Umupo na ulit si Sean saka tumingin sa amin. Tapos na kaming kumain.
Naghihintay lang kami sa kanyang sasabihin.
"Sino pong tumawag?."
Napatingin sa akin si Sean.
"Sila mommy kinakamusta ako.''
Natigilan ako at nanigas. Shit! Sana ready na akong harapin ang parents nya.
"Gusto sana ni mommy bumisita at makilala kayo pero sinabi ko na tatanungin muna kita. Okay lang ba sayo?."
Huminga akong malalim "Mukhang kahit kalian ay hindi ako magiging ready pero kailangan ko maging matapang para Kay Andrea."
Ngumiti sya sa akin. "Kaya lalo kitang minahal."
Natawa ako. At tumingin Kay Andrea na inonsenteng kumain.
Lalaban si mommy para Sayo anak.
nang matapos si Andrea sa pagkain ay binuhat na sya ni Sean papuntang kwarto para patulugin.
Niligpit ko naman ang mga pinagkainan.
nang matapos ako sa paghugas ay pumasok na ako ng kwarto.
nasa iisang kwarto ni andrea kasi ayaw nya sa kwarto nya pati si sean dito narin nakitulog.
sa sofa si sean natulog at kami ni andrea sa kama.
Bilib din ako kay sean kasi nagawa nyang magpagpigil lalo sa tungkol sa kasal. Nirerespeto nya yun.
Nagjoke pa ako sa kanya na baka maghanap sya ng iba.
Reaksyon nya? Nagalit sya kaya nagsorry ako. Ibang klase.
Kinakabahan ako pagnaiisip ko ang pagdating ng magulang ni Sean.
Ayaw ko masaktan si andrea kung sakali di sya gusto ng magulang ni sean. Mas mabuting ako lang ang masaktan kaysa kay andrea na bata pa. 10 years old lang anak ko. Nasasaktan ako pag nakikitang nasasaktan sya. Mas okay lang na ako masaktan.
Lumipas ang mga araw bago kami magkita ng magulang ni Sean. Mas kinakabahan ako.
Kaya tinawagan ko sila mommy upang bantayan at samahan muna si Andrea.
"Salamat po. Mommy."
"O sya basta pag di maganda ang page-uusap tumawag ka agad."
"Opo. Kasama ko naman si sean."
"Mag-iingat din kayo. Papunta na kami diyan."
"Mag-ingat kayo mommy." Binaba ko na ang phone ko.Natawa si sean kaya napatingin ako sa kanya na may pagtataka.
"Sorry. Wag ka kasi kabahan. Wag maging nega. Wala pa tayo sa restaurant."
"Hintayin muna natin sila mommy na dumating dito para bantayan at samahan si andrea."
Lumapit naman ako kay andrea. Hinalikan sya sa pisngi.
"Baby aalis muna kami saglit. Kikitain lang namin parents ni Tito Sean. Papunta na dito sila lola."
Tumango sya at pinigilang maiyak kaya niyakap ko sya.
"Bakit umiiyak ang baby ko? Hmm?."
"Sana po di sila bad like others. Pero kung bad po sila. Kuntento na po ako sainyo ni Tito Sean saka sina Lola at lolo po. Mahal at Masaya na po ako sa inyo.""Awww baby. Masaya din kami na kasama ka Namin. Mahal ka din namin." Niyakap ko ulit sya at sumali din si Sean. Napabitaw kami ni Sean Kay Andrea nang may narinig kaming sasakyan. At pumasok na sila mommy.
"Lolo! Lola!." Ngumiwi sila mommy. Ayaw kasi nilang tinatawag na lolo't lola masyado pa daw silang bata para tawaging ganun. Natawa kami saka lumapit.
"Yehey! Toys! Food!" Masayang sabi ni Andrea sa pasalubong. Napailing nalang ako.
"Alis na po kami my." Yumakap sila sa akin pati si andrea.
"O mag-iingat kayo."
"My! Buy food after!."
"Oh anak. Bibili kami ng paboritong food basta good girl."Lumabas na kami ng condo at sumakay ng kotse.
"Relax." Sabi ni Sean.
Pinipilit kong kumalma ang sarili pero di parin mawala ang negative thoughts.
Kailangan kong maging matatag at matapang para kay andrea.
Di nagtagal ay dumating na kami sa restaurant.
Nasa loob na din ang parents ni Sean.
Intimidating ang tingin ng nanay niya.
Mas lalo akong kinabahan sa tingin ng nanay.Sean squeeze my hand bago kami pumasok ng restaurant. Giniya kami ng waitress sa table namin.
🎯UNDENIABLYMARIYA🎯
YOU ARE READING
FIGHT FOR YOU (COMPLETED) ✔
Teen FictionPeople judge her without knowing her side. When He came in her life. Shelly thought are she ready to fight the love? Are Sean Ready to Fight for his love towards Shelly? [Completed] STARTED : DECEMBER 29, 2020 END : MAY 26, 2021