| CHAPTER 4 | YOU AND ME

0 0 0
                                    

Chapter 4
Margaux and I became a close friends. Sabay kaming kumain sa cafeteria, sabay nagrereview at sabay umuuwi.

"Huy Laurene! Sportsfest na ah. Anong plano mo?" Tanong sakin ni Margaux habang kumakain ng carbonara. Nandito kami ngayon sa may cabana malapit sa school grounds. Mainit kasi sa cafeteria eh dito may fresh air pa.

"Wala akong plano. Papasok nalang ako para may attendance." Walang gana kong sabi. Hindi kasi ako masyadong nagliliwaliw dito sa university kaya di ako masyadong inform sa mga kaganapan.

"May laban ung basketball team tsaka yung sa kabilang university. Actually start na ng practice nila ngayon." Ang takaw talaga ni Margaux. Kanina pa 'to kain ng kain eh.

"Ano naman?" Sagot ko sabay angat ng tingin sa kanya. "Wala lang naman. Baka gusto mo lang sumupport sa school. You know kay Axel." Mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi niya sabay kindat sakin. Tinusok pa ako sa tagiliran. Problema neto?!

"Ano nanaman ba yan Margaux? Bat nasama si Axel eh alam mo naman na kampon yun ni Satanas." Singhal ko sabay irap. Nabubwiset ako pag naaalala ko yung pangmamaliit sakin ni Axel.

"Patawarin mona. Diba mabait ka naman? Para support tayo sa kanya. Yiee." Sabi niya sabay pouty lips sakin.

"Margaux tigilan mo yan mukha kang aso." Sabi ko sabay tawa siya naman hinahampas ako. Pikon HAHA. "Atsaka hindi ganun kadaling magpatawad Margaux. Lahat kasi may limitasyon. Lahat may hangganan kahit ikaw pa ang pinakamabait sa mundo. Kaya ako, nahihirapan din ako magpatawad pero susubukan ko naman." Ngumitj ako sa kanya para hindi naman awkward ang at atmosphere namin dito.

"Sabagay, tama ka naman diyan. You've got a point."

_____________________________________________________

"We will be having our different stalls this coming sportsfest days. Make a group composed only of 5 members each." Sabi ni Mrs. Valiente bago nagdissmiss ng klase. Lahat kami nasa classroom pa para maghanap ng kagroup at mapagusapan kung anong stalls ang gagawin.

Naging ka group ko sina Margaux, Melody, Megan at Si Lucy. Ang stall na gagawin namin ay food stall. Bali hati hati kami sa puhunan para sa ingredients then hati hati rin kami sa kikitain ng stall. Waffles and Lemonade ang ititinda namin.

The next day shocked us more. Magkakaroon ng pageant! Mr and Ms Sportsfest ng school. Ang magkakalaban ay ang bawat course. Sa isang course dalawa lang den ang representatives.

"Ok. So do you have any suggestions kung sino ang pwede sa pageant?" Seryosong tanong ni Mrs. Valiente.

"Maam!" Si Margaux yun ah. Tumingin ako sa likod kung saan siya nakaupo at nakita kong nakataas ang kamay niya. Wow siya na may suggestion.

"I suggest Ms. Castañeda for the girl. And Mr. Montemayor for the boy." Proud niyang sabi sa buong klase kaya nagpalakpakan naman lahat ng mga kaklase namin.

Ako naman natulala sa gilid. Ano bang problema ni Margaux?! Bat ba ko trip neto? Kami nj Axel?! Grr.

"Okay so we have our representatives. Sa 1st year kami kumuha dahil hindi pa masyadong busy unlike the higher levels. I guess it's alright for the both of you. You two will benefit from this extra curricular. You will gain more grades. "

Naghiyawan naman sa buong room. Tinignan ko ang gawi kung saan nakaupo si Axel. May maliit na ngiti sa labi niya. 'Bat naman siya nakangiti? Galit siya sakin diba?

"Mamaya dadating ang magtetrain sa inyong dalawa. The school will provide everything you'll need. Ok. Lunch time." Yun ang huli niyang sinabi bago kami lumabas para mag lunch. Hanep na Margaux yan. Wala naman akong alam diyan sa pageant pageant na yan. Wala man lang tututol?!

"Be ready, Miss Castañeda. See you around." Bulong sa gilid ko ng kung sino. "AY HAYOP! Wag ka ngang manggulat Axel!" Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. May dibdib pala ako? Charot.

"Problema nun?" Bulong ko dahil parang ambait ni Axel ngayon. NGAYON lang ha.

Peaceful naman ang nga nagdaan na subject hanggang sa mag alas kwuatro ng hapon.

"Maam,excuse daw po ang representatives ng Business Administration. Sa gymnasium daw po ngayon na. " ito talaga yung gustong gusto kong iwasan ngayon na. Hindi kopa nakakausap si Margaux dahil nagtatago sakin. Ay nakoo.

"AYIEEEEE" kantyaw naman ng buong room samin. Si Axel? Ayun patawa tawa.

Dumeretso kami sa gymnasium ng hindi naguusap.

Intramurals. Get Ready.

***
Sorry. Medyo lame HAHAHAH
Ieedit kopo bawat chapters pag may time.
Vote and comment!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Regretting the DealWhere stories live. Discover now