CHAPTER 1 EXTRAORDINARY PRINCESS

22 2 0
                                    

Para sa mga lesbian dyan be proud dahil hindi kasalanan ang malaman kung sino talaga tayo. Raise our flag dont be shame just be proud of you are. I love you all!

EXTRAORDINARY PRINCESS

"Chariot bumalik ka dito mamaya ka na makipaglaro!" sigaw ng papa ni chariot na ngayon si chariot ay 5 years old.

"Oh Samuel hayaan mo na talaga ang mga bata ang hanap pa nila ay kasiyahan at laro hayaan mo na" Sabay paalala ng asawa nya si Charmaine nakatanaw lang sila mula sa bintana ng bahay nila. Tanaw doon ang maliksing tumatakbong si chariot kasama ang mga kalaro nito na halos lalaki.

"Napaka hilig ni chariot na makipaglaro sa mga lalaki pero tignan mo itong kuya nya nandito lang sa loob at maghapong nagbabasa ng libro" Sabay iba ng topic ng tatay nya si Cef ang panganay nilang anak na lalaki. Mahilig ito sa mga libro at halos tungkol sa Science 7 taon palang itong maging interesado sa mga libro. At ngayon sya at 10 taon na at mas naging matured na ang pagiisip nito.

"Ano ka ba samuel wag mo ngang ihalintulad o pagkumaparahin sa isat isa ang dalawa nating anak bawat taon may ibat ibang personality. At sa tingin ko nag mana sa akin Chariot dahil dati mahilig akong mag laro at magsaya. Panigurado ay sayo nagmana si cef dahil kung ano ang mga ugali natin napapasa din ito sa ating anak" Kwento ni charmaine at ibinalik ang tingin sa anak nyang babae.

"Pero ang ikinakatok ko lang babae si chariot baka mukat mo madapa sya o masugatan babae sya charmaine mahina at iyakin" Nagaalalang saad ni samuel.

"Siguro bata pa sya magdadalaga rin sya at doon nya marerealize ang lahat" Saad ni charmaine at mag isang napa ngiti sa kanyang mga nakikita.

AFTER 7 YEARS....

"Cha anong ginawa mo na naman sa school may nakaaway ka na naman daw at ang malala pa sinuntok mo sa mukha ngayon may pasa sa mukha, Cha ilang ulit ko ng sinabi sa iyon na wag ka basta basta nalang mananakit babae ka pa naman!" Sigaw sa akin ni mama. Napatakip nalang ako ng tenga dahil sa sigaw ni mama nakakarinde.

"Ma please hina hinaan nyo ang boese nyo mabibingi ako" Pagbabale wala ko.

"At bakit ko hihinaan ha! Ikaw na bata ka laging ikaw ang sakit ng ulo ko eh. Bakit hindi ka gumaya sa kuya mo ang taas ng grades dahil tutok sya sa pag aaral nya eh ikaw puro bulakbol ang inaatupag mo!" Sermon ni mama at namumula lang sa galit. Alam kung galit lang si mama kung bakit nasasabi nya ng mga ganong salita pero pag nakahupa na titigil din yun.

"Sige ma pahinga lang ako sa kwarto" Paalam ko kaya mama.

"Aba't hindi pa ako tapos!" Pagkatapos noon ay mabilis akong pumasok sa kwarto ko. Inilock ko iyon para makapagrelax na ako.

Inilapag ko ang aking bag sa kama at marahas na hinubad ang aking damit natira nalang ang aking short at sando. Naupo ako sa harapan ng aking computer at binuksan pagkatapos ay naglaro ako ng Mobile legends. Im a big fan of mobile legends at masaya ako pag nakakapaglaro ako nito.

"Victory!" halos kalhating oras akong naglaro pagkatapos ay sa huli ay nanalo naman ako.

Nagbihis na ako at napagpasyahang lumabas ng kwarto dahil nakaramdam narin ako ng gutom. Sinilip ko muna kung may tao sa baba baka kase pagbaba ko nandoon si mama at bungangaan na naman ako.

Maingat akong pumunta sa kusina at kumuha ng ice cream sa ref at maingat na kumuha ng kutsara. Babalik na sana ako sa kwarto ko ng may nagsalita sa likuran ko.

"Cha ano na naman ang ang ginawa mo dahil sa pagsuntok mo kay Ymierre ay baka masuspende ka sa school" paalala ni kuya sa akin kaya humarap ako sa kanya.

For me sya ang pinaka the best na kuya na nakilala ko he is so caring and considerate. Kaya mahal na mahal ko sya mas close pa nga ako kay kuya kesa kay mama at papa. He supporting me for the things that I really want to do. At sya lang din ang nakakaalam na gusto kong sumali at matuto ng taekwando.

"Bakit mo pa kase pinatulan cha alam mo na talagang ganon lang sya magbiro at mag asar"

"Pero kuya binastos nya ako at masyado karin nyang minaliit" saad ko dahil concern lang ako.

"Sana pinabayaan mo nalang" saad ni kuya at inayos ang kanyang salamin.

"Pabayaan na kutyain ka na isang nerd at isang mahinang lalake kuya bakit ka pumapayag na ganon ganunin ka ni ymierre ha!" pasigaw kung saad at nakita ko sa mata ni kuya ang pagkahiya.

"Sana pinabayaan mo nalang dahil kung ano ang sinasabi nila ay totoo kaya tanggap ko na cha pero babae ka at prinsesa ka namin dapat ako nagtatanggol sayo hindi ako ang ipagtatanggol mo"

"Pero kuya kaya kung ipagtanggol ang sarili ko pero ikaw hindi mo kayang ipagtanggol mo sarili mo" bumuntong hininga muna si kuya bago mag sarili dahil alam kung nasaktan din sya sa sinabi ko.

"Oo cha wala akong lakas ng loob na ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ako mananakit ng tao para lang sa galit ko" Pagkatapos noon ay umalis na si kuya sa harapan na wala manlang paalam.

Oo alam kung mali ang paghigante ko kay ymierre pero hindi naman kase tama ang ginagawa nya. Ang tanging magagawa ko lang ay gawing punching ang mukha ng hayop na yun.

Bumalik na ako sa kwarto ko at binuksan ko ang aking bintana at umupo doon habang kumakain ng ice cream. Hindi ako takot sa matataas na lugar at madidilim pero si kuya takot sya sa madilim at matataas na lugar. Madami kaming pagkakaiba ni kuya pero marami rin kaming bagay na napagkakasunduan. Nang makaramdam ako ng antok ay isinarado ko na ang bintana at nahiga na sa malambot kung sofa.

6:30 AM in the morning nagising na ako para maggayak papasok sa school. Nagbibihis ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa kama. Mabilis ko iyong sinagot.

"Hey cha hintayin ka nalang namin sa school sige ingat ka bye"

"bye Rain" pagkatapos ay mabilis ko ng pinatay ang tawag.

Isinuot ko na ang aking uniform at pagkatapos ay patakbo akong bumaba sa kusina para mag almusal. Nandoon na si mama at papa pagkatapos ay napatingin ako kay kuya.

"Kumain kana chariot" Alok ni kuya mabilis akong umupo sa tabi nya at kumain na.

"Please chariot pakihabaan naman ng pasensya mo dahil hindi ka namin pinalaki ng mama nyo ng ganyan" Saad ni papa.

"Sorry po pa pero hindi ko maipapangako na hindi na nauulit dahil pag may ginawa ulit si ymierre na ganon ay baka hindi lang suntok ang maaabot nya sa akin" Pagkatapos noon ay tumayo na ako at mabilis na umalis.

"Chariot hintayin mo ako sabay na tayo!" sigaw ni kuya pero hindi ko na iyon nilingon.

Nauna na ako sa school kahit nagkita kami ni kuya sa school ay hindi ko sya pinapansin.

"Hey Cha ano mamaya ulit sabay tayong pumunta sa taekwando training center ha?" Tanong ni Rain na boy bestfriend ko. Nagkakilala kami sa taekwando training school isa din syang student doon. Hindi ko alam kung paano kami naging magbestfriend basta ang natatandaan ko lang ay maraming bagay na magkasundo kami. At ang masaya pa ay kaklase ko sya sa Grade 7 Si kuya first year college na ngayon at ang course nya ay doctor surgeon. Kaya masyadong tuktok sya sa pagaaral si ymierre ang basher ni kuya cef. Grade 12 palang ito pero marami syang pinagdidiskitahan sa school hindi ko nga alam kung bakit trip nya si kuya.

Ang school namin ay isang malakung campus may elementary, High school, Senior high school at College. Kompleto ang grade kaya nakakakita kami ni kuya isa sya sa panlaban ng STU South Trevis University. Matalino sya at gwapo hindi ko iyon maikakaila baka maraming naiinggit kay kuya pero para sa akin isa syang nerdy.

"Okay sige" Tipid kung tugon at bumalik na ito sa pwesto nya.

Maya maya lang ay dumating na ang adviser namin kaya nagsimula na syang magdiscuss. Mabilis na natapos ang araw uwian na at sabay kami ni Rain papuntang training center.

Sa madilim na eskenita may napuna kaming tatlong lalaki na may binububog. Dahil sa galit ko ay nagamit ko ang natutunan ko sa taekwando para ipagtanggol ang lalaki.

DONT FORGET TO VOTE!AND  I HOPE YOU ENJOY THIS STORY.

AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATE THIS SLOW UPDATE.

Guys vote, comment and follow me in wattpad for more update. I hope na sana nagustuhan nyo. Dont judge just love.

HER NAME IS CHARIOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon