KATH
Kalagitnaan na ng school year. Grabe! Parang kailan lang isa akong transfery na walang kaalam alam sa mga lugar dito sa campus.
Kasama ko si Miles sa isang tagong lugar na pinagtatambayan namin. Dito kami madalas tumatambay pag vacant o break.
"Grabe talaga 'tong babaeng 'to! Nuknukan ng yabang. Akala mo kung sino! ugh!" Gigil na sabi niya habang nagbabasa ng text. "Sino naman yang kaaway mo ha?"
"Sino pa nga ba?! Ang nag-iisang Julia Barreto! Aba! May ginawa na namang kababalaghan ang maldita. Tinapunan ba naman ng juice si Nica!" Galit na sabi niya. kung nakakapatay lang yung tingin nya malamang duguan na ako dito dahil sa talim. Grabe!
Ang magaling na Julia. Wala nang ginawang tama! "Tara!" sabi ko sabay hila kay Miles.
Agad naman naming narating ang canteen. Naabutan namin ang mga estudyante na nakapalibot kay Nica na umiiyak. Agad ko namang hinanap si Julia. Nakaupo siya kasama ang mga alipores niya sa dulong bahagi ng canteen at nagtatawanan.
"Kath san ka pupunta?" Tanong sakin ni MIles nang makitang paalis ako. "Gagawa lang ng krimen. Nainggit ako sa ginawa ni Julia e." Sagot ko kay MIles sabay kindat. "Goodluck girl! pagpapalitin ko na ng damit si Nica." at nag-apir na kaming pareho.
rinig na rinig ko na ang tawanan nila Julia. nakakarindi! ang yayabang nila. Hindi naman porket magaganda at mayaman sila e mang-aapi na lang sila.
sa gigil ko ay binasa ko sila ng nakita kong iced tea sa tabi kong mesa.
"whaaaaaaat theeee?!?!?!?!?!?!?!" HAHAHAHAHHA. ang aarte. "sa susunod kasi matuto kayong gumalang sa mga tao! Peste!" at nagwalk-out na ako.
Ang grupo nila Julia ay kilala sa buong campus dahil sa taglay nilang ganda at yaman. lahat ng lalaki sa campus ay gusto silang maging girlfriend. yun nga lang bastos at BOBO. oops. Bully pa. Kinakatakutan sila ng mga estudyante dito. Ewan ko ba! E hayop este tao din naman sila. Kaya feeling nila ang taas taas nila e. Hays...
Dali dali akong nagpunta sa CR kung saan kasalukuyang nagpapalit si Nica.
Nica is a good friend. Nung panahon na ginegera kami nila Julia ay sya lang ang naglakas loob na tulungan kami. Ganti siguro yung ginawa nila Julia kanina.
"Ayos ka na ba Nica?" agad kong bungad sa kanila. "ah oo. Salamat ha?"
"Wala yun! Hayaan mo, naiganti na kita." sabi ko sa kaniya at nagtawanan kami.
--
"Hi Dad!" Patakbo kong sinalubong si Papa. Kadadating galing sa Business trip.
"Hi princess! How's your day? Oh baka naman nagmaldita ka na naman."
"I changed na 'no! Hahaha. Ayos naman dad. Ikaw? Kamusta business trip? YUNG PASALUBONG KO?!?!" ganito kami sa close ni Dad.
"Sabi na nga ba e. Hahaha. Nasa kwarto mo na princess. Pinadala ko na kay Yaya Alice."
"Thanks dad! Mwuah!" at tumakbo na ako papasok ng kwarto.
The best talaga si Dad. Kahit nung mamatay ang mom di niya pinaramdam na kulang ang pamilya namin. Busy siya sa work pero pag kaharap kami pamilya ang priority niya.
Pagpasok ko ay binagsak ko ang katawan ko sa kama. Grabe. Napagod ako.
Nagbukas muna ako sandali ng fb para icheck yung wall ko at mga messages.
1 friend request
Julia Montes CONFIRM NOT NOWconfirm.
Ang ganda nya infairness.
Kasalukuyan akong nagchecheck ng news feed ko nang biglang may nagpop na chat box.
Julia Montes: Hi ^.^
Dahil wala ako sa mood ay di ko na lang muna pinansin. Next time na lang.
Nagshower na ako at natulog muna.
*-*-*-*-*
Bat naman hindi nireplyan?! Aww. Tsk tsk.
Ang hiwaga sa ating kwento. Bawahahahaahaha. Ssssh
5/13/15
1:30 pm
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
Genç KurguKathryn Bernardo is a simple girl. Nabubuhay ng tahimik kasama ang kanyang pamilya. Walang pakialam sa ibang tao. Ang importante ay masaya siya kasama ang kanyang mga pamilya. Hindi fan ng forever dahil para sa kanya ay may katapusan ang lahat. Unti...