Prologue

476 9 0
                                    

"I'm sorry Bell, pero kailangan ka na talaga naming bitawan. May mas magandang trabaho kesa dito ang naghihintay sa'yo sa labas." ang malungkot na pagbalita ng Employer ni Bell.

Isang Supervisor si Bell sa isang Oil Company, pero dahil sa mga personal nyang problema ay napabayaan nya ang kanyang tungkulin, kaya walang choice ang company kung hindi tangalin sya. Maraming problema si Bell, sa Pamilya, sa Pera at lalong lalo na sa pag-ibig, si Bell ay isang Tomboy or Lesbian kung tawagin ng marami. Kelan lang ay iniwan sya ng kanyang kasintahang babae rin, kaya halos gumuho ang mundo ni Bell kaya lalong dumami at lumala ang kanyang mga problema, at ito ang dahilan kung bakit sya nawalan ng trabaho.

Parang wala lng kay Bell ang pagkakatangal nya sa trabaho, umuwi sya na parang walang nangyari, blanko ang isip at tahimik ng umuwi sa kanyang bahay. Nang tinanong sya ng kanyang kapatid (na isa ring Tomboy) na si Ring, isang taon lang ang lamang ni Ring kay Bell.

Ring: Oh, kamusta trabaho? wag mo sabihing nasabon ka nanaman?

Bell: Wala na kong trabaho, kakatangal lang sa akin kanina ni Boss.

Ring: Ano!!!!????? Pano yan? wala tayong pagkain ngayon. Anung kakainin natin? Buti pa, katayin ko na yung aso mo, tutal tinatahulan naman ako nyan eh.

Bell: Wag naman ate. Bigay pa skin yan ni Priti (Ex-GF ni Bell).

Ring: Eh anung kakainin natin ngayon? Mangungutang muna --------------------

Bell: Kay Uncle muna ako titira.

Ring: Ano? Iiwan mo ko dito mag isa? Nang walang pagkain? walang pera? ano ka ba men? walang ganyanan.

Bell: Saglit lang naman ako dun ate, mga tatlong araw lang. Gusto ko muna ipahinga utak ko sa mga problema.

Ring: Kung di lang ang nagtatago sa mga kaaway ko, naghanap na ko ng mapapasukan eh. Simula ng binenta tayo ng tatay natin sa mga Rapist na yon. Tayo lng dalawa ang magkasama, magkasanga. Tapos iiwan mo ko ditong nagiisa?

*Maiyak iyak na bangit ni Ring"

Bell: Wag ka magalala ate, saglit lng talaga ako dun. Pangako babalik kagad ako kung sa tingin ko OK na ko. Kahit wala pang tatlong araw. Sige na pumayag ka na, kelangan ko lng muna mag muni muni.

Ring: Kung di lang kita mahal na mahal. O sya sige, balik ka kagad kung sa tingin mo OK ka na. Ako na bahala sa makakain ko, uutang nalang ako sa mga kakilala ko dito.

Bell: Salamat ate, pangako pag OK na ko, maghanap kagad ako mapapasukan.

Ring: Teka, sigurado ka ba na gusto mo muan tumira kina Uncle? Nakakatakot sa lugar na yon ah, sobrang tahimik, parang walang mga taong nakatira.

Bell: Kaya nga  dun gusto ko, dahil sobrang tahimik. Para mapahinga ko ng mabuti ang utak ko. Tska, welcome naman tayo dun kahit anung oras sabi ni Uncle, sya nalang ang natitira nating kamag-anak.

Ring: Ah basta, ayoko sa lugar na iyon, iba ang pakiramdam ko. Basta mag ingat ka don ah, Text mo na lang ako, kung may load ka. Kung na lagay mo doon.

Bell: Sige ate, ingatan mo si Pritz (ang pangalan ng kanyang aso).

Nang gabi ding iyon ay umalis kagad si Bell, patungo sa bahay ng kanyang Uncle. Nang makarating sa lugar kung saan nakatira ang kanyang Uncle, ay iki-nagulat parin ang sobrang katahimikan ng lugar. Tulad ng sabi ni Ring, parang walang nakatira, pero may mga ilaw ang mga bahay dito.

Nang makarating sya bahay ng kanyang Uncle.

Bell: Uncle George, dito na muna ako. Kahit mga tatlong araw lang?

George: Aba, syempre naman, napakalungkot dito kung ako lang nag iisa.

Ipinaliwanag ni Bell, kung bakit sya naparoon at kung bakit sya nawalan ng trabaho. Ipinahiram muna ng kanyang Uncle ang bakanteng kwarto sa tuktok ng bahay.Medyo maliit ito, pero kasya ang mga tatlo o apat na katao. Mataas ang bahay ni Uncle George, manipis pero mataas. Maganda ang pwesto ng kwarto ni Bell, dahil halos kitang kita nya ang lahat ng bahay sa paligid. Tamang tama sa pag mumunimuni nya. Dinala ni Bell ang kanyang recorder, para ma record nya ang mga gusto nyang sabihin, kahit wala syang kausap ay masasabi nya ang kanyang mga nararamdaman sa kanyang problema.

Nung gabing iyon, di pa makatulog si Bell, iniisip nya parin si Priti kung bakit sya iniwan nito. Kaya sumilip muna sya sa bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Habang nakadungaw, napansin nya ang isang bahay sa may bandang kaliwa na kumukurap kurap ang ilaw sa loob. Inisip ni Bell na baka napupundi lang, pero di nagtagal pabilis ng pabilis ang pag kurap nito. Di na lang ito pinansin ni Bell, at pinagpatuloy nya lang ang pag langhap ng sariwang hangin. Ilang saglit pa ay may nakita syang Babae, sa isang bahay halos tapat lng ng kanyang bintana. Nakatayo ito at nakatingin sa bandang kanan ng bahay kung saan sya nakatayo na parang may sinisilip sa ibaba. Nasa terrace ito. Tiningnan din ni Bell kung anu ang tinitingnan ng babae pero, di nya ito matanaw dahil may nakaharang na pader. Antagal bago umalis ng babae sa kinatatayuan, pero bago ito umalis ay ngumiti muna ito, sa pagkakatingin ni Bell. Paalis na sana si Bell sa bintana, ng may naaninag syang parang gumagalaw sa madilim na parte sa malayo kahelera ng kumukurap na bahay. Tinitigan nya itong mabuti, at nakita nya na parang sumasayaw, payat at matangkad na tao. Di nya makita ang mukha nito dahil walang ilaw at malayo. Di nya nalng din ito ulit pinansin at natulog nalang. Pahiga na sana si Bell ng may narinig syang kumakanta, na parang galing sa kanyang cellphone, chineck nya kagad ito pero wala namang tumatawag or nag tetext, at lalong hindi ganoon ang ringtone ng kanyang cellphone. Medyo na wirdohan na si Bell sa unang gabi palang nya sa lugar na iyon. Kaya ni-record nya sa recorder ang mga nakita at nangyari sa kanya nung gabi ding iyon.

Makalipas ng 3 oras. 2AM ng madiling araw ay naalimpungatan si Bell dahil parang may narinig syang malakas na ingay sa labas, sinubukan nyang sumilip sa bintana, at  laking gulat nya na walang kailaw ilaw at sobrang dilim ng paligid. Wala syang makita kahit isang liwanag ng ilaw sa labas. At di nagtagal may bigla nalang syang narinig na sumigaw na boses ng lalake .......  at mukhang  takot na takot.

EpilogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon