Chapter 2

11.7K 228 7
                                    


Kaharap ang mga naging katrabaho ko sa fast food chain, nagpaalam akong aalis na. Alam naman ng boss ko ang totoo kaya pumayag siya. Siya lang ang nakakaalam at nangakong ligtas ang sekreto ko.

Nakangiti akong umalis at bumalik sa nahanap kong inuupahang bahay. Hindi naman sya maliit, sa totoo lang medyo malaki pa nga siya. Malaki ang bahay para sa aming dalawa ng magiging anak ko.

Wala akong magagawa kahit mahal ang bayad sa upa, ito nalang ang natitirang bakante.

Pipilitin ko ding bayaran to. Kaya ko to.

Dumaan ang isang buwan. Nabayaran ko ang upa ng bahay gamit ang natitirang pera ko at ang sweldo ko sa bago kong trabaho bilang cook sa isang korean restaurant. Malaki ang sahod sa restaurant at sakto na sa pang-araw-araw.

Unti-unti ko na ring nararamdaman ang epekto ng pagiging buntis. Madalas akong mahilo at palaging nagsusuka sa umaga.

Isang buwan nalang at graduate na ako, naghahanda na ang buong school sa graduation namin. Palagi kong nakikota si Jamie pero hindi niya ako pinapansin.

Masakit makitang sumuko na ang nag iisang kaibigan mo dahil sa nabuntis ka, hindi ko naman to ginusto. Pero alam ko ang mga pagkakamali ko.

Sana, darating ang panahon na mapatawad nila ako sa mga kasalanang nagawa ko. Nagsisisi ako dahil alam kong binalewala ko ang sinabi ni Jamie nang gabing yun.

"Gladys! Korean hot noodles, pakiluto na" sabi ng kasamahan ko sa trabaho

"Sige" sagot ko at nagsimula na sa pagluluto

Mabilis tumakbo ang oras at paalis na ako. Naghihintay nalang ng masasakyan pauwi sa bahay.

"Miss!" Rinig kong tawag ng lalaki pero hindi ko ito pinansin at patuloy na naghihintay ng masasakyan ng biglang may huminto na itim na mamahaling kotse sa harapan ko.

Gulat man pero mabilis ang reaksyon ko at mabilis na tumakbo paalis, hindi ko alam pero gusto ko lang talagang tumakbo sa oras na yun.

"Habulin niyo! Bring her back to me without any scratch!" Narinig kong sigaw ng lalaki kaya't mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Pero bigla nalang akong nakaramdam ng hilo kaya napahinto ako sa madilim na eskinita at napahawak sa pader para sa suporta.

'Baby, bakit ngayon ka pa nagparamdam'

Biglang may humawak sakin at binuhat ako. Kaya lang, biglang sumakit ang ilong ko sa amoy ng pabango niya. Hindi ko sinasadyang masukahan ang dibdib niya kaya mabilis na naibaba niya ako.

Bumagsak ako sa malamig na semento at gumapang paalis

"Tang*na naman! Bakit ako pa nasukahan?" Reklamo ng lalaking nasukahan ko pero hindi ko pinansin at patuloy na gumapang.

Napahinto ako ng may sapatos na puting rubber shoes na mukhang mamahalin ang huminto sa harapan ko. Dahan-dahan ako napatingala sa lalaki pero nanlalabo ang paningin ko.

Naaaninag kong tumingin siya sa lalaking nasukahan ko

"Didn't I tell you to bring her back without any scratch?"

"Eh kasi naman boss, sinukahan ako ng babaeng yan eh"reklamo nito

Naramdaman ko nalang na binuhat ako ng lalaki na tinawag na boss nung lalaking sinukahan ko kanina.

Napakapit nalang ako sa jacket niya at naamoy ang pabango nito. Dahilan kung bakit bigla akong nasusuka. Pinalo ko ang dibdib niya para bitawan niya ako pero hindi niya ginawa. Nagpapadyak ang paa ko dahil sobra ang pagpipigil ko na masuka sa kanya.

Napilitan naman siyang ibaba ako at mabilis naman akong tumakbo sa gilid para sumuka. Ang baho niya.

"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ng lalaki at akmang bubuhatin niya ako pero tinulak ko siya

"Why?"

Nanlalabo man ang paningin ko pero dahan-dahan akong kumapit sa jacket niya at pilit kong hinihila.

"Anyari? Gusto niya ba jacket mo boss?" Nagtatakang tanong nung lalaki

Narinig ko naman ang zipper ng jacket niya at hinubad niya ito at binigay sakin.

Mabilis ko naman na itinapon iyon sa tabi habang hawak ang ilong ko.

Mutikan na akong matumba pero nasalo niya ako at inaalalayan na makatayo.

"Please, pakikuha ng pabango ko sa bag" nanghihina na sabi ko sa kanya.

Ramdam kong nalilito siya pero kinuha niya parin ang bag ko at hinanap ang pabango ko na vanilla ang amoy.

Binigay niya iyon sakin at mabilis ko namang kinuha sa kamay niya. Tinutok ko sa kanya at alam kong nangungunot na ang noo nito pero wala akong pakialam. Ayoko ng amoy niya. Bigla kong ini-spray sa kanya ang pabango ko.

Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko kasi napaatras siya pero bigla akong natumba dahil hindi ko nakayanan ang hilo ko. Huling naramdaman ko nalang ay ang pagbuhat niya sakin.

"Boss, pinabanguhan ka niya!" Sigaw ng lalaki ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

Nakakapagod. Minsan parang gusto ko nang sumuko, hinihiling na sana kunin na ang buhay ko. Nakakagulat isipin na umabot ako ng isang buwan na may laman ang tiyan.

Nangangako akong iiwasan ko nang saktan ang batang nasa sinapupunan ko. Aalagaan ko at sisiguraduhing maging maayos ang kaligtasan niya. Mamahalin ko siya ng buong-buo at ibibigay ang lahat ng makakaya para maging maayos ang kalagayan ng anak ko.

Ang lalaking nakasama ko ng gabing yun, nakalimutan niya na ba ang nangyari saming dalawa? Nakalimutan na ba niya ang babaeng nakasama niya ng isang gabi lang?

Hindi ko siya masisisi kung hindi niya kami matatanggap ng anak niya, baka nga iisipin lang nun na isang pagkakamali lang ang lahat.

Pero kahit naging bunga ang anak ko ng dalawang taong walang pagmamahal na nararamdaman nang gabing yun, ipapaunawa ko sa anak ko at ipaparamdam sa kanya na kahit na anong mangyari, kahit galit sa kanya ang mga tao nandito pa rin ako kasama niya, hindi siya iiwan at titingnan siyang maging successful sa buhay. Ipapaunawa ko sa kanya na wala siyang kasalanan at kahit hindi siya tanggapin ng ama niya pero ako tatanggapin ko siya ng buo.

Sorry baby ko kung pinagtangkaan kung patayin ka noon. Alam kong mali ang naging desisyon ko, alam kong kasalanan ang pumatay ng sanggol na wala pang alam sa mundo.

Pero ipapaalam ko sa kanya na kahit na nagawa ko yun, alam ko sa sarili ko na iniisip ko lang ang kapakanan niya, ang maaaring magyari sa kanya kapag nasilayan na niya ang mundong puno ng gulo.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon