Chapter 12 (Surigao)

6 1 0
                                    

Thank you so much to my bestfriend Alexa! She plug my story kaya may nag babasa na neto ngayon. I love you ampalaya!

Hope you like this CHAPTER! HAPPY READING 💗






LUX AND WINKY KISSED? (・o・)


ZAMARA'S POV

Biglang nagising ang diwa ko ng maramdaman ang mainit na hininga sa taenga ko. Para itong bubuyog na naghuhuni ngunit matamis eto pakinggan. Nang minulat ko ang mga mata ay nakita ko si Lux na nakatulog sa gilid ng kama ko. Mukhang nahulog sa kama nya, naka patong ang dalawang kamay sa gilid ng kama ko at naka harap sa akin.

Mukhang pagod na pagod sya at di na nya nakuhang bumalik sa higaan nya. Bumangon ako at kinuha ang damit ko para magpalit. Hindi ko nakita si Winky, baka namasyal sa labas.

Naghilamos muna ako bago nagpalit ng damit maya maya ay dahan dahang bumukas ang pinto. Nalock ko naman ah? Panong? Una kong naisip na multo ito dahil nga tulog naman si Lux, wala naman si Winky.

Aaminin kong natakot at tumayo pa ang mga balahibo ko. Napaka bilis ng tibok ng puso ko. Maya maya ay niluwal neto si Lux na nakapikit pa at naka topless. Napa lunok ako nang minulat nya ang mga mata nya. Nanlaki ang mata ko ng marealize na naka bra lang pala at panty ako, kasi nga magbibihis sana ako. Dali dali ko kinuha ang tuwalya at itinulak si Lux palabas.

Animoy wala pa syang espirito, at gulat na gulat. Nagbihis ako agad at lumabas.

"Sorry, I didn't mean to do tha—"

"No sorry, it was really my fault. Di ko ata nalock ang pinto" Napalunok ako dahil kasalanan ko naman talaga.

"No, it's mine. Hindi kasi ako kumatok" Sabi nya at napakamot sa batok. Napalunok ako ng makita ang katawan nya, so hot! Tumayo ito at kinuha ang tuwalya nya at pinalupot sa leeg nya at pumasok sa cr.

'Ang hot talaga nya, mula noon hanggang forever ata'

Napangiti ako dahil sa naisip ko. Lumabas na ako at nag lakad papuntang room nina Kath. Kath and Ian is in the same room while si Xedric kumuha ng sarili nyang room, gusto nya daw mapag isa.

"Kath? Katot? Ian?" Tawag ko sabay katok sa pinto. Maya maya ay bumukas ito pero walang Kath na lumabas.

"Wala si Kath eh, dun na sila sa lobby kakain na tayo Mara" Si Ian. Nag nod ako sabay kaming pumunta sa lobby. Nadaanan namin si Lux na kakalabas lang ng room namin.

Nakita ko agad si Kath at Xedric na nakaupo na tila nag hihintay ng pagkain. Maya maya ay pumasok si Winky na naka beach wear na. Mukhang naglibot nga sya sa resort.

"Oh there you are, nag order na kami wait nalng natin tapos kumain na tayo" Sabi ni Xedric at inalayan ako ng upuan sa tabi nya. Gentleman, check!

Pagdating ng pagkain ay kumain na kami, walang masyadong umimik dahil halatang gutom ang lahat. Plano namin mamaya ay mag stand by sa kwarto nina Kath at Ian para dun nalang mag sama sama. Bukas nalang daw kami mag sswimming dahil hapon na naman ngayon. Alas kwatro na ng hapon at ngayon palang kami nag lunch.

Pagkaubos ng pagkain ay nag order sila ng dessert, while waiting nag umpisa na silang mag kwentohan.

"Naalala nyo yung nasa Batanes tayo? Yung naka brace na lalaki? Tsaka yung buko juice? HAHAHHA" Lahat naman sila ay tumawa maliban kay Xedric at Winky na di alam ang nangyare.

• I Sign Mr. Martinez's Contract • (On Going) | Contract Series 1 |Where stories live. Discover now