One Shot

4 0 0
                                    

Kay sarap tignan ng kalangitan. Maaliwalas, maliwanag, at kay gandang pag masdan. Napapapikit ako habang dinadama ang hampas ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ninanamnam ko ang sarap ng pakiramdam ng bigla na lang pumatak ang aking mga luha. Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ang unti-unting pagkulimlim ng langit, wari'y nakikisimpatya sa akin. Mapait akong napangiti habang inaalala ang nangyari, simula umpisa hanggang sa ngayong araw.

"OMG, Ella tignan mo ang gwapo. Ang hot pa. Yieee" kinikilig na sambit ni Alliah, ang best friend ko. Tinuturo nya yung basketball player namin dito sa school na nuknukan naman talaga ng gwapo. Maraming naghahabol at nagpapantasya dyan kaso babaero. Balita ko di pa nakkamove-on sa ex nyang niloko lang sya kaya biglang  nagloko. 

"Ano ka ba naman Alliah, alam mo ng off-limits yan. Di pa nakakamove-on yan sa ex nya, tapos babaero pa. Minus pogi points." sinabi ko sa kaniya yan na parang sigurado talaga ako sa impormasyong alam ko.

Napa-pout naman sya  "Kahit na, basta type ko sya." sabi nya pa.

Lumipas ang mga  araw na lagi lamang kaming nanonood ng practice ng basketball sapagkat naastigan ako sa kanila. Gusto ko din kasing matututo na maglaro  kaso talagang di ako matuto-tuto. Pag-didribble nga lang ng bola hindi ko na magawa, maglaro pa kaya.

Sa mga araw na lagi kaming naonood ng laro nila ay nagkaroon kami ng tyansang maging kaibigan ang grupo nila. Doon namin nalaman ang tunay nyang pangalan. Sean. Mula noon mas madalas na kaming magsama, kumain sa labas, bonding kumbaga. 

"Alam mo sis, ang daya mo, sabi mo noon off-limits na si Sean tapos ngayon...naku, naku, naku.." pangbibiro sa akin ni Alliah. Oo na binabawi ko na sinabi ko, hahaa.Tsk, sabi ko nga mahirap magsalita ng tapos, baka kainin ko lang sa huli mga sinasabi ko.

"Noon yun, ibahin mo ngayon." I smirkedat her.

"Anak ng....yieeeee" kinikilig na tili nya habang may kasama pang paghampas.

"Ano ba, ano ba. Tigilan mo nga ako. Tara na nga may pupuntahan pa kami ni Sean."

Oo, close na close na talaga kami ngayon.

Nang makarating ako sa cafe na pagkikitaan namin ay agad na akong napangiti dahil nakita ko  na agad na nandoon na sya at naghihintay. Hindi talaga sya nala-late ng dating tuwing magkikita kami.

"Aga ah, wala kang practice?" I asked him ng makalapit ako sa kaniya.

He smiled at me, nawala na naman ang mata nya dahil sa pagngiti nya, singkit talaga. "Wala, tinaon ko talaga ngayong araw ang gala natin para walang akong practice."

Nagkape lamang kami saglit saka umalis na sa cafe.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya ng makitang ibang daan ang tinatahak ng sasakyan nya. Akala ko kasi uuwi na kami or magma-mall na kaso nalamapasan na naman namin ang mall.

"Secret. it's for you to find out." he said and then winked at me.

Nanahimik na lang ako hanggang sa maramadaman kong nagpark na sya. Bumaba sya at pinagbuksan ako ng sasakyan.

"Enchanted Kingdom?" patanong kong wika sa kaniya.

"Yup, tara na dali." hinila na nya ako papasok.

Masaya akong nagpahila sa kaniya hanggang sa makarating kami sa unag rids na gusto nyang sakyan. Makita ko pa lang ang ride ay parang tinakasan na agad ako ng dugo sa katawan.

I looked at him with my fear visible in my eyes "Don't tell me sasakay tayo dyan?" sabay turo ko sa parang tore na ride na talaga namang kay taas. Ekstreme Tower kung tawagin. Mas tumindi ang kaba ko ng marinig ko ang sigawan ng mga nakasakay sa bagay na yun. Alam kong hindi sigaw yun ng naeexcite o masaya, sigaw yun na parang katapusan na ng buhay nila.

My First Love Story- One ShotWhere stories live. Discover now