KATH
*Riiiiiiiiiiiing*
"Okay, Class. Dismiss! "
Lunch break na. Wala kaming ibang ginawa kundi magpakilala sa buong klase.
May mga iskolar din pala dito. Yun nga lang, sila yung mga sunud-sunuran sa mga sosyal dito.
Naglabasan na ang mga estudyante. Nagpahuli na lang ako.
Kasunod ko yung Miles Ocampo. Nag-smile siya sakin kaya naman nag-smile din ako pabalik as a sign of respect.
Noong break ay sa library na lang ako nag-stay kung saan puro nerds at mga iskolar ang nananatili.
Baka sakaling magkaroon na ako ng kaibigan.
Nakapasok na ako sa cafeteria ng biglang...
*splaaaaash*
Nagmistulang slow motion pa ang pagtapon ng juice sa uniform ko.
"Oh my! Sorry! Sorry talaga! Di ko sinasadya."
Yung Miles Ocampo pala.
"Hindi, ok lang. Kaso, paano na 'to? May afternoon classes pa. Uniform ko oh... " Nag-aalalang sabi ko. Basang-basa kasi yung uniform ko eh.
"Ah! Buti na lang at may extra akong uniform sa locker ko. Tara! Samahan na din kita sa washroom para makapagshower ka. Nanlalagkit ka na ata eh. "
Mabait naman pala 'to eh.
"Salamat" Sagot ko.
Naglakad na kami papunta sa locker area.
"Ako nga pala si Miles Ocampo. " Sabi ni Miles sabay abot ng kamay niya.
"Ako naman si Kathryn Bernardo. " Sabi ko at nag-handshake kami.
"Eto na oh. " Sabi niya at inabot sakin yung uniform.
"Teka. Eto pala ang locker ko eh. Magkatabi lang pala tayo. " Sabi ko sa kanya.
"25 at 26?" Tanong niya.
"oo"
"Wow naman. Tara na sa C. R. "
Naglakad na kami papunta sa C. R.
"Transfery ka diba?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Oo. Kaya wala pa akong alam dito. Eh ikaw? " Tanong ko naman sa kanya.
"Hindi matagal na ako dito. Since Grade 1 ako, dito na ako nag-aaral. " Sagot ni Miles.
"Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo. Ayos na ako dito. " Sabi ko sa kanya nang makaranting kami sa C.R.. Baka mabully pa ako. Sabihin inaagaw ko kaibigan nila.
"Wala akong kaibigan. Naku, allergic ata ako sa mga maaarte. " Sabi niya.
Buti naman at nakahanap ako ng katulad ko.
"Hindi naman ako mahirap pakisamahan. Di din naman ako mapili sa kaibigan. Mga sosyal kasi sila kaya hirap makisama. Except yung bestfriend ko. Si Julia. " Tuloy niya. Medyo lumungkot yung face niya.
"Eh, asan yung bestfriend mo? Absent? " Tanong ko sa kanya.
"Asa US na siya. "
"Ah ganun ba? Sige. Magshoshower na ako Miles. "
"Sige. Take your time. Hihintayin kita dito. "
*-*-*-*-*
Yoooow.
Di ko na-update kagabi. Kulang sa oras eh. Saka antok na talaga ako. Iss. Wala pa namang nagbabasa eh. HAHAHA XD
-Angel C.
02-21-15
10:58 am
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
Teen FictionKathryn Bernardo is a simple girl. Nabubuhay ng tahimik kasama ang kanyang pamilya. Walang pakialam sa ibang tao. Ang importante ay masaya siya kasama ang kanyang mga pamilya. Hindi fan ng forever dahil para sa kanya ay may katapusan ang lahat. Unti...