Pag katapus ng araw na yun ay hindi na ako nag lakas loob na lumapit uli sa kanya. Hindi na niya aako kinakausap, lumipat na rin siya ng upuan . Mag isa na naman ako.
Nakakamiss pala kapag may nangungulit sayo.Umupo na ako sa aking upuan habang pinapanood ang mga kaklase kong nag lalaro ng kasal-kasalan. Itinabi pa nila ang mga upuan sa unahan para mag ka space sila sa pag bwelo sa pag talon.
Dahil nga nasa second floor ang room namin, yumayanig ang buong sahig kapag tumatalon sila.
Wala kasi kaming klase ngayn dahil nga may biglaang meeting ang mga titser namin.
Napaka ingay nila gusto ko sana matulog. Nakalumbaba lang ako habang nanood sa kanila.
Nadapo ang akin tingin kay Edward, nakatitig siya sa akin, hindi ko alam kung bakit siya nakatitig sa akin, ng makita niya na nakatitig ako sa kanya ay agad siyang umiwas ng tingin sa akin at muling nakitawa sa mga iba naming mga kaklase. Ang weird niya talaga. Weird naman talaga siya. Muli ko na lang pinaood ang mga kaklase naming nag lalaro. Ang taas na ng tatalunin nila.
"Gusto mo ba sumali sa laro nila?" Bigla akong napatingala at nagulat ng makita si Edward.
"Wala akong partner." Walang buhay ko na sagot sa kanya.
"Partner tayo." Alok niya sa akin.
"May panyo ka ba?" Tanong ko sa kanya, kaylangan kasi ng panyo ang pares sa kasal -kasalan.
"Meron." Wika niya sabay abot ng panyo niya sa akin. Pag kuha ko ng panyo niya ay agaad kong inamoy ito para siguraduhin na malinis yun, mamaya may sipon pala yun.
"Ang bantot naman ng panyo mo!" PAg eetarte ko sa kanya, pero ang totoo ay mabangon ang panyo niya.
" Ang arte mo naman, amina nga yan halika na sasali na tayo," Hinablot niya ang panyo sa akin sabay hila sa akin papuntang unahan kung saan nag lalaro ang mga kaklase namin. "Hoy sasali kami si Cassandra ang patner ko!" Sigaw ni Edward.
"Sa bilang kong tatlo, liligawan kita
," Wika ni Edward sabay takbo."Ano?" Hindi na niya ako sinagot dahil tumalon na kami upang lagpasan ang mga taya.
"Nataya tuloy tayo," Bulalas ni Edward at saka tumingin sa akin, sinamaan ko siya ng tingn sabay sabing.
"Mag patuli ka muna!"
BINABASA MO ANG
Elementary Series #17: Kasal-Kasalan(Completed)
HumorElementary Series By RM Publishing Writers Kasal-Kasalan By: Jaychan_ace Start: April 5, 2021 End: April 5, 2021