Chapter 1: My First day of School Part 3

517 18 3
                                    

[Miko's POV]

Tumunog na ang bell at sa wakas uwian na rin.. bukod kasi kay Hyun Ae na pabida masyado sa mga kaklase ko, nakakaasar pa ung mga classmate ko.. papicture ng papicture sa akin... Oo alam ko sikat na model ako, pero please naman nasa school po ako eh.. sabihan na nila mataray ako eh kaso naman lagi nalang may nakatingin sa akin.. badtrip!

"Hi Miko! sabay na tayo umuwi!!" sabi ng classmate ko na hindi ko na alam ang pangalan sabay hawak sa braso ko..  "Ayaw ko!! and besides I don't talk to strangers..." tinanggal ko ang pagkakakapit niya sa braso ko at naglakad na papalayo.. nagkatinginan kami ni Hyun Ae.. pero umiwas na kaagad ako ng tingin.. kasi alam ko nanaman may plano nanaman ung babaeng un...

Maya maya may bigla akong narecieve na message.

1 Message Recieve

From: Hyun Ae

Oi Miko hintayin mo ako!! hindi ko alam ang daan pauwi!!

Sino ba siya para hintayin ko?! Bahala siya sa buhay niya tutal may kaibigan na siya, sa kanila nalang siya magpatulong... May gagawin pa ako eh.. Hindi ko siya nireplyan at nagpatuloy sa paglalakad papauwi... 

Nang nakarating na ako sa bahay andun si mama nagtutupi ng mga damit sa may sala... "Hello anak! asan si Hyun Ae?!" kain ka na sa kusina, hindi ko sinagot si mama at nagtuloytuloy nalang ako sa kusina para kumain, tapos dumeretso ako sa kwarto ko at naglaro ng DOTA.

Habang nasa kwarto ako narinig ko si mama na nagaalala na, "8 na ah! wala parin si Hyun Ae, Sabi naman ni Mi-Cha hindi daw galang bata un,.. Tapos hindi ko pa macontact nalowbat siguro siya.."  

 Bigla nalang ulit pumasok sa isip ko ang text kanina sa akin ni Hyun Ae.

Oi Miko hintayin mo ako!! hindi ko alam ang daan pauwi!!

Heh! Bahala siya sa buhay niya matanda na siya...

Oi Miko hintayin mo ako!! hindi ko alam ang daan pauwi!!

ano na nga kaya ang nangyari sa babaeng un?! habang napapaisip ako bigla naman may binalita sa TV na isang 16 years old na babae na rape...  hala baka marape yung babaeng un. kahit pangit yun babae parin un... agad akong lumabas ng bahay...

"Ma! bibili lang ako ng Noodles, nagutom kasi ako bigla eh..."

[Hyun Ae POV]

Umuwi na silang lahat at hindi ko alam kung saan ako pupunta.. Hindi ko talaga alam ang daan pauwi, ni address nga nila hindi ko maalala eh?! "Omma tulungan mo ako!!!" sabi ko habang patulo na ang luha ko..

Hindi ko naman matawagan si Jake kasi may shooting siya ngayon at alam ko pagshooting bawal ang istorbo.. Tapos ito namang si Miko hindi nagrereply.. huhuhu!!!

Pagod na ako.., Nakiupo muna ako sa isang tindahan doon at bumili ng makakain..

"Olmayeyo?"(magkano po lahat?)tanong ko sa tindera.. "ha?!" nganga yung tindera eh "Ay.. magkano po lahat?!  ahh P84.00." Binayaran ko na si ate, marami akong binili kasi gutom na gutom na ako.. 8:00pm na rin kasi eh,.. nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad kasi wala din namang mangyayari kung magngangangawa pa ako dun sa tindahan...

"Ang sarap pala nito?!" Nakain ako ng Kropek habang naglalakad sa hindi ko malamang lugar kung saan na ito, pero natatandaan ko dito kami dumaan kanina pa pasok,.. Kaya siguro hindi naman ako nawawala.. tiwala lang...

While walking sa gilid ng kalsada, bigla nalang may tumigil na heavy tinted na van sa tabi ko, hindi ko naman ito pinansin kasi busy ako sa pagkain ng Kropek at paghahanap ng daan. Nagbukas ang bintana ng van at bigla akong kinausap ng babaeng nasa loob...

"Ms. Alam mo ba kung saan ang daan papalabas ng Village.??" tanong ng babae sa akin.. "Hindi po eh! Kakarating ko lang din po kasi dito sa Pilipinas, kaya hindi ko pa po alam ang pasikotsikot dito.." sagot ko naman dun sa babaeng nakasakay sa van. "Ms. Ang cute mo naman, Korean ka pero marunong ka magtagalog, gusto mo magartista..?" sabi naman ng lalaking nakaupo sa tabi nung babae kanina. "Hindi po ako interesado.. sorry!!" nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pero bigla nalang bumaba ang 3 sakay ng van at tinatanong kung saan daw ako papunta kasi kanina pa daw nila ako nakikita na naglalakad, "Actually po hindi ko po talaga alam ang daan pauwi eh, I was following lang po ung naalala ko na dinaanan ko kanina papasok pero kanina pa po ako naglalakad kaso hindi ko po alam kung tama pa itong dinadaanan ko..."  ngumiti ung isang lalaki sa akin at biglang nagsalita ung isa, "Ay tamang tama miss! Sumabay ka na sa amin Police kami at papunta rin kami sa Police station ngayon sumama ka na, para maireport natin na nawawala ka. Para pag may naghanap sayo makikita ka nila kagad..." 

Ang labo naman ng mga ito... Kanina nagtatanong sila sa akin kung saan ang palabas ng Village, tapos ung isa din nilang kasama talent recruiter, tapos itong tatlong ito naman police.. Pero pasalamat nalang din ako kasi mababait sila.. "Talaga po?! Wow ang bait niyo naman po!" pasakay na sana ako sa van nila kaya lang may narinig ako na biglang sumigaw...

"Wag kang sumama sa kanila!!!" napatingin ako dun sa sumigaw pero nagulat ako dahil si Miko un

"Kilala mo ba un?!" sabi ng isang lalaking police na gustong tumulong sa akin. Kung kelan nakahanap na ako ng tutulong sa akin saka pa siya dadating bahala nga siya... Hindi ko na din siya papansinin.. "Hindi ko po siya kakilala.." inistep ko na ang isa kong paa sa van at bigla nanaman siya sumigaw.. "Hindi sila totoong police!! ano ba Hyun Ae umuwi na tayo!!" 

"Ano daw?! Do I know you?" pataray na sagot ko sa kanya..

"Iha, bilisan mo, saka—" hindi niya natapos ang sinasabi niya kasi bigla nalang siyang sinuntok ni Miko.

"Takbo bilis!!!" hinila niya ako papalayo sa van.. nang nakalayo na kami, bigla nalang niya ako sinigawan, "Tanga ka ba?! bakit ka sasama sa hindi mo kakilala?! kung sa Korea safe ang ganyan? pwes dito sa Pilipinas ibahin mo!" napatingin ako sa kanya at hindi ako nakasagot kasi ngayon ko lang napagtanto na baka nga may balak sa akin na masama ung mga nakasakay doon sa van at bigla nalang tumulo ang luha ko.. "Wag ka ng umiyak.. gusto mo ng Ice cream? libre ko!!" napatigil ako sa pagluha kasi nakarinig ako ng libre... "Osige ba?!"  

"iba ka!!..." sabi naman niya sa akin.. sabay napangiti narin siya..

"Wala nang bawian ah! ililibre mo ako ng icecream!! wehehehe!!!" sabi ko naman.

Pumunta kami sa malapit na 7/11 at ibinili niya ako ng Cornetto black and white.. "uHHhHhmmm sarap!!" umupo kami doon sa bakanteng upuan doon sa loob ng 7/11 at nagkaroon ng ilang minutong katahimikan... Ang awkward naman kaya nagopen ako ng topic.. "Miko, bakit nga pala andun ka kanina?? nakonsesya ka sa pagiwan mo sa akin no?? kaya susunduin mo sana ako, kaya lang nakita mo ako kasama ung mga pekeng police na un kaya mo ako niligtas.."

Napatingin lang sa akin si Miko at biglang nagdeny.. "Nakonsensya?! mukha mo!! hindi ah! nagutom lang ako kaya naghanap ako ng makakain.. eh sakto nakita kita, hindi naman ako demonyo para tiisin ang tangang taong mapapahamak... Bilisan mo na nga ang pagkain mo jan.. gabi na eh!!.."

"Ok sabi mo eh!!"

Run Away... Actress?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon