[Chapter Two]
Mga limang minuto nang tumatawa siya at batid kong hindi na nakakatuwa kase, binabalik niya nga ang topic na ako lamang ang naging kamukha- mukhang tanga noon sa nagiging away namin nung elementary! Siya rin kaya 'no!
"Ha, uh babe! Hindi lang kaya ako? Ikaw din naman ah?" pangbwelta ko na siyang kinatigil ng tawa at marahan na nilapitan ang mukha ko, like how she used to do it.
Halos hindi na matuloy ni Eric at Rhea ang kaninang tinatanong sa amin, dahil hindi nila maintindihan ang kaninang pinagsasasabi namin, saka hetong ngayong ginagawa namin.
Mabilis na napaharap si Heather sa mga kausap naming ngayong chikiting. Mga guest namin.
"Basta Rhea at Eric. 'Nung panahon namin, 'nung panahon na ganyan pa kami sa inyo? Mas magaling akong gumawa ng concepts, ideas kapag about school activities. Mas magaling ako sa kanya noon!"
"Oh 'di ba Ate? Just like how Eric do it with me? Ba't gano'n?" natatawa namang buwelta ni Rhea kay Heather.
"Oy hindi ah! Laki talaga ng ulo mo Rhea eh. Atleast, ako ang tinatakbuhan ng classmates natin 'pag may away! Oh ano? Hindi ka paawat ha?"
"'Yun 'yon! Ako rin Eric, kung noon gano'n ako nakakahiya. 'Yang si Ate Heather niyo naman, halos hindi pakinggan ng lahat kase, mas lumalamang 'pag ako ang gumagawa! Grabe appeal natin 'no?" Natuwa naman na napa-apir pa sa akin si Eric, kaya ang dalawang inaasar naman namin ay hayun at nagbulungan.
Hay nako ka, Heather, mukhang mas isip-bata ka pa sa kanila. Competitive talaga ever since!
"Sige nga, ano naman na moment na ikaw ang nalalamang? Aber?"
"Since you mention about it. Well, naalala ko 'nung moment na nag-debate tayong dalawa sa classroom, to prove to everyone na sino ang deserving sa ating dalawa ang manalo as a president. Well, basically may nangyari 'di ba?" Hindi ko alam bakit sa oras na iyon kahit, ayokong i-admit na medyo napikon ako sa pang-aasar niya sa akin kanina, at medyo napagsasalitaan ko na siya 'nung ako naman ang magkuwento.
"Oh tapos? Sino ba nag-end up as president? What do you think, kids?" Nalito naman ang dalawang bata sa biglang pag-iba ng tono ng boses namin. Batid kong napapansin nilang iba na ang timpla ng usapan namin at napapansin ko.
"I-Ikaw?" tanong ni Eric at Rhea na napatango naman si Heather ng pagkadahan-dahan habang nakatingin pa sa akin.
Pinakawalan ko naman ang kaninang tinatago kong ngiti, at kaunting hagikhik dahil sa sobrang yabang niya at alam kong alam ko na iyon, pero sadyang naiiba talaga ako every time she does that.
"Sure ka ba bakit ikaw naging presidente? Eh baka kase naman, pabor lang kaya naging ganun?" Hindi ko naman ito ginagawang big deal o totoo. Sadyang plano ko na talagang magalit at mapikon siya sa akin.
Sige, tingnan natin kung nasa'n ang tapang mo at makita sino ang awtomatikong magaling.
"For your information Mr. Allen Corpuz, it was not intentional. It's comes with talent, duh!" sigaw niya sa harap ng mukha ko, kaya ang ending ay nagkasagutan kami mismo sa harap ng dalawang bata!
"Oh really? How do you say so? Kaya pala everytime ay palagi kang nagpapabida noon? Kahit ako naman talaga ang nasa sitwasyon na ikaw ang de-depende?"
"Aba, kaya pala kahit naging vice president na kita noon ay nagpapa-bad influence ka sa mga kaklase natin?”
I drop my jaw at that thought, kaya hindi pa din talaga ako nagpatalo. “Like what ba+” I asked her with confused expression. Eh ano naman talaga?
YOU ARE READING
When The President Meets The Vice-President (Elementary Series #7) [COMPLETED]
Short StoryEvery elementary days of experiences is such a memorable one but except for Heather Amospotolle and Allen Corpuz who may seems different. It's a lot of fun that they've realized it was not just friendship back then but a competitive love competition...