"Sa wakas!" Sigaw ko, Ngayong araw ay ang aking 18 kaarawan. Sabi saakin ni Ama na kapag ako ay 18 na ay pwede na akong lumabas sa palasyo, dati nga ay naiinggit pa ko sa mga ka edad ko dahil nakakapaglaro sila ng malaya sa labas.
Ako nga pala si Asteria Freese at ang mga magulang ko ang Hari at Reyna ng Kahariang Freese, ang Kahariang Freese ay isang kaharian sa tagong lugar, kaunti lang ang mga tao dito sa Freese.
Ako ang Prinsesa ng Freese. Prinsesa nga ako ngunit kaunti lang ang nalalaman ko sa Kahariang Freese, alam kong may tinatago saakin ang aking mga magulang tungkol sa Kahariang ito.
"Tumahimik ka! Hindi natin sya kailangang hanapin! Kusa syang babalik dito dahil masasama ang mga tao sa mundong na iyon!" Lugar? Anong mundo ang sinasabi ni Ama? Wala naman akong ibang alam na lugar kundi ang Freese.
"Manahimik ka! Baka marinig tayo ng ating anak." Sabi ni Inay. Pinapakinggan ko sila sa pintuan ng kanilang kwarto. Tunay akong naguguluhan sa kanilang pinagsasabi. May tinatago sila saamin.
Naalala ko ang panahong nawala ang aking nakakatandang kapatid na babae, sabi ni Ina ay pinatay daw sya ng isang tao na taga dito din sa Freese, ngunit habang tumatagal ay nakalimutan ko at nang aking mga magulang ang nakakatanda kong kapatid.
Ngunit ang ikinatataka ko talaga ay kung nasaan ang bangkay ng aking kapatid? Patay na nga ba talaga sya? At sino ang tinutukoy ni Ama na babalik din saamin dahil masasama ang mga tao sa lugar na iyon?
"Binibini hangang dito lang po tayo pwede." Sabi ng aking taga alalay. Susubukan ko sanang pumunta sa malayong bahagi ng gubat ngunit bawal pala?
"What the heck is this?" Boses iyon ng lalaki, at ano ang kanyang sinasabi? May hindi ba ako nalalaman na lenggwahe?
Biglang may sumulpot na lalaki. Masasabi kong makisig sya. Maputi sya at matulis ang kanyang ilong. Anong klase ang kanyang suot?! Kakaiba ito? At may nakasulat pa ditong Gucci. Ano ang ibig sabihin ng salitang iyon?
"Sino ka? Tsaka bakit kayo naka gown?" Tanong saamin nung lalaki. Ano ang 'gown'?
"Ginoo, Ano ba ang iyong sinasabi?" Tanong ko sakanya.
"Ginoo?! Bakit ang lalim ng Tagalog mo? Tsaka hindi ka ba marunong mag english?!" Pagalit nyang tanong sa akin, naguguluhan din sya sa amin. "Ano ba ang e-english?" Tanong ko.
"Seryoso ka ba?" Tanong nya, Halata na ang pagtataka sa kanyang mukha. "Hindi ba halata na seryoso ako?" Tanong ko sakanya. "You're weird, you know." Sabi nya.
"Ano?!" Pagalit kong tanong sakanya. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito?
Bigla nyang kinuha ang aking kamay at hinatak ako, ang bilis ng takbo nya kaya hindi kami nasundan ng aking mga alalay dahil mahahaba ang kanilang mga kasuotan. Dinala ako ng ginoong ito sa malayong bahagi ng lugar at madaming bulaklak sa bahaging ito.
Pumitas ako ng isang bulaklak na kulay kalimbahin, ngayon ko palang nakita ang bulaklak na ito.
Biglang kinuha ng ginoo ang bulaklak na dapat ay aamuyin ko sana at inihagis iyon.
"Ano bang problema mo?!" Pagalit kong tanong sakanya. Kanina pa sya nakatitig saakin, ayoko pa namang may tumititig saakin.
Bigla nyang kinuha ang kamay ko at nilagyan ito ng tubig, pero bakit mabango ang amoy ng tubig? "May lason yung bulaklak na yon." Sabi nya.
"P-pasenya na, h-hindi ko kasi alam na lason pala yun." Sabi ko sakanya, nakatitig pa din sya sa mukha ko pero ngayon ay nakangiti na sya.
"Zein nga pala." Pagpapakilala nya, maganda ang pangalan niya.
"Asteria." Simple kong saad.
"Saan ba ang iyong lugar? At paano ka napadpad dito?" Tanong ko sakanya.
"Taga-" Napahinto sya sa kanyang pagsasalita ng may marinig kami...
"Asteria!! Asteria!!" May tumatawag na saakin.
"Kuhain mo to, magkikita pa tayong muli." Sabi nya at inabot saakin ang isang kwintas na hugis puso.
Mabilis syang umalis. "Andyan ka lang pala! Asan na yung lalaki?!" Si Ama pala, at may kasama pa syang mga guwardiya.
Mabuti nalang at mabilis na umalis si Zein kung hindi ay baka napahamak pa sya.
'Magkikita pa tayong muli.' Palagi kong naiisip ang salitang ito. Kailan kaya uli kami magkikita?
Lumipas ang isang linggo na pabalik balik ako doon sa malayong bahagi ng lugar kung saan ako dinala ni Zein, ngunit hindi ko padin sya nakikita.
"Binibini hindi po kayo pwedeng umalis na hindi ako kasama!" Sabi saakin ni Emma, sya ay isa sa aking taga alalay.
"Kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko at tumakbo pero nagulat ako nang tumakbo din sya.
"Binibini!" Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Bakit ang bilis nyang tumakbo?!
"Saan ba kayo pupunta?" Tanong nya saakin habang hingal na hingal. Pupunta sana ako doon sa lugar kung saan ako dinala ni Zein, baka kasi nandoon na sya.
"Dito ka nalang Emma, babalik din naman ako." Sabi ko kaya hindi na sya umangal pa.
Naglakad na ako papunta sa lugar kung saan ako dinala ni Zein at tama nga ako nandito sya!
Bakit parang mas naging maayos ang mukha nya ngayon? Mas mukha syang makisig...
"Bakit ngayon ka lang uli bumalik? Araw araw kaya akong nagpupunta dito." Sabi ko sakanya.
"Ang cute mo." Sabi nya at pinisil ang pisngi ko.
"Cute? Ano yun?" Tanong ko sakanya. "Ahh! Wala yon!" Sagot nya na parang nahihiya. Bakit sya nahihiya? Ano bang ibig sabihin ng 'cute'?
"Suot mo pala yung kwintas?" Sabi nya habang nakatingin sa kwintas nya na suot ko.
Tatanggalin ko sana ang kwintas pero hindi ko ito matangal.
Pumunta sya sa likod ko. "Huwag mo ng tanggalin sayo nayan." Sabi nya at inayos ang mahaba kong buhok.
Humarap ako sakanya. "Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi... It looks beautiful on you." Sabi nya. Namumula ang pisngi nya.
"B-beautiful? Ano yun?" Tanong ko sakanya. Bakit ba kasi sya gumagamit ng kakaibang lenggwahe?
"W-wala." Sabi nya.
"Binibini! Hinahanap na po kayo ng inyong Ama!" Sigaw ni Emma. Sinabihan ko sya kanina na sabihin sa akin kung hinahanap na ako ni Ama.
"Kailangan ko ng umalis." Sabi ko sakanya.
"Magkita uli tayo sa susunod na linggo." Sabi nya at mabilis na umalis.
BINABASA MO ANG
Prinsesa ng Freese
FantasySi 'Asteria Freese' ang prinsesa ng kahariang Freese. Ang kahariang Freese ay isang kaharian sa tagong lugar. Hindi alam ni Asteria na meron pa palang ibang mundo bukod sa Freese, at natuklasan nya lang ito nang aksidente silang magkakilala ni 'Zein...