid may napansin akong pamilyar na tao na naglalakad papunta sa direksyon ko mukhang kakatapos niya lang i-park yung kotse niya din dito sa parking lot. pamilyar siya pero hindi ko matandaan sa kung sa papaanong paraan siya naging pamilyar saakin. sino siya?
nang malapit na ito saakin naglakas loob akong tanungin ito "excuse me, have we met before?" seryoso kong tanong dito. seryoso akong tinignan nento na para bang kinikilala ako. ganon din ang ginawa ko pero hindi padin malinaw sa isip ko kung paano siya naging pamilyar saakin... baka sakaling alam niya.. baka?
"i don't think we met before. trust me, cause if we did, i would remember" kalmado nentong sagot saakin tsaka muling tumuloy sa paglalakad.
"you good mare?" tanong ni jezel habang inaayos yung mga pinamili namin "lumalamig na yang kape mo di mo padin nauubos" umupo ito sa kaharap kong upuan
"wala lang may nakita lang kasi ako kanina sa labas sobrang pamilyar niya saakin pero hindi ko matandaan kung bakit" sagot ko dito
pilit itong tumawa bago nagsalita muli "side effect lang yan ng kape mare"
kinagabihan nagpaalam na si jezel saakin babalik din naman siya bukas ulit para samahan ako sa bahay.
pilit pading inaalala ng utak ko yung lalaking nakita ko kanina sa parking lot. sobrang pamilyar niya kasi talaga saakin lalo na nung nasa harapan ko na siya kanina he look so unreal.. seriously mukha siyang anime character pero hindi naman ako nanunuod ng anime kaya imposibleng doon ko siya nakilala diba?
seryoso yung tingin niya kanina saakin para niya kong kinikilala din tulad ng ginagawa ko sakanya.
12 am na pero hindi padin ako makatulog siguro dahil nadin sa kape masyado kasing matapang yung caffè americano at siguro dahil nadin don sa lalaki kanina.. ayaw na nila kong patulugin parehas kaya napagdesisyonan kong uminom ng sleeping pills. matagal ko ng itinigil tong pag inom ko ng sleeping pills ngayon ko nalang uli gagawin hindi naman siguro malalaman ni jezel diba? hindi kasi ako pwedeng uminom ng ibang gamot dahil nagta-take ako ng antidepressant drug.
"just this once" sabi ko tsaka binuksan ang lalagyan ng sleeping pills tsaka kumuha ng isa. nang mainom ko na ito bumalik na ko sa kwarto para matulog.
~~~
hi author speaking, hope you enjoy this chapter. don't forget to vote, share and comment
thank you and see you in the next chapter!! < 333
BINABASA MO ANG
Before
Fanfiction"have we met before?" she asked the boy in front of her, "i don't think we met before. trust me, cause if we did, i would remember." the boy answered calmly. tagalog / english story. (ft nct members) trigger warning!!! mention of depression, drugs...