«1»

1 0 0
                                    


Noong una kitang makita
Labis ang aking paghanga
Para akong nawalan ng malay
Noong lumingon ka't kumaway

Tinuro ko ang sarili ko
Naninigurado kung ako ang tinutukoy mo?
Ngunit paglingon ko
May kumakaway din pala sa iyo

Para akong tanga na umaasa
Na akala ko'y ako na
Ngunit iba pala
Kaya't ako nalay natawa

Lumipas ang mga panahon
Binigyan tayo ng pagkakataon
Kinilala natin ang isa't-isa
Inalam ang bawat detalye na para bang ine-imbestiga

Naging magkaibigan tayo
At lumipas ang panaho'y nahulog ako sayo
Pero sabi mo hanggang kaibigan lang tayo
Wala akong nagawa't tinanggap ko

Nasaktan ako sa sinabi mo
Pero ayun naman talaga ang totoo
Salamat sa presensya mo
Dahil kahit pansamantala ikaw ang naging inspirasyon upang lumaban ako.

Random PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon