Chapter 36

2.4K 100 32
                                    

Okay! Moment muna nila Taehyung and Ji-Eun...hello sa mga team #TaEun... ^^ (lol. TaEun. XD)

BABALA: Madrama po itong chapter na ito xD

-----

Ji-Eun's POV:

Tinawag ko si manang para isama sa baba si Taekwon. Kailangan makapag-usap kami ng maayos ni Taehyung. Nung una ayaw pa ni Taekwon sumama kay manang,niyakap pa niya ang ama niya para lang hindi makababa pero sa huli sumama na rin siya,nang tuluyan na silang makaalis saka ko ni-lock ang pinto at humarap kay Taehyung na nakaupo pa rin sa kama.

"Tangina. Hahaha! Ako mahal mo? Ulul mo. Anong tingin mo maniniwala nanaman ako sa mga kagaguhan na sinasabi mo? Fvck Taehyung,hindi ako kasing desperada ng iniisip mo pwede ba!?"panunupalpal ko sa kanya.

"Ji-Eun..."nakikita ko sa mata niya na sobra siyang nasasaktan sa mga sinabi ko. He deserved it anyway. At sa tingin ba niya makukuha niya ako sa pagdadrama?

"Mahal mo ako pero ilang ulit mo kong sinaktan noon! Putangina Taehyung,tama na! Sinasaktan mo lang sarili mo sa ginagawa mo! Sumama ka nalang sa Hyo-Ri mo!"sigaw ko. Wala akong pakialam kung marinig kami sa labas. Basta mailabas ko lang itong galit na kinimkim ko ng ilang taon sa puso ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin,"HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KASAKIT NA MALAMAN NA IKAKASAL KA NA!? AT SA PINSAN KO PA!? TANGINA MASAKIT! SOBRANG SAKIT!"hinawakan niya ang balikat ko at niyakap ako ng mahigpit. Pilit ko siyang tinutulak pero mas malakas siya sa akin.

Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Para akong nawalan ng sasabihin. Bigla nalang akong nanahimik.

"Para akong pinapatay paulit-ulit. Kung kaya lang kitang bawiin sa kanya,matagal ko ng ginawa. Oo sinaktan kita at pinagsisisihan ko ito. Hindi ko dapat kayo pinabayaan ni Taekwon,ng anak natin. Pero ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko! Kasi akala ko kapag gumaling na si Hyo-Ri sa sakit niya...mababawi ko na kayo. Pero mukhang huli na ang lahat. Nakuha na kayo ni Jaejoong mula sa akin"naramdaman kong nababasa ang damit ko. Teka...umiiyak ba siya?

"Anong tungkol kay Hyo-Ri? Anong sakit? Anong ibig mong sabihin? Naguguluhan na ako sa mga sinasabi mo"tanong ko. Naguguluhan na ako sa nangyayari.

Humiwalay siya ng yakap at tumingin sa akin. Namamaga na ang mga mata niya sa pag-iyak.

"When were 10 years old back then...naaksidente siya because of me. Hindi agad natanggal ang mga bubog sa katawan niya. Naging mahina siya...ng dahil sa akin. Madalas siyang nagkakasakit...ng dahil sa akin. And 2 years ago,kaya kita sinaktan kahit labag sa loob ko kasi nagmakaawa ang mommy ni Hyo-Ri na kahit tatlong buwan lang...huwag akong umalis sa tabi niya hanggang sa operahan siya dahil ako lang daw ang gustong makasama ni Hyo-Ri. Ang iniisip kong paraan para mapadali ang lahat is kamuhian mo ako,sasaktan kita...and after the operation babalikan kita. Pero bumaligtad ang lahat. Wala na pala akong babalikan. Sobrang mali ang naging desisyon ko"malungkot na ngumiti siya sa akin habang lumuluha.

"Taehyung...sorry pero I don't love you anymore. The damage was done. Kung noon mo pa sana sinabi yan siguro kaya pa kitang intindihin. Pero ngayon kasi hindi ko na kayang saktan ang pinsan mo. Mahal na mahal niya ako. Siya ang nandyan nung kailangan kita sa tabi ko nung kailangan ni Taekwon ng ama. Ni minsan hindi niya inisip na saktan ako katulad ng ginawa mo. Kapakanan ko lang ang lagi niyang iniisip. Kapakanan namin ng anak mo"unti-unti na ring tumulo ang mga luha ko sa hindi malaman na dahilan. Dahil sa mahal ko pa rin siya? Hindi. Matagal na akong nakamove-on sa kanya.

Lumuhod siya sa harap ko na siyang dahilan ng pag-agos ng mga luha ko,"Please Ji-Eun,alam kong napakawalang-hiya ko kung sasabihin ko ito pero please...ako nalang ulit. Ako nalang ulit ang piliin mo. Ako nalang ulit ang mahalin mo. Ako nalang please---mahal na mahal kita. Napilitan lang naman akong gawin iyon noon. I don't have a choice but to hurt you. Naipit lang ako sa sitwasyong hindi ko ginustong mangyari"hinawakan niya ang magkabilang kamay ko saka yumuko at patuloy na umiyak. Hindi ko alam pero mas lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa niya.

I Am MRS. Kim || TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon