Apostle1

15 6 0
                                    

5 year's later......

Umuulan ng makarating si Gavreel sa School sakay sa kanyang itim na kotse. Pinakita nya lang sa guard ang ID nya ay pinadiretso na sya sa parking lot.

Bumaba sya at kinuha ang lahat ng kailangan nya.

Naka porma sya kahit naka uniform sya at binatilyo kita sa kanyang tindig ang magandang hubog ng katawan nya at lalo pa syang gumwapo. Ay ilang babae ang nag aabot sa kanya ng regalo subalit hindi nya tinatanggap at madalas ay sinasabe nya na wala pa syang oras sa ganung bagay.

Kilala si Gavreel bilang isa sa pinaka matalino at gwapong estudyante ng Archangel Academy maliban dun ay kilala din sya bilang lider ng isang unusual na club kaya ang iba ay na wewerduhan sa kanya.

Dumating sya sa room nila at nilapitan sya agad ng isa sa kaibigan nya na si Peter at mga pinsan nya sila James at Jaime

"Dre buti nakahabol ka muntik ka na malate " saad ng kaibigan nya

"Sabi naman sayo couz lumipat ka na sa dorm namen ni Jaime para mabilis ka makarating dito" saad ni James

"Eh pag iisipan ko, kakausapin ko si Dad tungkol sa bagay na yan, first day ngaun ano plano nyo? " saad ni Gav

"Baka mag mall na lang kami at sumama ka naman samen, last time sumama ka andami nameng nameet na babae kaya please!!! Sumama ka ulit" saad ni Peter dito

"Ano kasi baka this time may sumali na sa club sayang naman ung chances " saad ni Gav sa kaibigan

"Alam mo couz kung anong pogi mo sya namang kinawerduhan ng trip mo" saad ni Jaime

"Oo nga seryoso ka? Paranormal in this modern days? " saad ni James

"Eh hindi naman kasi trip to, seryoso ako. Dali na sumali na kayo at samahan nyo na lang muna ako sa pag recruit ng members " saad ni Gav

"Sige payag kami basta sasama ka samen everytime may gala kami, so deal o no deal? " saad ni Peter sa kanya

"Sige, payag na ako basta tulungan nyo ako ah, last year pa gusto Idissolve ng Student Government ang club ko kasi wala naman raw nasali sayang ung budget. Pero ang liit lang naman nung binibigay nila" sabi ni Gav at natawa sa kanya mga kasama nya

Nasa ganung sitwasyon sila ng makaramdam si Gav ng pag-init mg likod nya kasabay ang pagpasok ng 2 magkamukhang binata. Napatingin si Gav lalo sa kamay ng bagong dating. Nagliliwanag ang mga ito

"Oh Gav napatitig ka sa kanila, kilala mo ba sila? " saad ni Peter

"No, but I think I need them to join my club" saad ni Gavreel

"What? Eh transferee ang mga yan. Pano mo sila mapapayag na sumali sayo? " saad ni Jaime

"Ako bahala, sa likod naten may free chairs kaya mapapadali ang pagkausap sa kanila " saad ni Gavreel na may confidence.

Habang naglalakad palapit, ay napansin ni James ang pagtitig ng isa sa kambal sa pinsan nyang si Gavreel kaya tumayo ito

"Bakit ganan ka makatingin sa pinsan ko? May problema ba? " biglang tanong ni James kaya napatingin ang lahat sa kanya.

Pero sa halip sagutin ay tiningnan lang sya nito at nilampasan kaya hinawakan nya ito sa balikat subalit biglang natigilan ito at napabitaw

"Bakit ba ang init ng ulo mo agad James, wala naman ginagawa sayo ung bago ah, ikaw talaga susumbong kita kila tito, umayos ka" saad ni Gavreel subalit hindi sya pinansin ni James na kasalukuyang naka titig sa sahig.

Nagtataka naman tuloy sya at ang kasama nya

"Ah guys iihi lang ako, dyan muna kayo. Sabihin nyo sa adviser naten na umiihi lang ako ok?! " saad ni James at dali-dali itong lumabas

The Exorcist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon