Chapter 9 - Gitara

547 10 1
                                    

Hi there! First update of the year 2013. Hopia still Like this chapter. Ngayon pa lang, Korni pa din ang isang ito. Oh, Lagi naman diba? Huwag ng magtaka. XD

~YumRed

VOTE.COMMENT.BE A FAN

Ariza’s POV

Anong coach itong pinagsasabi ni Marcus? Yeah, Siya lang naman yung sinabi kong Guwapong nilalang. Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya ah.

“Anong coach?”

Ngumiti siya. “So, hindi pa pala sinasabi ni Ace ang tungkol dito, Huh?”

“Malamang. Kaya ko nga tinatanong sa iyo, di ba kasi hindi ko alam! Tss.” Ang maldita ko no? Gayang-gaya si Ace. Pero joke lang iyan, Hindi ko naman kayang sabihin iyan sa isang Lalaking mukhang mabait. Pero kung si Ace, ganyan ang sagot ko.

“Hindi pa eh.” Iyan ang sinabi ko. Mukhang angelic ang Peg ko diyan eh.

“I see. Kailangan kasi ng mga Coach o trainers ng isang New Student sa loob ng Dalawang Buwan. Sa loob ng 2 buwan na iyon, Kailangan ng isang coach na tulungan ang isang Student na mag-improve ang kanyang mga Talents.”

Tumango ako with matching ‘AHA’ Looks. “Eh Bakit ikaw?”

“Nagkataon kasing ako ang naka-assign sa mga Stars ngayon eh, Ayaw mo bang ako?”

Ngumiti naman ako, “Hindi ah. Eto naman.”

Ngumiti din siya. So, Ngiti festival ba ngayon? Sus. Kung merong festival na ganun, Buti at wala si Ace dito. Panira iyon ng Mood eh.

Tumingin-tingin si Marcus sa gilid. Sabi ko eh, Talagang mukhang Museum ito. Pasyalan lamang ata.

Finally, Nakita niya ang gitara na naka-display lamang diyan. Last kasing ginamit ko iyan eh noong Na-wrong move ako. Feeling ko, Di kami match ng gitarang iyan eh.

Tinuro ni Marcus ang gitara, “Sa iyo ba itong Gitara?”

Umiling ako, “Ah.. Hindi. Wala pa kasi akong nabibiling gitara kasi.. Ang totoo niyan, Wala akong time bumili.” Ang totoo, Tinatamad ako. Nahihiya naman ako para sabihing Tinatamad ako.

“Ah.”

“Kailangan na ba?”

“Hindi pa naman ngayon. Puwede mo pa namang gamitin itong gitarang nandito. Pero I recommend you to Buy your own miss.”

“Ahh. Marcus?”

“Yes miss?”

“Puwedeng huwag mo na akong tawaging Miss?”

“Sure.” Lumapit siya sa akin kaya napaurong ako kaunti, “Ano ba gusto mong tawagin ko sa iyo? MRS.?”

Nagulat lang ako sa sinabi niya. “Hahaha! Just Kidding Ariza.”

Grabe din siyang mag-joke nuh? Walang kinabukasan. Tss. Pasalamat siya at Hindi ko kayang magawa sa kanya ang nagagawa ko kay Ace, eh.

“Ah. Alam mo, Nakakatawa yang JOKE mo.” At sabay inirapan siya.

“Nakakatawa? Hindi ba nakakakilig?”

Bakit ganun? Napatigil ako. Nung sinabi niya yung word na ‘Kilig’

Mr. & Ms. A [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon