KABANATA 2

21 4 13
                                    

"Emma!" Tawag ko. Gabi na ngayon, at nandito ako sa aking kwarto.

Pumasok si Emma sa aking kwarto. " Bakit po?" Tanong nya saakin.

"Alam mo ba yung salitang Beautiful?" Tanong ko sakanya. Nababagabag kasi ako kung ano yung kahulugan ng salitang iyon.

"Byotipul? Ano po yun?" Tanong niya, naguguluhan din sya saaking sinasabi.

"Kaya ko nga tinatanong kasi hindi ko alam." Sabi ko.

"Patawad po." Sabi nya at lumabas na sa aking kwarto.

Zein, hindi mo padin nasasabi saakin kung saang mundo ka nanggaling.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Ama. "Napapansin ng mga guwardiya na napapadalas daw ang paglabas mo ng palasyo." Sabi ni Ama saakin.

"17 taon akong nakakulong dito sa palasyo." Sagot ko. Hindi naman sa wala akong respeto sa aking Ama ngunit tama naman ang aking sinabi.

"Pinoprotektahan ka lang namin! Upang hindi ka matulad kay Aleia! Dapat ay gumaya ka sa kapatid mong si Amir!" Sigaw nya saakin at  iniwan ako. Si Aleia ay ang aking nakakatandang kapatid na babae na namatay na, at si Amir naman ang nakakatanda kong kapatid na lalaki.

Pumunta ako sa kwarto ng aking kapatid na si Amir. Nakaupo syang nagbabasa ng libro, nang makita nya ako ay agad nya akong sinungitan. Sanay naman na ako dahil palagi naman syang ganito, ngunit malambot naman talaga ang kanyang puso.

"May tanong ako sayo." Sabi ko at umupo sa may tabi nya.

"Ano ba yun?" Tanong nya na parang iritang-irita na sya saaking presensiya.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang beautiful?" Tanong ko.

"Saan mo nalaman ang salitang yan?!" Pagalit nyang tanong saakin. A-anong masama sa tanong ko?

"N-nakakita ako ng isang dahon na may nakalagay na beautiful." Pagpapalusot ko dahil ayaw kong malaman nya ang tungkol kay Zein, dahil siguradong isusumbong nya ito kay Ama.

"Asan na yung dahon?!" Tanong nya. Natatakot ako sakanya, ngayon ko lang sya nakitang ganito kagalit.

"W-wala! Tinapon ko na!" Sabi ko. Bigla nya akong iniwan mag-isa sa kanyang kwarto. Ano ba ang ibig sabihin ng beautiful? Masama ba?

Natatakot ako na baka isumbong nya ako kay Ama! Siguradong hindi na ako papalabasin non dito sa palasyo!

Ngayon ang araw na kami magkikita ni Zein kaya naman ay nag-aayos ako ng aking sarili.

Nagulat ako nang biglang pumasok ang aking Ama sa aking kwarto. "May gagawin ka ba ngayong araw Asteria?" Tanong saakin ni Ama na nasa likuran ko na.

"Lalabas sana ako, Ama." Sagot ko habang patuloy parin akong nag-aayos.

"Huwag ka munang lumabas ngayong araw dahil mayroon tayong mahalagang bisita na dadating." Sabi nya at umalis na sa aking kwarto.

P-paano naman ang pagkikita namin ni Zein?

"Binibini ayos lang po ba kayo?" Tanong saakin ni Emma. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko, gusto kong makita si Zein ngunit ayaw ko namang mapagalitan ni Ama.

Kumuha ako ng papel at sinulatan eto.

Zein ako to si Asteria. Patawad ngunit hindi kita mapupuntahan ngayong araw dahil may mahalagang bisita ang aking Ama. Kung maari ay sa susunod na linggo nalang tayo magkita.
                                        

"Emma ibigay mo ito sa isang ginoong nagngangalang Zein. Matatagpuan mo sya doon sa malayong bahagi ng lugar na may madaming bulaklak. Y-yung pinuntahan ko nung nakaraang araw." Sabi ko kay Emma at ibinigay yung sulat. Agad- agad syang umalis na may halong pagtataka sa mukha.

"Asteria." Sabi ni Ina na pumasok sa kwarto ko.

"Bakit po?" Tanong ko. "Tara na, andito na ang bisita ng iyong Ama." Sabi ni Ina saakin kaya lumabas na kaming dalawa sa aking kwarto at nagtungo sa isang silid kung saan kami kumakain.

Pagkapasok namin ay may nakita akong isang babae at lalaki na ka- edad siguro ng aking Ina. Mayroon ding isang lalaki na kasing edad ko. Ano kaya ang kailangan ng mga taong ito?

"Anak ito si Nimuel." Sabi ni Ama at tinuro ang lalaking mukhang kasing edad ko.

"Magandang hapon sayo ginoong Nimuel, ako nga pala si Asteria." Saad ko.

"Magandang hapon din sayo binibini." Bati nya saakin at ngumiti.

Umupo na kami at nag simulang kumain. Sila pala ang pamilyang Bautista, palagi silang pinag-uusapan nang aming mga alalay. Sila ang namamahala ng Kahariang Bautista sa kabilang bayan. Kagaya ng kahariang Freese kaunti lang din ang tao sa kahariang Bautista, dahil kung madami ang tao may posibilidad na magkaubusan ng pagkain at kaunti na lang din ang naangkat nang pagkain kaya naman nag babawas sila ng tao sa pamamagitan ng pagpatay.

"Asteria anak, etong si Nimuel ang iyong magiging asawa." Sabi ng aking Ama. Lahat sila ay tuwang-tuwa sa inanunsyo ni Ama pwera lang sa akin. Ayokong magpakasal sa ngayon ko lang nakilala.

"K-kailan ang kasal Ama?" Tanong ko.

"Wala pa akong pasya binibini, pero kung maari ay sa Agosto na sana." Sagot ni Nimuel. Mayo palang ngayon kaya may tatlong buwan pa ako para magpasya.

"Asteria, ayos lang ba sayong magpakasal sa lalaking iyon?" Tanong ng kapatid kong si Amir. Ang pamilya Bonifacio ay umuwi na matapos nilang mag-usap ng aking Ama.

"Hindi ko gusto magpakasal sakanya, kung gusto mo ikaw nalang ang magpakasal." Sagot ko sakanya habang nakatingin sa tanawin, nandito kami sa labas ng palasyo.

"Anong gusto mong gawin ko? Magpakasal sa Nimuel na iyon?" Tanong nya saakin. Natawa ako sakanyang pinagsasabi, hindi nya naintindihan ang aking sinasabi.

"Mali ang pagkakaintindi mo. Narinig kong mayroong kapatid si Nimuel na babae at kasing edad mo lang sya, ngunit bakit kaya hindi sumama ang kapatid nyang babae?" Tanong ko.

"Aba malay ko! Hindi ko naman alam na may kapatid palang babae yung Nimuel na iyon." Sagot nya at pumasok na sa palasyo.

"Emma." Tawag ko kay Emma na nakita kong lumabas ng palasyo.

Lumapit sya. "Bakit po? Tsaka bakit po kayo nandito?" Tanong nya.

"Bakit masama bang magpunta ako dito?" Sagot ko.

"Ano nga pala ang nangyari? May sulat ba ang si Zein para saakin?" Tanong ko sakanya.

"Opo! Pero nasa kwarto ko po e'. Kuhain ko lang po ha." Sabi nya at nagpunta sa kwarto nya, sinundan ko sya sa kanyang kwarto. Inabot nya saakin yung sulat ko para kay Zein....

"Bakit eto? E' akin to galing." Sabi ko kay Emma. "Nagsulat po sya sa loob nyan." Sagot nya.

Pumunta agad ako sa aking kwarto at binuksan ang sulat.

'Ako ito si Zein. Ayos lang saakin na hindi ka makakarating, sa susunod na linggo nalang uli tayo magkita. Doon padin sa dating puntahan.'
 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Prinsesa ng FreeseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon