Chapter 2

20 2 0
                                        

"Are you out of your mind?!?" Bulalas ni Elli pagkaupo ko sa couch niya.

I was quiet as I stared outside her window. I saw some people passing by. Some were walking their dog, some were going to school, some were probably off to work. How could they not be? It's early morning in Manhattan and everyone's bustling off to do what they have to do.

"Lia, please listen to me," panimula ulit ni Elli bago siya lumuhod sa harap ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinuli ang tingin ko.

"You need to eat. You've been here for four days and all you do is lock yourself up in your room."

Rinig at dama ko ang lungkot at pag-aalala sa boses niya ngunit hindi ko madala ang sarili na sumagot. What does she expect me to say? What more do people want from me?

Tinitigan ko lang si Ellize sa harap ko at tinikom ang bibig ko. Napansin kong nangingilid na ang luha sa mga mata niya ngunit wala akong magawa kung hindi maupo at tumingin sa kawalan. Do I make her sad too? Do I disappoint her now too?

Tatayo na dapat ako at babalik sa kwarto nang bigla akong yakapin ni Ellize. She was quiet but I heard her trying to supress her sobs.

"Lia... I'm always here for you, but you have to take care of yourself. Please don't be like this..." naririnig ko ang pagsusumamo sa boses niya and it made me sad.

Hindi pa rin ako kumikilos habang nakayakap siya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit nalulungkot ako ngunit walang luhang lumalabas sa mga mata ko. It's like they've dried out and there's nothing else left in me but the cold.

Even as I sit here, looking out at the world, I can hear Dash's voice that night loud and clear.

"Lia... Lia! Bumaba ka dyan, please. Talk to me!" He was begging from outside the car.

Tapos na akong magimpake at ang una kong ginawa matapos matawagan si Elli ay ang magbook ng taxi. I need to get away from this party as fast as possible. I know my parents are inside our house, explaining what happened to the guests. I feel guilty dahil nadamay sila pero kailangan ko ito para sa peace of mind ko.

Habang kumakatok si Dash sa bintana ay tuloy-tuloy rin ang pag-iling ko habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.

"Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng driver. Nakatingin na rin ito kay Dash.

"K-kuya, ha-halika na po," sabi ko nang mahanap ko ang boses ko. Pilit ko pa ring pinipigil ang mga hikbi na lumabas.

Napakamot naman ng ulo si Manong bago nagsimulang magdrive. Mabagal pa lamang ang nagiging abante ng taxi nang sumigaw si Dash.

"Lia, no! Don't leave, please!" He screamed as he ran in front of the car.

Biglaang napatigil ang taxi. Mabilis akong nilingon ni Manong at nanlalaki ang mata niya sa takot.

"Ma'am, wala ho ba talaga kayong balak kausapin si sir? Baka mabangga ko pa siya, wala ho akong balak makasagasa!"

"Sorry, Kuya, pero p-please ha-halika na," unti-unting tumataas ang boses ko habang lumalakas ang hikbi ko.

"Ma'am, nakaharang ho kase si sir."

Napakamot sa ulo ang driver kaya wala akong nagawa kun'di babain si Dash. Gusto ko mang umalis na ay ayaw ko ring masaktan siya, lalo na't ayaw kong mahassle si Kuya.

Nang makita niya akong bumaba ng taxi ay agad siyang dumalo sa tabi ko. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko habang niyuyugyog ako. There was fear and frustration in his tearful eyes.

"Lia... Lia, it's okay. We don't need to get married yet, but don't do this to me, baby. Please stay..."

Lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko. This was the first time he asked me to stay. Why do I have to hear him ask when I'm finally walking away from us?

Champagne ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon