Chapter 5 Malling Matters

14 1 0
                                        

I faced myself on the full length mirror. 

Okay na siguro to. 

*Peeep peeep*

"Lyka! Andito na yung date mo!" Sigaw ni mama na kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Mommy! Hindi ko po siya date. Nagpapasama lang po siya, sa mall." Sagot ko.

"Talaga? Lumabas ka nga, titingnan kita."

"Okay lalabas na po."

At lumabas na ako ng kwarto syempre. 

"Oh, bat ang ganda mo yata ngayon? Di ba talaga date ang magaganap later?" 

"Mommy talaga! Denim shorts, shirt and doll shoes lang po ito. At tsaka matagal namana po akong maganda. Sige po, bababa na ako. Baka magalit na naman yung topak na 'yon."

"Oh sige, mag iingat ka, KAYO. Nga pala, Wag kana masyado mag gala sa susunod. Okay?"

"Opo. Bye mmy!" I kissed her cheeks.

*Sa labas*

-

"Pasok na, antagal mo."

"Wait, hindi mo man lang ba 'to bubuksan?" I snapped habang nakaturo sa pinto ng kotse niya.

"May kamay ka naman diba?"

What the hell?! 

"Ang gentleman mo naman."

"Nasa 21st century na tayo. Hindi mo ikamamatay ang pagbubukas niyan."

"Ampota." Bulong ko, pumasok na ako sa pesteng koste niya.

Hindi nalang siya umimik pa. 

We head our way to the very common place. Mall.

Ang tahimik naman.

"Uh." Kailangan ko nang basagin ang katahimikan.

"Ahmm, ano bang bibilhin mo Levi?"

"Basta."

"Eh bakit kailangan pang kasama ako?" Geez. Amboring naman nitong kasama.

"Magkatulad kasi kayo."

"Huh?"

"Wala, andito na pala tayo." Bored niyang sabi tapos pinark yung kotse niya sa pinaka sulok na parte ng parking lot.

Bumaba na ako. Alam ko naman kasi ang mangyayari. Hindi nya ako pag bubuksan. Sumunod naman siya.

Pumasok na kami.

"Saan ba?" Tiningnan ko siya pagkatapos kong sabihin 'yon.

"Ano kasi.. Sinama kita para masiguro kung tama ba yung bibilhin ko." Kamot niya sa batok niya. Hoy, hindi ako sigurista! But he's cute anyway.

"Yun lang ba? Sige tara!" Tss. 

"Oo." Walangya 

"Okay, para sa girlfriend mo?"

"Oo rin." Sagot niya. Binggo!

"Ahhh." I sighed. Akala ko naman kung ano na! Ay shet, mahalaga nga pala talaga to para sa kanya. Para sa girlfriend niya diba? Akala ko ba wala siyang nobya? Eh bakit niya ako hinalikan noong nalasing kami?! Punyeta lang? Uh! Makalimutan na nga lang 'yon.

"Okay lang ba?" Napukaw naman ang atensiyon ko. Potek! Andami nyang tanong ah!

"Hindi, pwede namang kay Lenard ka magpasama eh." I said coldly.

Hindi na lang sya umimik. Instead, hinila niya ako papasok sa isang dress shoppe. Ugh! Wag nga dito, and common na eh para pang regalo.

Ako naman ang humila sa kanya pabalik sa labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until I Met HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon