Kabanata 3

4 1 0
                                    


Pagbubuksan na sa ako ni Manong Berto ng pinto pero binuksan ko na ang nasa harapan. Nahihiya kasi ako. Hindi naman niya ako amo para sa likod ako sasakay.

"Sa likod ka na sumakay Anak." sabi niya. Sinarado niya ang sa harap at tinuloy na binuksan ang likod.

Wala na akong nagawa ng pumasok na siya sa driver seat. Bago pa ako pumasok ay pansin ko ang mga mata ng mga tao.

"Ilang araw ka lang hindi pumunta sa mansyon pero mas lalo kang gumanda Anak. Ang linis mong tignan sa suot mong uniporme." sabi ni Manong Berto.

"Bakit Tay Berto? Marumi ba ako sa tuwing pumupunta sa Mansyon?" ngiti kong tanong sa kanya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Nak. Mas nagmukha kang malinis sa suot mo."

Nang nangibang bansa si Papa ay si Tay Berto na ang naging taytayan ko. Apat ang anak niya. Tatlong lalaki at isang babae. Ang anak niya babae ay may kapansanan. Hindi makapagsalita kaya naman kinakailangan nilang mag-aral ng sign language kahit iyong simple lang.

Pagkarating sa Mansyon ay namangha ako. Ang ganda ng mga disenyo.

"Nasa garden area ang nanay mo." sabi ni Manong Berto kaya pumunta ako doon.

Hindi ko napansin ang bata sa harapan ko. Muntik na siyang madapa buti na lang at nasalo ko.

"Sorry! Hindi kita nakita." itinayo ko siya ng maayos.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Itinapat niya ang palad niya sa mukha niya habang ipinapaikot ito na gumagawa ng letrang O at itinuro ako.

Pipi siya? Parang kilala ko siya. Tama siyang yung anak na babae ni Mayor.

Ang sabi niya ay maganda ako.

Idinikit ko ang mga daliri ko sa dalawang kamay ko sa labi ko at inihiwalay iyon. Thank you ang ibig ko sabihin sa kanya.

Ngumiti siya ng malawak ng sabihin ko yon. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Humiwalay siya kalaunan.

Nagpaalam na ako sa kanya ganon din siya. Tumakbo siya papasok.

"Dumating na ba yung lasagna? Ilagay mo rito." rinig kong sabi ni Mama.

Matagal ng nagtatrabaho si Mama sa pamilya ni Mayor. Ang magulang ni Mayor ang nagpaaral sa kanya noong dalaga siya. Ngayon ay siya ang mayordoma.

"Magandang hapon po." Bati ko. Napatingin sila sa akin.

"Napakagandang bata naman nitong anak mo ate Jen. Napakatangos ng ilong at ang balat niya ay morena na makinis." Hindi parin ako sanay sa puri nila.

Sa school kasi ay nilalait ako dahil sa kulay ng balat ko. Maitim daw.

"Ikaw ngang bata ka. Umamin ka sa amin. May manliligaw ka na ba?" tanong ni Ate Sita.

Hindi ko alam kung bakit ng itanong niya yun ay naalala ko si Hunks. Uminit ang pisngi ko kaya mas lalo akong tinukso.

"Tigilan niyo ang anak ko." ngiting sabi ni Mama. "May manliligaw ka na Nak?" tanong niya ng makalapit siya sa akin.

"Ma wala po." sagot ko. Nagiwas ako ng tingin.

Pansin ko na may nakamasid sa akin sa dulo ng kwarto sa taas. Alam kong may tao sa veranda kanina pero wala ngayon.

"Bakit namumula ang pisngi mo kung ganoon?" Nabalik kay Nanay ang tingin ko sa tanong niya.

"Nahihiya po kasi ako sa mga sinasabi niyo."

"Mga pasimuno kasi kayo. Halika na sa kusina." saad niya. Sumunod ako sa kanya. "May mga pasalubong si Ma'am Sileste sayo. Mga chokolate at mga damit."

Si Ma'am Sileste ay ang nanay ni Mayor. Ang asawa nito na dating mayor ay namayapa na.

"Nagabala pa po siya. Sana ay hindi mo tinanggap Ma." mahinahon na sabi ko.

Gusto ko lang umiwas sa isyu. Noong huling binigyan ako ng damit ay naging usapan ako sa eskwelahan. Ang sabi nila hinuhuthutan namin sila ng pera.

"Tinanggihan ko Anak kaso ay mapilit si Ma'am Silesta. Magagalit daw siya kapag hindi ko tinanggap. Mamili ka daw roon ng gagamitin mo ngayon." paliwanag niya.

Nahinto kami sa pag-uusap ng dumating ang bunsong anak ni Mayor. Nakasuot na ito ng kulay pilak na dress hanggang tuhod niya. May hawak itong Ipad at kulay puti na parang lapis ngunit mas maliit ito.

Nagsulat siya sa Ipad niya gamit ang puting bagay na 'yon. Pagkatapos ay ipinakita iyon sa akin.

'Hi nice to see you again. My name is Alexandra.'

Mag sisign language ulit sana ako ng pahintuin ako ni Mama. Napatingin ako sa kanya.'

"Nakakaintindi siya hindi lamang siya makapagsalita." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pa ako na kakakilala ng tao na ganon.

Sa school kasi may SPED na kung tawagin. Sila yung mga tao na walang kakayahan makapagsalita, pakarinig at pilay. Bukas ang klase nila sa mga estudyanteng tulad ko na gustong matuto ng sign language. Noong nalaman ko na ang kalagayan ng anak na babae ni Tay Berto ay nahikayat ako na sumali. 

"Magandang hapon sayo. Ako naman si Ate Bella." ngiting pakilala ko. Mukha naman mabait siya. Napakaganda niya.

Binura niya ang sinulat niya at ipinakita mula sa akin ang bago.

'You're so beautiful Ate Bella!'

"Salamat! Ikaw din napakaganda mo. Kamukha mo si Ma'am Alejandra." 

Napatingin ako sa likod niya ng may magsalita dito. 

Ang bawat lakad niya ay para bang pinaghandaan. Ang tindig ng katawan niya ay matikas. Ganito siguro kapag sa ibang bansa lumaki. Sa pagkakaalam ko ay matanda siya sa akin ng dalawang taon. Mababa at malalim ang boses niya nakakatindig balahibo. Ang mga mata niya na para akong nilulunod sa isang ilusyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Simula pa noong unaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon