Chapter 14

70 6 0
                                    


What happened that day.

Zyair Alleres.

“[Hello, Zyair. Busy ka ba?] si Lily ang tumawag. Nag bayad na muna ako sa counter at nakipag usap na sa kanya

  "Hindi naman, Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

  [Pwede ka bang pumunta sa Guilford Bar? Ie-explain ko sa'yo lahat ng alam ko. Yung about sa issue na kumakalat, sasabihin ko sayo kung sino ang may pakana no'n. Hihintayin kita rito]

  Hindi ko alam kung tama bang puntahan ko siya doon. Hindi ako nagpaalam kay Vester na bibili ako sa convenient store kaya baka hanapin na rin ako no'n.

Napa-hinto ako sa paglalakad papunta sa village namin, napilitan akong sumakay ng taxi at dumiretso sa bar na pinaghihintayan ni Lily.

  Nang makita niya ako ay agad siyang kumaway sa akin kaya dumiretso ako sa pwesto niya, may hawak siyang baso sa kamay niya, "Zyair, mabuti nalang dumating ka!"

  "Lils, ano ba 'yon?" tanong ko. Nag-simula naman itong ngumiti ng mapait at tsaka nagsimulang tumulo ang luha

  “I'm sorry for what my father did sa'yo. Sa career mo. Victim lang rin si Daddy. I mean hindi talaga siya yung may kasalanan behind that issue, si Jacob! Si Jacob Iturralde yung may kasalanan" sambit niya, nagsisimula na siyang humikbi

  May lalaki namang napadaan sa gilid namin ni Lily at may inilagay na kung ano sa table, agad rin itong umalis at nawala sa paningin ko. Kinuha ko ang bagay na nasa lamesa at tinitigan ito

  “Alam kong pakana niya lahat kasi diba alam mo naman na nagde-date kaming dalawa, kaya nga nakipag hiwalay kana sakin dahil sa nalaman mo iyon sa kahit saan. I'm sorry for that, Zyair. Kasalanan—" hindi na natuloy ni Lily ang sasabihin niya dahil biglang may isang lalaki ang lumapit sa amin at sapakin ako sa mukha.

Napa-upo ako sa lapag habang nararamdaman ang pag iinit ng gilid ng labi ko, kinapa ko ito at nakita ang dugo sa kamay ko. Agad akong tumayo at tinitigan kung sino ang gagong sumapak sa akin

  “Napupuno na ako sa'yo, tanga” sigaw nung lalaki habang naka-duro sa akin. Akmang sasapakin niya pa sana ako pero agad na nagdagsaan ang mga tao sa bar palapit sa pwesto namin. Nakilala rin ako ng iba kaya pinaglalabas nila ang mga camera nila, pinilit kong idilat ang mata ko sa flash na tumatama sa akin pero nagulat nalang ako nang muling tumama ang kamao nito sa mukha ko

  “Jacob! Please stop!” nanghihinang sigaw ni Lily.

   Jacob?

Nang makatayo ako ay agad kong sinugod si Jacob at hinawakan sa kwelyo nito, “Huwag mo akong isinasali sa problema niyong dalawa ni Lily. Kayong dalawa ang may problema gago! Nasisiraan kana ata ng bait, na pati ako dinadamay mong tanga ka!”

  “hindi ka ba natatakot, Zyair? Pa-bagsak na ang career niyo. Ako ayos lang sakin na makipag sapakan ako kahit kanino, pero ikaw. Tingin mo ba hindi puputok ang balitang ito kinabukasan? Ikaw ang gumagawa ng ikaba-bagsak ng career mo, Zyair. Dapat nga may process pa 'to kaso ikaw, ikaw na ang nagbabaon ng mga paa mo sa hukay.” sambit nito sa akin, pabulong na kaming dalawa lang ang nakakarinig. Nag-paulit ulit na rin sa tenga ko.

  Buong lakas kong idinampi ang kamao ko sa mukha nito, dahilan para mapadura siya ng dugo, agad niya ring pinunasan ang dugo na lumalabas sa bibig niya at saka lumapit sa akin.

  “Akala mo ba maisasalba pa ni Lily 'yang career mo? Hindi, tanga! Unti-unti kong sisirain ang pinaghirapan niyo at hinding hindi ako papayag na malagpasan mo lang' to” sambit niya. Tanging titig lang ang nagawa ko sa kanya, lumayo siya sa akin at lumapit siya kay Lily.

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now