Ask Him

2 0 0
                                    

Chapter 11

Airdna' P.O.V

"Ano ba yan!"kasi naman matagal pa bago ako makauwi sa Pilipinas,nagkaroon kasi ng technical problem ang company na umaayos sa papeles ko pauwi ng Philippines. Kaasar naman oh,kung kaylan naman may emergency tsaka naman nagka-problem.

Ano nang gagawin ko,baka kung anong mangyari dun sa best friend kong yun. Mag-isa lang sya sa bahay,walang kasama,nasa loob ng village,walang kalapit bahay na pwedeng takbuhan,kasi naman wala ng tao sa bahay nila Mike at sa kabilang side naman vacant lot.

Think.....think......think of a nice idea.......... Airdna use your head,aanhin mo pa ang ulo mo kung puro pineapples lang sa Hawaii ang naiisip.

"Yes!!!!!!!!!!"biglang sigaw ko,kinuha ko kaagad ang phone ko at nagdial ng number.

"Hello!"masigla kong bungad sa kanya

(What is it?)

"Thank you ha,ang ganda ng bati mo,wala bang Hi or Hello man lang din"

(Alright Hi,so what do you want)sarkastikong sabi nya

"Alam mo na ba?"

(Na ano?)alam kong naiinis na sya

"Nakauwi na sya!"

(Sino)

"Di mo alam?"

(Ano ba Airdna umayos ka nga,tinanong mo ko kung alam ko na ba,siguro hindi,kasi sasabihin mo palang,sabi mo nakauwi na sya,malay ko ba kung sino yang tinutukoy mo,diretsuhin mo na nga lang ako,magtatanong ba ako kung sino or ano kung alam ko na kung anong sinasabi mo )inis nyang sagot.

Cute nya talagang magalit

"Aki Evangelista,ang gusto ko lang namang sabihin ay nakauwi na si Jack dyan sa Pilipinas. At bakit hindi ka updated ha"matapang kong sagot,loko to ah.

(Ano?Kaylan pa?Nasaan sya?Paano?)loko to sabay sabay ang tanong

"Ano ba masyado ka na atang nagiging praning ah,isa-isa lang. Ano?Ang sagot dun,nakauwi na nga sya,paulit-ulit lang. Kaylan pa?Kahapon lang. Nasaan sya?Nasa bahay nila. At lastly Paano?What kind of question is that,malamang sumakay ng eroplano mula New York to Philippines,malay namang naglakad or lumipad"

Natahimik ang loko

"Hoy,sumagot ka nga,bat bigla-bigla kang nanahimik?"

(Wa-wala,I-I just remembered the last time na nagkita kami at yun yung incident)hay na ko,kawawa naman tong ex ko talagang napa-praning na,di na naka-move on sa kissing scene nila ni Jack.

"Deal with it,man"hala para akong na-tomboy ah

"Alam mo Aki may isa ka pang di natatanong eh"

(Ano naman yun?)

"Di mo natanong kung BAKIT sya umuwi"

(So,Bakit nga ba sya umuwi,namiss ba nya ako?)

"Loko ka,hindi ah,feelingero much lang,ano bang nakain mo at moody ka"

(Sagutin mo na lang kung bakit)

"Suplado"

(Bakit nga)

"Sa tingin ko di mo magugustuhan eh"

(Bakit nga?)

"Umuwi sya kasi nabuntis sya"

(Ha?Sino,sino ang walang hiyang g*gong lalaking bumuntis sa Jack ko)

"Wow kung maka-KO lang ah,pagmamay-ari mo lang"

(Sino nga)

"Yung ano?"

(Yung tinutukoy mo?)

"Na ano"

(Yung nakabuntis kay Jack)

Hehehehe sarap asarin eh

"Tanda mo si David yung co-model nya,yun sya ang nakabuntis kay Jack"

(Yung hinayupak na yun,asan nasa bahay ba nila Jack,sandali susugurin ko ha)

"Aki magtigil ka nga,di sya kasama ni Jack,kasi di nya pinanagutan ang bata"

(Ano?!Bakit naman,ayaw nyang akuin ang kasalanang ginawa nya,walanghiya pala sya eh,repotasyon nyang akuin ang bata,pano na yung baby!?)galit na sya talaga

"Gusto ko lang sanang pakiusapan ka kasi,di ba nga wala syang kasama,mapapatagal pa ang uwi,baka naman pwedeng ikaw muna ang mag-alaga sa kanya habang wala pa ako. Nag-aalala lang ako na baka kung anong mangyari sa kanya,baka maulit na naman yung nangyari sa kanya nun,kaya kung pwede lang sana ikaw muna ang mag-asikaso sa kanya kung sakaling gusto mo lang naman"pakiusap ko kay Aki.

(Ayos lang naman sakin eh,mas okay nga kung ako na lang ang aako sa bata,ayokong nasasaktan sya lalo na ngayon may dinadala syang bata,ako ang tatayong ama at gagabay sa magiging anak nya)

The Black Man and The Pink Lady (Book 2 Everything Has Change)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon