Chapter 6: walang sungitan?!.. 1st time toh ah!

357 8 1
                                    

Hyun Ae's POV

☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻

Dear Diary,

Hay nako, ang dami ko na ring nalalaman kay Miko na hindi ko inaasahang pinagdadaanan pala niya.. Kung aksidente naman kasi ang nangyari bakit niya sinisisi ang sarili niya. Basta buti nalang pumayag si James na tulungan ako. pero may problema pa nga pala kami.. Pano siya tutulong eh uuwi na siya ng Korea, tapos sikat pa siya dito sa Pilipinas. Pero nagpromise siya na tutulungan niya ako kaya wala na siyang magagawa kung hindi tuparin ang promise niya.

Cute.Hyun.Ae(●^o^●)

☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻☺☻

Dahil sa kakaisip ko kung paano ang gagawin namin ni James na pagtulong kay Miko, hindi ako makatulog mag 11 na ng gabi at may pasok pa bukas, bangag ako bukas panigurado.

Ikot sa kanan... Ikot sa kaliwa... Dapa.... Ay nako kahit anong posisyon hindi ako makatulog, punta na nga lang ako sa kusina para uminom ng gatas for strong bones.

Ang dilim.. nakapatay lahat ng ilaw.. ginamit ko ang phone ko pangilaw pero may image akong naaninag sa may terase.. hindi ko makita maigi kasi may curtain... (・。・;) hindi ako takot sa multo no?!!(・_・;) hindi sila nageexist.. gumagalaw ang image at parang lumilipad.. lumapit ako sa Image na medyo KINAKABAHAN..

"AY ANO BA?! HINDI NGA AKO TAKOT SA MULTO!! ayusin mo author ang emotion ko!! hindi nga ako nainiwala sa multo eh!!"

(^▽^)"Wag mo na lokohin ang sarili mo Hyun Ae!! takot ka kasi talaga.." 

"Bakit ba mas marunong ka pa sa kin author!! (>∇<)/ pag sinabi kong hindi ako takot, hindi ako takot!!"

"Bahala ka!!" (=_=)

"Hindi ako takot!!! hindi ako takot!! hindi ako ta—(/ロ

"Hindi ka pala takot ah!! sabi ko na man saiyo wag mo na ideny...MANIWALA KA NALANG KASI SA AKIN"

"Magtigil ka author!!! may Multo!!!!!!! kakainin niya ako!!!! wahhHHHhHH wag po!! ndi po ako masara—!!!!" Takot na takot ako kasi biglang umilaw at yung... yung... yung multo may sungay!! na papalapit ng papalapit sa akin!!!!! 

"Hoy!!!! wag ka ngang sumigaw jan!!!magising sila mama at papa eh!!" sabi ng multo sa akin na may matapang na tono.

"WaaaHHHhaHHH!! may nanay at tatay pa ang multo!!!! wag niyo po ako kakainin!! si MIKOMOUSE nalang!!!!..." nakasalampak ako sa sahig tapos nakatakip ang kamay ko sa mukha ko...  "Andun po si  MIKOmouse sa kwa— Aray!!!!" napatigil ako sa pagkapraning ko dahil biglang may humampas sa likod ko.

"Ano ka ba?! wag ka nga sabing maingay!!!" sabi sa akin ng multo at unti unti kong tinanggal ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko para makita ko kung sino humampas sa akin. Si Miko pala un.. Agad agad akong tumayo at pinagtaasan siya ng kilay.. "Ano ba kasi ang ginagawa mo dun sa terase?! Gabing gabi na eh!! tapos hidi ka pa nagbubukas ng ilaw!! akala ko tuloy multo ka!!"

"Pakealam mo ba?!" sabi naman niya sa akin ng may as ussual na mataray na tingin. "Hindi ako makatulog eh! eh ikaw bakit andito ka din?!"

"Hindi rin ako makatulog eh..." sabi ko sa kanya ng hindi natingin sa kanya. nakakahiya kasi eh..

Umupo siya sa sofa sa sala.. at ako naman naiwan dun sa kusina. nagtimpla nalang ako ng gatas.. hindi rin siya makatulog kaya ipinagtimpla ko na rin siya ng gatas..

Mukhang malalim iniisip niya at mukhang may problema siya, actually alam ko naman talaga na may problema siya, kaya lang ngayon ko lang siya nakita na ganyan..

Tinatawag ko siya kaya lang parang may sarili siyang mundo dun sa sofa kaya idinikit ko nalang ang mainit na gatas sa pisngi niya. C:。ミ

Nabigla siguro siya at muntik na niyang matabig ang gatas na hawak ko buti nalang nailayo ko.

Ng nakawala na siya sa mundo niya.. inalok ko nalang siya ng gatas.

 Tinanggap niya naman iyon ng hindi nagtataray.. Wow ah! infairness hindi niya ako sinigawan..

 ^^) _U~~ "Ahhmmm alam mo! sabi ni Omma sa akin dati, kapag hindi ka daw makatulog at marami kang iniisip, uminom ka lang daw ng mainit na gatas at dadalawin ka na daw ng antok at gagaan ang pakiramdam mo.." umupo ako sa tabi niya pero hindi sobrang lapit. FC lang?!. nagstart ako ng topic para wala lang.. ang tahimik kasi eh...Pero hindi siya sumagot. nakaupo lang dun at nakapasok nanaman siya sa time space warp.

Nagkaroon siguro ng 5 minutong katahimikan.. ng biglang nagsalita si Miko.. ( —_ -) _旦~~  "Makakaya ba ng gatas na ito na ipaintindi sa akin ang sinabi sa akin ni james kanina?!"

"ha?!" Hindi ko siya naintindihan kasi iniisip ko din kung paano ko matutulungan si Miko, mukha na kasi siyang nahihirapan eh. ang naintindihan ko lane eh.. makakaya ba ng SLJGBEOGN;SDJFGN kanina?!

Tumigin lang siya saglit sa akin pero hindi pa rin niya ako sinungitan.. Magaalay nga ako ng itlog bukas.."Wala!!, hayaan mo nalang yun!!" tapos iniwan niya ako sa sala magisa at pumunta na sa kwarto niya.

"Ano daw sabi niya author??"

"Hyun Ae, Pabingi bingi ka kasi eh.. sa susunod maglinis linis ng tenga ah!!"

"I hate you Ms. Essenuej!!!!"

Run Away... Actress?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon