CHAPTER 2 A NERDY GUY

6 1 0
                                    

A NERDY GUY

Dahil sa galit ko ay sinipa at  pinagtatadyakan ang mga lalaking walang awang binubugbog ang isang kaawang lalaki. Napatumba ko lahat sila pero si Rain hindi manlang tumulong at pinanood lang akong makipaglaban. Tinulungan kung tumayo ang lalaki at ibinigay ko ang bag nitong nasa putikan na.

"Ayus kalang?" Tanong ko sabay kuha naman nya ng bag nyang marumi.

"Okay lang ako" Munting sagot nito at inayos ang salamin nitong soot. Nakayuko lang ito na mukhang nahihiya pa sa akin.

"tumunghay ka nga umayos ka nga tayo mo dahil niligtas kita dapat magpasalamat ka sa akin" Saad ko sa lalaki pero tumunghay ito na parang nagulat sa inakto ko.

"Hindi biro lang sige ingat ka nalang sa daan" Pagkatapos noon ay umalis na kami ni Rain.

"Ang galing mo ah madami ka nang natututunan" Saad ni Rain.

"Hay kailangan din naman paminsan minsan na gamitin mo ang kamao mo sa pakikipaglaban" Sabay pakita ko pa ng kamao ko at nagaambang susuntukin sya.

"Nakakatakot naman" saad ni rain sabay nag patuloy kami sa paglalakad.

Ang aming center ay malapit lang halos isang kanto lang ang layo sa school namin. Sabay kaming pumasok ni rain sa isang building at nandoon na ang aming mga kaklase sa center.

"Hey chari!" magiliw na bati sa akin ni Zach at nakipag high five pa sa akin. Bali mga sampu lang kaming estudyante dito bali tatlo kaming babae at pitong lalaki.

"okay guys nandito na ang lahat so kahit hindi na kailan pero mas maganda kung gagawa ako ng attendance" Saad ng trainer namin.

"Chariot, Stephy, Maddie" sunod sunod na tinawag ang pangalan namin at nag taas nalang kami ng kamay.

"Zach, Rain, Thyron, Cedrick, Dhale, Maxwell, Kid" At sabay sabay silang nag tough bow.

"Okay so ang pag aaralan naman natin ngayon sa self defense kung may hawak na patalim ang kalaban mo" Saad ni sir Torrence at seryoso naman naming pinakinggan.

           --------

"Ahh ang sakit ng likod ko" Inda ni rain sabay unat katatapos lang naming mag lesson at madami kaming natutunan. Kaming dalawa ay nakaupo lang sa isang tabi habang ang iba ay nagpapalit na ng damit at handa ng lumabas.

"Hoy walang balak ka bang umuwi?" tanong ni rain kase pinapanood ko lang ang mga kasamahan naming maggayak.

"Mamaya na pag alis na nila" Sabay lagok ko ng tubig sa bote.

"Tara na alis na tayo"aya ni rain at sya na mismo ang nag buhat ng bag ko. Kaya wala na akong nagawang sumunod nalang ako sa kanya.

Habang naglalakad ay palinga linga ako sa paligid at bigla sya tumigil kaya dahil doon napatigil din ako sa paglalakad.

"Oh bakit ka tumigil?" Tanong ko sa kanya at bigla nalang syang humarap sa akin.

"O anong problema?"

"Ahmmm ah wala" At nagpatuloy sya sa paglakad hindi ko alam pero na weirdohan ako sa inasal nyang iyon.

Hanggang sya nakarating na kami sa terminal na sakayan mag kaiba kami ng direksyon ng pupuntahan kaya nag paalam na kami sa isat isa.

Tulala lang ako habang nakasakay sa isang bus papauwi ng bahay. Maraming pumasok sa isip ko kaya hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay. Mabilis akong nag bayad at patakbong pumasok ng gate medyo magabi na kaya natatakot ako baka mapagalitan na naman ako.

Madilim na ang bahay hudyat iyon natulog na sila mama eksperto kong nilikot ang padlock ng pinto at pumasok.

"Bakit ngayon kalang Cha?" Boses yun ni daddy at biglang bumukas ang ilaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HER NAME IS CHARIOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon