Chapter 17

6.8K 157 1
                                    


Dumating si Jenna sa Mansiyon at kaagad na sumama kay Gladys papuntang kompanya sakay sa isa sa mga sasakyan ni Alex at ang nagdadrive naman ay si Xian at katabi nito si Macy, pareho silang mga naka-uniform bilang isang professional bodyguard.

Nasa likod naman ay si Gladys at Jenna.

Nakasunod naman ang sasakyan nina Chain at Christopher, Chris nalang para maiksi. Naka uniform rin sila. Parehong mamahalin din ang mga sasakyan. Syempre, kay Alex yan eh.

Nagtataka pa nung una si Gladys kung bakit kailangang ganun ang suot nila, pinasuot din kasi nila si Gladys ng branded na dress na kulay puti na may design na ginto.

Pagkarating naman nila sa parking lot ay kaagad na inalalayan ni Macy si Gladys palabas ng sasakyan.

Si Jenna naman ay nakasuot na ngayon ng branded na damit pero syempre sa kanya talagang damit iyon, hindi man halata pero mayaman naman talaga si Jenna.

Hindi naman sila sinaway ng guard. Inirapan lang sila ni Jenna at sabay flip hair.

Pinagbuksan ni Chris ang dalawa ng pintuan, kaagad namang naka agaw ng atensiyon sina Gladys.

Ang daming mga taong nakatingin sa kanya, nagtataka din si Gladys kung bakit hindi sila pumunta sa reception. Nakatayo lang sila at may tinawagan si Macy.

Maya-maya pa ay biglang nanlaki ay mga mata ng mga tao dahil mismong ang president kasama ang secretary ang sumalubong sa kanila.

Lumabas si Alex sa elevator at may malambot na ekspresyon sa mukha, sa hindi inaasahan ay kasama din pala ang assistant ni Cloud.

Paglapit nila kasama yung babae ay biglang kumulo ang dugo ni Jenna, inangat niya ang kamay at itinuro ang assistant ni Cloud.

Nagulat naman ang babae dahil dito, makikita ang matinding galit sa mukha ni Jenna.

"Ikaw babae ka!" Biglang sigaw ni Jenna, maski si Gladys ay nagulat sa sigaw niya. Napahinto naman si Alex sa paglakad niya at napatingin sa itinuturo ni Jenna.

"Jenna, ano bang ginagawa mo?" Bulong ni Gladys at pilit na ibinababa ang kamay ni Jenna.

"Aba! Nandito pa rin pala yang babae na yan! Mind you, siya ang may dahilan kung bakit hindi ko makontak kaagad si Alexander! Hinarangan ako niyan eh! Tingnan mo nangyari sayo!" Malakas na pagkakasabi nito.

Nahiya naman si Gladys at pilit na pinapatigil sa pagbubunganga si Jenna, samantalang yung babae naman ay taas noo pang tumingin kay Jenna na parang mas mataas siya.

Masyadong mataas ang expectation niya na hindi siya mapaparusahan, at akala pa niya ay mapapaalis si Jenna dahil ang lakas ng loob nitong tawagin ang pangalan ng kanilang president.

Napatingin naman sina Alex at Cloud sa babae.

Samantalang si Alex naman ay biglang nandilim ang paningin, naiisip palang niya ang nangyari noon kay Gladys ay pakiramdam niya makakapatay na siya ng tao.

"Jenna, ano ba? Tumigil ka nga" bulong ni Gladys sa kaibigan

Nahakot naman nito ang atensiyon ng mga tao.

Bigla namang kinabahan si Gladys, paano nangyari to? Balak lang naman niyang bisitahin si Alex eh.

Napansin yata ni Alex na hindi na komportable si Gladys kaya kaagad na lumalit si Alex dito, samantalang yung babae naman, akala niya yata ay palalayasin na pero hindi niya akalaing sobrang lambing nito sa babae.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Alex kay Gladys, tumango lang naman ito at pilit na ngumiti.

Si Jenna naman ay patuloy na nanggugulo.

"Hoy babae! Ikaw may dahilan kung bakit minalas ako last week! Anong posisyon mo dito ha? Nagyayabang ka pa talaga ngayon?" Kahit wala namang sinasabi ang babae.

Kunot noo namang lumapit si Cloud sa babae, grabe, napaka mabunganga talaga nito. Kaagad na hinila ni Cloud si Jenna at umakbay sabay tinakpan ang bunganga.

"Mmmm!!!"

"Wag ka ngang maingay! Nanggugulo ka eh"

Gulat namang nakatingin ang babae sa couple na nasa harapan niya, mukhang nagkamali ata siya.

Napatingin naman si Alex kay Cloud at tumango.

Yumuko naman sina Macy kay Alex at sabay sabing "boss" tumango lang si Alex sa kanilang lahat.

"Alex, I--"

"Shhh, we're going on a meeting. You should come with me" Yun lang ang sinabi ni Alex at kinuha ang baunan na hawak nito, inabot kay Xian.

"Put it in my office, were going back later" bilin niya dito at tumango naman ito.

Sinenyasan naman ni Alex si Macy at kaagad itong lumapit kay Alex, sandaling may ibinulong ito na ikinatango ng dalaga.

Kumunot naman ang noo ni Gladys at napatingin kay Alex pero nginitian lang siya at hinawakan ang kamay nito.

Napaisip siya sandali, napatawad na kaya siya ni Alex? Hinawakan kasi niya ang kamay ni Gladys. Bati na ba sila?

"Lets go?" Sambit ni Alex at hinila si Gladys.

"But they--"

"We don't need them"

Saktong pagkaalis ng dalawa ay bumulong si Macy sa kasama at nagsitanguan. Si Jenna naman ay hindi na umimik at hinayaang nakaakbay sa kanya si Cloud pero masama ang tingin niya sa babae.

Kumilos naman agad sina Chris at Chain at hinawakan ang magkabilang balikat ng babae

"Miss, utos lang ni boss. Wag ka nang pumalag" bulong ni Chain pagkatapos ay hinila na nila ang babae sa elevator.

Nagtataka naman ang babae, bakit ba siya kinakaladkad ng mga taong ito? Sino ba yung babaeng nakaputi kanina? Ano ba talaga ang nangyari?

Nakarating sila sa opisina ni Alex at pinaupo siya sa sahig umupo naman sa sofa si Jenna at ang iba pa. Si Chain at Chris naman ay nakatingin lang sa babaeng nakaluhod sa sahig. Nanginginig at mahahalata mong takot na

"Cloud, ano bang pangalan nito?" Tanong ni Chris na nakatingin lang sa babae

"Vera" yun lang ang sagot ni Cloud sa kanila at kinuha ang kanyang Ipad at nagsimulang magcheck ng susunod na schedule ni Alex.

"Sorry miss pero utos ni boss ay may kailangan ka daw gawin kapalit ng ginawa mo last week" paliwanag ni Macy sa babae

"Sino ba ang babaeng yun?! Kung magalit kayo parang isa siyang napaka importanteng tao! Mukhang kumakapit lang naman yun kay sir Alex para sa pera!" Sigaw ni Vera, bigla namang kinuha ni Jenna ang magazine na nakadisplay at hinagis sa kanya. Malakas na natamaan ang babae at namula ang kanyang noo.

"She's going to be Alexander's wife, so mind your tongue" malamig na pagkakasabi ni Jenna at lumapit sa babae.

Tumabi naman ang dalawang lalaki at hinila ni Jenna ang buhok ng babae. Kaagad namang napatingala si Vera at napatingin sa mata ni Jenna.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo, I am Jenna Maldives, nice to meet you" malamig na pagpapakilala niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Vera at biglang bumalot ang takot sa mukha.

"M-maldives?"

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon