Noong una kitang makita
Labis ang aking paghanga
Para akong nawalan ng malay
Noong lumingon ka't kumawayTinuro ko ang sarili ko
Naninigurado kung ako ang tinutukoy mo?
Ngunit paglingon ko
May kumakaway din pala sa iyoPara akong tanga na umaasa
Na akala ko'y ako na
Ngunit iba pala
Kaya't ako nalay natawaLumipas ang mga panahon
Binigyan tayo ng pagkakataon
Kinilala natin ang isa't-isa
Inalam ang bawat detalye na para bang ine-imbestigaNaging magkaibigan tayo
At lumipas ang panaho'y nahulog ako sayo
Pero sabi mo hanggang kaibigan lang tayo
Wala akong nagawa't tinanggap koNasaktan ako sa sinabi mo
Pero ayun naman talaga ang totoo
Salamat sa presensya mo
Dahil kahit pansamantala ikaw ang naging inspirasyon upang lumaban ako.
BINABASA MO ANG
Random Poems
PoetryHindi man ako kasing galing ng mga iniidolo ninyong gumagawa ng tula. Hindi man kasing ganda ang nagawa ko sa kanila. Hindi man kasing talino ng isipan ko ang iniisip nila. Isa lang ang masasabe ko........ SANAOL.