Unang kabanata

6 1 0
                                    


Unang kabanata

Nakatingin ako sa orasan ng kwarto na ito. Ilang minuto na lang ay GMRC na namin at makakapanood kami ng Hiraya Manawarin. Lahat kami ay paborito ang subject na yon dahil doon lang oras na nakakanood kami.

"Sa wakas! Dali na ayusin na natin ang upuan natin. Paniguradong nandyan na si Ma'am." sigaw ni Joshel  na siyang Presidente namin.

Kung hindi namin aayusin ang upuan ay hindi makakanood ng mabuti ang mga nasa likod kaya napipilitan silang tumayo at iba naman ay umuupo sa arm chair na siyang ayaw ni Ma'am. Kaya gagawin na lang namin letrang U para lahat ay makanood ng maayos.

Naupo na kami ng masilip na parating na dito si Ma'am hawak ang bag nito at isang libro. Lumapit ang ilang boys at kinuha ang gamit na dala nito. Idinala nila ito sa teachers table.

Sa kaliwang bahagi ako nakaupo kaya naman malaya kong nakikita ang mga taong naglalakad sa labas at napapanood ang paglalaro ng estudyante sa kabilang seksyon. Haharap nasa ako sa unahan ng makita ko ang pagdating niya. Natingin siya sa akin habang may mapaglarong ngiti sa labi niya.

"Sinong tinitignan mo dyan Bella?" napatingin ako kay Ivan sa tanong niya. Sinundan niya ang lugar kung saan ako nakatingin kanina pero wala ng tao doon.

"Pinapanood ko lamang yung mga estudyanteng naglalaro sa labas. " sagot ko na lang.

Hinanap ng mga mata ko ang lalaki at nakita ko itong naglalaro ng volleyball kasama ang ibang niyang kaklaseng lalaki.

"Kung makatingin ka kasi kanina ay parang galit ka. Nakakunot ang noo mo, nakataas ang isang kilay mo at pantay ang mga labi mo." paliwanag niya.

Magsasalita pa sana ako ngunit nadinig na namin ang pagsisimula ng panood. Sinabayan nila kanta na siyang intro bago magsimula ang panood kaya naman itinutok ko na roon ang mata ko. Tahimik ang klase at walang nagtanggang mag-ingay.

Kasabay ng pagtatapos ng panood ay siyang magtunog ng kampana ng eskwelahan. Hudyat nito ay pagtatapos ng klase sa araw na iyon. Umalis na ang guro kaya naman nanatili kami sa aming upuan habang hinihintay ang aming adviser.

"Pwede ng umalis ang iba at maiiwan naman ang mga cleaners sa araw na ito." saad ni Ma'am kaya nagpaalam na kami sa kanya at umalis.

Pumunta ako ng palaruan at nakita ko na kakaunti lang ang mga bata na roon. Ibinaba ko ang bag ko sa damuhan at kinuha ang isa kong libro. Nakahiligan ko na ang pagbabasa sa Filipino book dahil maraming alamat na maaaring mabasa doon. Nasa kalagitaan ako ng pagbabasa ng biglang may tumabi sa akin. Yung bago salta.

"Bakit iyan ang binabasa mo? Kung gusto mo pwede kitang pahiramin ng story book ko. Mas maganda iyon kesa dyan sa binabasa mo." sabi niya.

Itinuloy ko ang pagbabasa at hindi pinansin ang presensya niya. Sino ba siya sa akala niya para pakealaman ako. Mayaman siguro sila kaya ganyan na lamang siya makapagsalita.

Dinig ko na Daffel Hunks Dela Cuesta ang pangalan niya. Hunyo ang simula ng klase ngunit ngayon hulyo lang siya pumasok. Pinaguusapan siyang mga babaeng kaklase ko noong isang araw at maging ang mga pinsan ko. Mayaman raw ito sapagkat ang Nanay niya ay doktor samantala ang tatay ay nagtatrabaho sa malaking kompanya. Kung ganoon naman pala bakit sa public school siya nag-aaral?

"Ako nga pala si Daf--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Kinuha ko ang bag ko at ibinalik roon ang libro.

"Bakit ba ang sungit mo sa akin? Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo. " inis na sabi niya.

Hindi pa ako nakakalayo sa kanya. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Nakita ko na nakatingin na rin ang ibang estudyante sa amin. Kalalaking tao ang lakas ng boses dinaig pa ako.

"Bakit naman kita kakausapin kilala ba kita?" balik na tanong ko sa kanya.

"Kaya nga ako nagpapakilala sayo di ba?" sabi niya habang lumalapit sa akin.

"Kaya nga ayuko na magpakilala ka sa akin kasi ayaw ko na makausap ka." saad ko sa kanya at umalis na.

Imbes na tigilan ako ay kinuha niya ang bag ko. Sa pagmamadali ko kanina hindi ko na isinabit ang bag ko sa balikat ko. Binuhat ko lang yun kaya naman ngayon madali niya iyon nakuha.

Tumakbo siya papunta ng gym kaya naman heto ako sinusundan niya. Bwusit naman talaga.

"Ano bang trip mo? Napaka-epal mo at ksp. Akin na nga yang bag ko." inis na sabi ko sa kanya. Hindi ako pwedeng sumigaw dahil tiyak na makakakuha kami ng atensyon galing sa ibang estudyante. "Ano bang gusto mo ha?" dagdag ko.

Ngumiti siya. "Pagpapakilala ka o hindi ko ibibigay itong bag mo." sigaw niya kaya naman napatingin sa amin ang ibang naroon.

Sa dinami dami ng estudyante dito ako pa napagtripan niya. Nakakainis. Humanda talaga siya akin. Lumapit ako sa kanya at hinila siya.

"Uy tyansing ka ha! Sabi ko magpakilala ka lang. Ikaw ha pakipot ka lang ata kanina eh." hindi ko siya sinagot.

Hinila ko hanggang makabalik kami sa palaruan. Wala ng tao roon kaya nakahinga ako lalo ng maluwag. Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masama.

"Yssabella Kin Monestrio. Grade 6 section A." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya ng marinig niya yun.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya pero laking gulat ko ng ibigay niya ang kamay niya. Hinila ko ang kamay ko ngunit pinagsiklop niya na ang mga kamay namin. Nanlaki ang mga mata ko.

"Daffel Hunks Dela Cuesta at your service. Grade 6 section B." pakilala niya. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi iyon masakit ngunit sapat na para hindi ko mahila ang kamay ko. Kung pipilitin ko naman na hilain ang kamay ko tiyak na roon ako masasaktan. "Tara kain tayo, libre kita." sabi niya at hinila ako.

Kaya imbes na mainarte at hilain ang kamay ko ay hinayan ko na lamang siya sa gusto niya. Nagbaba ako ng tingin dahil pansin ko na ang nga mata na nakamasid sa amin.

Huminto ako sa paglalakad kaya naman natigil rin siya. Hinila ko ang kamay ko dahil sa pagkabigla ay nabitawan niya yun. Napatingin ako sa kanya at hindi niya inaasahan ang sunod kong ginawa.

Simula pa noong unaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon