Chapter 25

2.4K 117 5
                                    

JI-EUN's POV:

"Kung magkakaanak tayo in the future,anong gusto mong pangalan?"tanong ko kay Taehyung.

"Hmmm...kung lalaki...gusto ko Taekwon...kapag babae naman gusto ko Taegeuk...para sunod sa pangalan ko...tsaka bata palang ako yan na ang gusto kong ipangalan sa mga magiging anak ko"sagot niya habang nakangiti.

"Kung yan ang gusto mo,kapag nagka-anak tayo soon,yan ang ipapangalan ko"masayang sabi ko sa kanya.

"Promise?"isip bata talaga.

"Promise!"nagpinky-promise pa tuloy kami ng di-oras pero sheet! Kinikilig ako.

"Saranghae! Te Amo! Wo ai ni! Aishiteru! I love you! Mahal kita,ikaw lang"hinalikan niya ako sa noo.

"Nado Saranghae Kim Taehyung"unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maglapat ang mga labi namin.

****

Minulat ko ang mga mata ko. Ang sakit nang buo kong katawan. Inikot ko ang mga mata ko at napagtanto kong isang panaginip lang pala ang pag-uusap namin ni Taehyung.

Nakarinig naman ako ng mga ingay sa gilid kaya napatingin ako dito. Teka...

BAKIT NANDITO SILA?

"Ang cute-cute talaga ng pamangkin ko,he looks like me"ngiting ngiti na sinabi ni Channie oppa sa kanila.

Si Jaejoong ang may buhat kay baby,habang nakikipagselfie naman sila oppa kasama ang baby. Hindi sila kumpletong labindalawa,pero masaya na rin ako na nandito sila.

"Ako kaya hawig niya! Wag kang assumero diyan Chanyeol! Parehas kaming maganda di ba?"confident na sabi ni Baekla---I mean Baek oppa.

"Hoy! Wag niyong ginagawang baekla si baby! Lalaki siya no"depensa ni Kyungie oppa at pinalayo si Baek oppa sa baby ko.

"Siguradong pagkakaguluhan ito ng mga chix paglaki niya. Syempre kanino pa ba magmamana kundi---"pinutol ko ang sasabihin ni Kai oppa kasi masyado na nilang naeenjoy ang pagtatalo kung kanino nagmana ang baby ko.

"Kundi sa ina niyang dyosa"proud na sagot ko. Umayos ako ng upo sa tulong ng sarili ko--LOL---sa tulong ni Lulu oppa,"Hello mga oppa! Anong ginagawa niyo dito ha?"tanong ko sa mga to.

"Dinadalaw ang isang babae na ilang buwan nang hindi nagpapakita sa amin"umirap si Channie oppa sa akin.

"Na nanganak na pala ng hindi man lang kami sinasabihan na buntis siya"sabat ni Sehunnie oppa.

"Mianhae"nalang ang tangi kong nasagot sa kanila.

"Here's your baby,princess"inabot sa akin ni Jaejoong si baby ng dahan dahan. Syempre medyo sensitive pa siya.

"Princess ang name ni baby? Oh my god! Sabi na eh! Mana siya sa akin"tinignan naman namin ng masama si Baek oppa sa sinabi niya. Loko to ah! Gawin daw bang baekla ang baby ko? -.-

"Loko! Princess ang tawag ni Jaejoong kay Ji-Eun"pagpapaliwanag ni Channie oppa.

(◎_◎;)--->sila.

"Hoy bat ganyan kayo makatingin ha?"tanong ko sa kanila habang hinihimas-himas ang ulo ni baby.

"Wala naman"ngingiti-ngiti nilang sagot habang pabalik-balik ang tingin sa akin,kay Jaejoong at sa anak ko. Mukhang alam ko na ang nasa isip nila ngayon.

"Sinong ama niyan Ji-Eun?"tanong ni Baek oppa.

"Si---"sasabihin ko bang si Taehyung?

"I am the father"napatingin naman ako kay Jaejoong na ngayon ay seryoso.

SIYA DAW ANG AMA!? KELAN KAMI BUMUO!? SA PAGSESEXY DANCE NIYA BA DUN SA OPERATING ROOM NABUO ANG BABY KO!? OH MY GOD! Ang lawak ng imagination niya.

"Si Jaejoong pala ang---WAIT! WHAT!? SI JAEJOONG ANG AMA!? EH PAANO SI TAEHYUNG? TAKSIL KANG ASAWA LIL' SIS!"galit na tugon ni Channie oppa.

"Matagal na kaming hiwalay. Tsaka hinaan po ang boses baka magising si baby"sagot ko.

"Kailan pa?"mahina nilang tanong nila.

"After niyo akong ihatid sa bahay nung birthday ni Kyungie oppa"hindi ako makatingin sa kanila. Nilalamon ako ng guilt dahil naglihim ako sa kanila.

"Ang malas talaga ng birthday mo Kyungsoo"sabi nilang lahat.

Sila Channie,Baek,Sehunnie,Lulu,Kyungie at Kai oppa lang ang nandito ngayon. Siguro busy ung iba kong oppa sa kani-kanilang buhay kaya hindi nakasama.

"Sila Jongdae at Alli rin naghiwalay nung araw mismo ng birthday ni Kyungsoo eh"nagulat naman ako sa sinabi ni Kai oppa. Hala! Hiwalay na sila? Nakakapanghinayang naman ung relasyon nila,parang ung amin lang ni Taehyung.

"Pero ang alam namin,nagkabalikan rin sila"aww. Buti pa sila nagkabalikan agad. Eh kami ni Taehyung? Lumabas na ang anak namin lahat-lahat,wala pa ring progress. Ha-ha-ha grabe!

"Ahm excuse me lang ha? Ano bang name ng baby niyo Ji-Eun?"pag-iiba ng usapan ni Sehunnie oppa.

Ano nga ba? Yung usapan namin ni Taehyung...yung panaginip ko...

Taekwon...

Taekwon...

Taekwon...

"Kim Taekwon"wala sa sarili kong sambit sa kanila.

"Wow ang cute naman ng name niya,hello baby Taekwon! I'm your ninong Baek"pagbati muli nito sa anak ko.

"Ninang ka kaya"pang-aasar namin sa kanya. Inirapan niya lang kami atsaka tinuon muli ang pansin kay Taekwon.

"Kim Taekwon! Daebakk!"tugon ni Channie oppa.

Napangiti nalang ako dahil tinanggap nila ng ganun-ganun lang si Taekwon sa buhay nila. Naiiyak tuloy ako,ano ba yan! *pasimpleng punas ng luha*

"Selfie pala kayo ni baby Taekwon"pagsasabi ni Lulu oppa. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

Iniabot ko ang iPhone ko kay Kyungie oppa at pinicturan niya kami.

"Sumama ang daddy"pagpaparinig ni Lulu oppa.

Nahihiyang lumapit si Jaejoong at tumabi sa amin. Biglang tumibok ng mabilis ung puso ko nang bigla niya akong akbayan.

JAEJOONG! >____<

*click*

Waaaa! Hindi ako nakangiti ng kuhanan kami. Bastos ka Kyungie oppa!

"Kami naman!"agad naman sila nagsilapitan at si Jaejoong naman ang kumukuha ng picture.

Isa-isang nagsipagkuhanan ng picture kasama kami ni baby Taekwon sila oppa. Nakakangawit rin palang ngumiti ng ngumiti sa camera habang pinipicturan.

Natigil lang kami ng may biglang kumatok sa may pintuan. Si Jaejoong na ang nagprisintang magbukas ng pinto. Nanlaki ang mata siya sa taong bumungad sa pinto kaya nacurious naman kami kung sino. Hindi kasi kita dito sa pwesto namin ung bisita eh. Tanging si Jaejoong lang ang kita,pero paniguradong lalaki yung bwisita,medyo litaw kasi ang sapatos niya at parang familiar din.

Mas nagulat ako sa kung sino ang nasa pinto. Nakatitig siya sa akin at sa anak ko. Maski sila Channie oppa nanlalaki ang mga mata.

BAKIT SIYA NANDITO SA U.S!? PAANO NIYA NALAMAN!? P*TA!

"Taehyung,anong ginagawa mo dito?"gulat na gulat kong tugon. Mas lalo kong nilapit sa akin si Taekwon dahil natatakot ako. Natatakot akong kunin niya ito mula sa akin. Ayokong si Hyo-Rin ang kilalaning ina nito! No! No! No!

-----

A/N: Dedicated to @WalkingBubbletea Hello sayo! Thank you sa flood votes. (⌒▽⌒)

Follow me on twitter my beloved readers - @kimbaap ♡♡♡

☞Comment your opinions☜

I Am MRS. Kim || TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon