Interlude

211 9 0
                                    

 "WAAAAHHH"........ "WAAAHHHH" ......"WAAAAHHH"........ "WAAAHHHH" - Magkakaputol na sigaw ng lalaki na narinig ni Bell sa labas, kinabahan din sya dahil kakaiba ang sigaw nito na parang binabangungot o parang may nakitang nakakatakot. Pero sobrang dilim sa labas. Bumaba sya sa baba para tingnan kung anung nangyayari, pero di nya mabuksan ang pintuan, mukhang naka lock ito mula sa labas, kaya hinanap nya si Uncle George sa kwarto pero wala ito. Naisip nya na baka si Uncle George ang sumisigaw na lalaki. Sinubukan nyang isigaw ang pangalan ni Uncle George sa labas ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran na sobrang laki ng boses, at nung kanyang nilingon laking gulat nya na may Ulo ng tao na nakadungaw sa taas ng hagdanan. Mahimatay himatay si Bell sa nakita. May sinasabi ito sa kanya habang nakatitig pero di nya ito maintindihan masyadong malaki ang boses nito, di nya makilala ang muka nito dahil punong puno ng umanoy kulay puting pulbos. Tuloy tuloy lng ang pagsalita nito hanggang sa bigla nalng mabilis na umaakyat sa taas ang Ulo. Nahimatay nalang si Bell sa sobrang gulat sa nakita.

Nagising si Bell sa kwarto nung umagang iyon, bumangon kaagad sya at bumaba. Hinanap nya si Uncle George pero wala parin ito sa bahay, at naka lock parin ang pintuan, napalingon kagad sya sa kanyang likuran na baka andun ulit ang ulo sa hagdanan. Mukang panaginip lng ang mga nangyari sa kanya kagabi, pero ang pinagtataka nya ay bakit naka lock mula sa labas ng bahay ang pinto. Lumipas na ang araw, at hapunan na, pero wala parin si Uncle George. Buti at may nakahain itong iniwan at di naman nagutom si Bell. Lumipas na ang gabi ay wala parin si Uncle George, nagsimula ng magalala at matakot si Bell. Tinext nya si Ring at sinabi ang lagay nya sa bahay. Ilang oras pa, dumungaw muli si Bell sa bintana ng kwarto. Gaya kagabi, nag muni muni ulit si Bell sa kanyang mga problema, at medjo nakaka relax na sya sa lugar na iyon dahil sa sobrang tahimik. Bukas ang lahat ng ilaw ng bahay sa paligid di tulad dun sa tingin nyay panaginip nya. Habang nakadungaw ay nag rerecord si Bell, habang nagsasalita sa recording, nakita nya muli ang bahay sa bandang kaliwa na kumikislap kislap tulad kagabi. Medjo mabagal nung una, pero habang tumatagal ay bumibilis, pero sa pagkakataong to ay naging salitan. Bibilis, hihinto at babagal, medjo nagtataka na si Bell at inisip nya na baka may humihingi ng tulong mula sa bahay na iyon. Pero hindi sya makalabas dahil naka lock ang pinto sa baba at ang tanging pwedeng daanan ay ang bintanang kanyang sinisilipan.

Ni-rerecord nya ang kanyang mga sinasabi sa recorder kung ano ang mga nakikita nya nung gabi na iyon. Napalingon sya muli sa bahay sa harapan, at nakita nya muli ang babae na nakatingin ulit sa may bandang ibaba, tinawag nya ito, pero mukang hindi sya nito naririnig. Medjo matagal ulit nakatayo ito, at bago umalis ngumiti ito ulit katulad kagabi. Nagsimula ng matakot si Bell, at ni record nya muli ang kanyang mga nakita. Sa di kalayuan ay may napansin ulit syang matangakad na lalaki na parang sumasayaw, pero sa pagkakataong to medjo naaninag nya na ang itsura pero di ito sapat para malaman nya kung kilala nya ba ito o hindi, naka sumbrero ito na parang Magician at naka suot ng itim na damit at pantalon. Binalikan nya ang tingin sa Bahay na ang ilaw ay kumikislap, tuloy tuloy parin ito sa pagpatay sindi ng ilaw sa loob ng bahay at mukhang meron talagang gustong ipahiwatig. Nagsisimula ng maguluhan si Bell sa mga nangyayari sa lugar, kaya ang ginawa nya ay humiga at sinubukang matulog. Makalipas ng ilang saglit, ay nakatulog nalang si Bell.

Nagising sya sa isang tunog, tiningnan nya ang kanyang cellphone pero wala namang miss call o text. Sinilip nya ang labas at nagulat nanamn sya na sobrang dilim, wala syang maaninag na kahit ano sa labas, parang katulad kagabi. Natatakot na si Bell sa nangyayari, naisip nya na baka mangyari ulit sa kanya ung nangyari sa kanya kagabi. Tinawag nya si Uncle George mula sa kwarto nya pero laking gulat nya ng pagtingin nya sa baba ay walang kailaw ilaw, nagsisimula ng manginig ang mga tuhod ni Bell, hindi na maganda ang mga nangyayari sa kanya. Papasok na sana sya ng kwarto at isasara ang pinto ng may marinig sya sa hagdanan, may paakyat, tinawag nya ang pangalan ni Uncle George, pero hindi ito sumasagot, tuloy tuloy lng ang pagyabag nito sa hagdanan paakyat. Tinitigan ni Bell ang kadiliman ng hagdanan, at naaninag nya ang umaakyat, ilang saglit pa'y nakita nyang gumagapang ito paakyat ng hagdanan, nakaputi, mabagal ang pangapang nito pero malakas ang pag hampas sa hagdanan. Nagulat si Bell kya't sinara nya kaagad ang pinto. Sa sobrang takot ni Bell, kinuha nya ang recorder at habang takot na takot ay nagsasalita sya rito. Malakas parin ang pagyabag ng umaakyat pamunta sa kwarto ni Bell. Sinubukan nyang tumingin sa Bintana na baka sakaling makahingi ng tulong, at laking gulat nya na hindi na madilim sa labas. Pero iisang bahay lng ang nakikita nyang may ilaw, ung may kumikislap. Sinigawan nya ito ng tulong.

Bell: Tulong!!!!! tulungan nyo ko, may taong nakapasok dito !!! tulong!!!!!! Hindi ako makalabas tulong!!!!

Pero walang lumalabas sa bahay, tuloy tuloy lang ang pagkislap ng ilaw nito sa loob. Napalingon si Bell sa kaharap nilang bahay na may nakatirang babae. Nakita nya ito na nakatingin na sa kanya, kaya't sinigawan nya ito.

Bell: Tulong!!!!! Ale, kung sino ka man tulungan mo ko, may tao na nakapasok dito, tulong!!!! Hindi ako makalabas... tulong!!!!

Ang Malakas at maiyak iyak na sigaw ni Bell sa babae.Pagkatapos nyang sigawan ito, narinig nya ang pinto sa kanyang kwarto na bumukas, nilingon nya ito. Sinilip nya ang labas ng kwarto at may naaninag syang nakatayo at may sinabi sa kanya.

?: Umalis ka na..... Umalis ka na..... Umalis ka na..... Umalis ka na..... Umalis ka na..... Umalis ka na..... (maungol ungol na salita nito)

Bell: Ano?

Malitolitong tanong ni Bell, napalingon ulit sya sa katapat nilang bahay at laking gulat nya na kakaiba ang tayo ng Babae, at mas lalong nagulat si Bell ng tumalon ito patungo sa Bintana nya, antaas nito tumalon at umabot kagad sa bintana ni Bell, buti nalang at naisara kagad ni Bell ang pinto ng Bintana. Hindi tao ang babae sa katapat nilang bahay, nakita nya na duguan ang bibig nito at nanlilisik ang mga mata at namumutla ang mukha. Takot na takot na si Bell, kaya't kinuha nya ang kanyang cellphone para tumawag kay Ring at humingi ng tulong, pero bago nya makuha ang kanyang Cellphone nakaramdam ng panghihina si Bell, at bigla nalang syang nahimatay.

Nagising si Bell. Pero hindi sa kanyang kwarto, nakahiga sya sa isang kamang malambot at may dextrose na nakatusok sa kanyang kamay.Mukang na isa syang Ospital, gulat na gulat si Bell kung pano syang napunta sa lugar na iyon. Nakita sya ng Nurse na nagising kaya't tinawag nito ang Doctor. Nang dumating ang Doctor ay kinausap sya nito.

Doctor: Mabuti at nagising ka na, ilang linggo ka ng nandito sa ospital... kumusta ka na? anu na nararamdaman mo Priti?

Bell: Ok lng ho ako, pero ....  di po Priti pangalan ko ...  ako po si Bell.

Doctor:  Hmmmm.... Imposible, may ID kaming nakuha sa iyo at ang nakapangalan dito ay Priti Reyes at kamukang kamuka mo ang nasa litrato, walang duda,  maliban nalang kung nagbago ka ng pangalan.

Bell: Hindi po, nagkakamali po kayo. Ako po si Bell, dati ko pong kasintahan ang tinutukoy nyong si Priti.

Doctor: Well, tingnan mo ang itsura mo sa salamin para malaman mong nagsasabi ako ng totoo.

Sobrang gulat na gulat si Bell ng tumingin sya sa salamin.

Bell: Hinde, hinde.. hinde.. paanong nangyare ito?.. hinde..!!!!!!! ( pasigaw na salita ni bell habang umiiyak )

Mukha ni Priti ang nakikita nyang mukha nya sa salamin.

EpilogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon