Graduating U

37 7 5
                                    


Title: Graduating U
Word Count: 850 words
Genre: Teen Fiction

Disclaimer:

This one-shot story is a work of fiction. Any resemblances to any names, places or events is purely coincidental.

Do not distribute without the permission of the real author. Plagiarism is a crime.

Enjoy Reading!



----*




I checked my phone for the nth time today. Lumitaw ang memory sa facebook from a few years ago.

On this Day...
Nolan Dela Franco is with you.

The caption says,

Own race, own pace

Sa litrato ay dalawa kaming nakatoga ng asul, magkaakbay at nakangiti habang nakatingin sa camera. Parehas pa kaming may dalang bulaklak sa isang kamay. It was our graduation day.

I was named after a Hebrew word Asher, meaning fortunate or lucky. Sa totoong buhay, hindi ako ganoon kaswerte.

"Tagliata with Arugula and Spaghetti Marinara tapos-" She pat my hand resting on the table. Ibinaba ko kaagad ang kamay kong may hawak na phone saka ko itinaas ang isang kilay.

"Anong drinks? Champagne?" Umiling agad ako saka tiningnan ang waiter sa gilid namin.

"Water lang sa 'kin." Sumimangot si Cirila saka nag-order din ng tubig.

This is one of the blind date my mother obliged me to come to so I can finally get married. I am still in my early thirties pero dahil tumatanda na ang magulang ay gusto na agad palakihin ang pamilya.

I just hope someday when I'm older, I'll see this moment as something funny. Isang phase kung saan lalagpasan ko lang kasi kung hindi ay hindi ko yata kayang mabuhay nang ganito lamang. It is exhausting.

I am gay. Mahirap iyon kung alam ng iba pero mas mahirap kung ikaw lang ang nakakaalam. May isa pa palang taong nakakaalam.

"Pagkatapos mawala ng tatay mo, ikaw na lang ang inaasahan namin. 'Wag ka muna sanang maggigirlfried. May tiwala naman ako sa 'yo pero sana ay alam mo din ang mga priority mo." Sabi ni Nanay habang inilalagay ang mga gamit ni Tatay sa kahon.

Ako ang panganay. Kaisa-isa ding lalaki. Second year ako nang mamatay si Tatay. Sobrang sakit noon sa amin lalo na at hindi inaasahan. Buti na lang at may kaibigan akong masasandalan.

Nolan was my bestfried since elementary. Parehas naming hilig ang mga movies kaya nagkakasundo kami. I can't remember how it started but I can't forget how it ended.

Umakyat ako sa stage nang tawagin ang pangalan ko. Sumunod din si Nanay at nakipagkamayan sa mga teacher bago kami sabay na ngumiti sa camera. Tumatawa si Nolan nang matanaw ko sa gilid namin. Agad ko siyang binatukan nang makababa kami doon.

"Doon na tayo sa likod. Wala ka naman ng award eh." Binatukan ko siya habang kinakagat ang medalyang nakasabit sa leeg ko.

"Ang yabang mo porque pabida ka sa klase." Kumuha siya ng bulaklak muoa sa mga disenyo sa gilid namin saka niya inabot sa akin. Inamoy ko iyon at inihampas sa kaniya.

"Hati tayo. Kawawa ka naman walang nagbibigay sa'yo." Hinila niya ako sa likod ng stage.

"Dito tayo. Masyadong maraming tao doon."

Nang mapag-isa kami ay inilabas ko ang maliit na box mula sa bulsa ko.
"Oh!" Tumama ito sa dibdib niya. Nakakunot ang noo niya akong tiningnan.

"Relo. Mumurahin lang iyan. Hindi ka naman ganoon kaimportante." Biro ko. Nanginig ang kamay niya nang sinubukan niyang isuot. Tinulungan ko siya.

"Wala akong regalo eh...pero may sasabihin sana ako sayo." Hinarap ko siya nang maayos atsaka ako sumandal sa pader.

"Baka huli na din nating pagkikita syempre kasi sa Manila ka na. Gusto kong gamiting 'tong opportunity na 'to para sabihing-"

"Ano?" Tanong ko nang bigla siyang tumigil. Tinitigan ko siya sa mata nang mapansing parang kumikinang iyon. Tumawa siya. Kinagat niya ang kaniyang labi bago nagpatuloy.

"I love you."

Napatigil ako saglit. Yumuko ako nang hindi ko kayanan ang mga mata niya sa akin.

Naisip ko ang lahat ng pinagsamahan namin. How close we were. How we talk about our ideals in girls. What we will be like when we grow old. How we promised to always find time for each other to catch up dahil magkaiba kami ng pangarap. He will stay here and I will study in Manila.

"Sorry. Alam kong mali kasi magkaibigan tayo. Please don't hate me for being...me. Ngayon ko lang din 'to aaminin sa sarili ko dahil ngayon lang din ako naging sigurado."

"Gusto ko lang sabihin sa'yo since graduation na. I-I don't expect anything from you. Hindi ko alam kung assuming lang ako but I feel like there's something. I'm sorry kung nilagyan ko ng meaning. Asher."

My name doesn't sound the same in his lips now.

"I'm gay." Napapaos niyang sabi.

"I know...I" Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang nag-iisip ng mga tamang salita.

"I loved you too."

Umayos ako ng tayo nang makita kong napatigil siya. Tears was rushing down his face. Mariin akong pumikit.

"But I can't anymore. Gusto ni Nanay na mag-asawa ako...magkaanak. Gusto niyang maging successful ako balang-araw. I'm sorry but I have my responsibilities. Ako na lang ang lalaki sa pamilya at...ayaw kong mabigo si Nanay." Pinalis niya ang mga luha bago marahang tumango.

Tinapik niya ang balikat ko saka tumalikod.

"Graduate na ako." He tried to sound cheerful but he failed.

They said the love that did not die a natural death will be immortal.

They were right.









-

Graduating UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon