YD: Chapter 3

710 21 0
                                    

*Daniel's POV*

Monday ngayon, iniwan ko muna si Baby Sky sa kapitbahay namin na matanda

sa kanya ako nagpapatulong pag hindi na matigil kakaiyak si Sky.

Nandito kami ngayon sa Room. Inaantay ang First Subject, 6 minutes na siyang late. So pag naka-10 minutes na siyang late uwian na.

Gusto ko na rin namang umuwi para mabantayan ang anak ko.

Sa pinakadulo ako. Wala akong katabi kaya nakakaboring walang mapagtripan.

At dahil Bored ako nag sound trip muna ako

"And we can build this dream together

Standing strong forever

Nothing's gonna stop us now

And if this world runs out of lovers

We'll still have each other

Nothing's gonna stop-----"

"Shit ano ba yun?"

"Ayan na si Miss." Sabi ng nerd kong classmate

"Tss"

Yumuko nalang ako, at nakinig. Di naman ako kita dahil nasa likod ako

"Good Morning Class, May Transfery tayo ngayon. Dati na rin siyang estudyante dito sa eskwelahan na ito. Pero tumigil siya dahil sa medyo private na dahilan. Gusto kong maging mabait kayo sa kanya ka?" Sabi Ni Ms. Santos

"Pumasok ka na Ms. Kathryn Bernardo"

Nagbubulungan ang mga classmates ko

"Ang angas niyang tignan"

"Seryoso yung mukha pare pero maganda"

"Parang sadista"

Sadista?

Kathryn Bernardo?

Parang alam ko yung pangalan na yun ah?

Saan ko nga ba narinig?

"Kathryn, Kathryn Bernardo. Wag mong kakalimutan ah?"

Napaangat ako ng ulo para tiganan kung siya nga

Tama ang hinala ko! Siya yung sadistang babae.

Ang weird, hindi siya nangiti. Samantalang nung nakita ko siya nun nakangiti siya lagi? Nakakatakot siya

Nakatayo siya sa unahan at parang may hinahanap

Nagtama ang mata namin at ngumiti siya.

"So, Siya si Kathryn Bernardo. She will be joining our class starting today."

"Hi" walang emosyon na sabi niya

"So may gusto ba kayong itanong sa kanya?" tanong ni Ms. Santos

"Maam--"

"No more questions"

Tss, nagtanong pa -_-

"Ok, Let's see. Umm. The best seat for you is---"

di niya na pinatapos si Ms. Santos at dere-deretchong umupo sa tabi ko.

Nginitian niya ako, at humarap ulit sa unahan. Ayan nanaman ang mata niyang walang emosyon.

nagbulungan nanaman sila

Young Dad (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon