Five: Cat on a Rainy Day

2 0 0
                                    


                           Heiddy

Habang naglalakad ay lumilinga-linga ako sa paligid. Masaya siguro dito kung walang mga batang nagtatrabaho.

Naalala ko si kuya at di ko mapigilang mapatigil sa paglalakad para pagmasdan ang magkapatid na naglalaro sa kabilang side ng kalye. Nakikipaglaro siya  sa kapatid niya kahit na pinagtatawanan siya ng iba pang mga batang lalaki na mapapatingin sa kaniya dahil siya ay may hawak na teddy bear at ang kapatid niyang babae naman ay manika.

Nahagip mg aking mata ang tumatakbong si Dante. Nagtungo siya sa isang hindi masikip na eskinita at nagmadali akong sundan siya.

Sumilip ako ng yumuko siya at may kinuha mula sa kahon sa gilid sa tabi ng isang karwaheng medyo luma. Lumabas ako sa pinanggalingan ko at tahimik na naglakad papunta sa direksiyon niya. "Dante" napasinghap siya ng marinig iyon at nanlalaki ang matang lumingon sa akin, natawa ako sa reaksiyon niya. "H-heiddy anong ginagawa mo dito?" at  mula sa telang bitbit niya ay may ulong lumabas.

"Meow."

Napaawang ang bibig ko at may ningning sa matang sinilip ang pusa  mula sa tela. "Nakita ko siya dito. Ang pangalan niya ay Hiro" nakangiti niyang inayos ito. The cat purred and meowed at us. Ang asul nitong mata at maputing balahibo ay napakaganda.

Malawak ang ngiti ko at tumingin kay Dante. "Pwede ko ba siyang hawakan?" masaya siyang tumango at hinaplos ko ang malambot na balahibo nito.

"Sa tingin mo Heiddy, sino kaya ang nang-iwan sa kaniya riro?" napaangat ang tingin ko sa kanya at umiling. "Hindi ko alam pero baka may dahilan kaya iniwan siya rito hindi ba?" hindi siya sumagot at hinaplos na lamang ang baba ni Hiro.

---

"Wow! Ang puti-puti naman ng balahibo niya!" masayang ani ni Alfred.

"Malambot pa at malago"si Dimitri naman ang nagsalita habang sinusuklay niya ang balahibo nito gamit ang kaniyang kamay.

  "Tingnan mo ang mata niya at kakulay ng mata mo Heiddy" napatingin ako kay Quinceton ng sabihin niya iyon. Ang iba ay napabalik-balik ang tingin kay Hiro at Akin. Matapos noon ay sumang-ayon sila.

Napatingin ako kay Slyvestre na tahimik kaming pinagmamasdan habang pinagkakaguluhan namin ang pusa.

"Hindi siya pwedeng manatili rito" napatingin silang lahat sa kaniya ng sabihin niya iyon.

"Bakit naman?" Dimitri asked.

"Ano sa tingin niyo ang magiging reaksiyon ni Among Vitale kapag nalaman niyang may pusa rito?" napaisip kaming lahat sa sagot niya.

Tama nga naman siya.

"Hindi! Mananatili rito si Hiro!" niyakap ni Dante ang pusa na nag-meow lamang.

"Hayaan mo na lamang siyang kupkupin ang pusa Slyvestre" Quinceton said while looking at Slyvestre.

"Ano ang gagawin niyo kapag nahuli tayo ni Amo, ha? Ano ang gagawin niya sa pusang iyan!?" magkasalubong ang kilay  at magkakrus ang brasong aniya.

"H-hindi ko naman hahayaang makita siya ng Amo natin. Ako ang bahala sa kanya. Sisiguraduhin ko iyon" matapang na sinalubong ni Dante ang tingin ni Slyvestre.

"Slyvestre" napatingin sila sa akin "Dito nalang si Hiro. Hindi bilang alaga ngunit bilang kaibigan. Gusto lamang ni Danteng magkaroon ng alaga at kaibigin, hayaan mo na kaming kupkupin siya" ngumiti ako ng umupo si Hiro sa mesa at tumitig sa akin. "Alam ko kung paano mawalan ng kaibigan. Mahirap iyon. Kaya hayaan mo ng kupkopin ni Dante si Hiro, sisiguradihin naming hindi siya matutuklasan ni Amo" ng iangat ko ang aking tingin sa kanila ay nakatitig lang sila sa akin.

HeiddyWhere stories live. Discover now