Chapter Twelve

127 1 2
                                    

(Robert's POV)

 Lumipas ang ilang oras, hapon na, mula kaninang makita naming si Keiffer na nakalutang sa ere habang hawak-hawak ang leeg niya na animo'y sinasakal siya ng multo na hindi naman namin nakita. Nanahimik nanaman kami katulad kaninang umaga. Kanina nga mga ilang oras ang lumipas bago namin mapakalma si Keiffer. Talagang na-trauma siya sa nangyari kanina, ngayon nga eh hindi makapagsalita at tulala pa. Paano pa kaya pag mamayang gabi at magparamdam nanaman si Shaun, huwag naman sana, huwag ngayon, baka tuluyan nang mabaliw si Keiffer.

Isa pa may nililihim si Steven samin, bakit ba kami babalik sa bahay na iyon?

Bumalik tayo sa bahay ni Aling Alicia bukas, may nais akong malaman...

Umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Steven kani-kanina lang... Aling Alicia? Siya kaya yung matandang babaeng nakita namin kanina na kausap ni Steven? Binatukan ko tuloy sarili ko, natural, siya yung nakita namin sa bahay kahapon nung nagpunta kami sa burol ni Shaun... Alangan namang kapitbahay nila eh umaga pa noon...

 Kumakalam na ang tiyan ko, gusto ko ng kumain kaso dahil sa nangyari kanina mukhang hindi na yata ako makakakain... Pero patuloy na kumakalam ang tiyan ko, nagrereklamo na mga alaga ko sa tiyan... No choice kinuha ko ang chichirya sa basket na nakalapag sa lamesa at kumain ako kahit konti... Buong magdamag kaming tahimik... 

 At nang dumilim dire-diretso kami sa kanya-kanya naming kwarto, hindi muna ako humiga kaagad, feel ko nanamang maligo uli, dalawang beses kasi ako maligo sa isang araw, kasi kapag hindi ako naligo sa gabi, ang baho ko, pawisin pa naman ako. Kinuha ko na ang tuwalya ko at dumiretso ako sa banyo namin... 

 Pagpasok ko sa banyo ay sinabit ko ang tuwalya ko at naghubad ng aking suot, tiningnan ko ang aking balat, hay.... Kailan kaya ako puputi, paano kasi ang kulay ng balat ko dark brown, kaya tawag tuloy sakin ng mga kaibigan ko minsan pag nag-aasaran kami 'negro' although minsan naiinis ako pero tanggap ko naman iyon, totoo naman kasi eh... Ayoko namang gumamit ng lotion baka sabihin pang bading ako... Unfair naman kasi, babae lang ang gumagamit ng lotion at whitening lotion para sa mga negra... Paano naman kaming mga lalaking gustong pumuti? Ang lotion pa naman amoy babae, kung bakit kasi walang lotion para sa lalaki eh!!!

Pinihit ko na ang shower at naramdaman ko ang tubig na dumadaloy sa aking katawan, hay ang sarap naman ng pakiramdam na ito parang gusto kong magtagal sa banyo pero hindi pwede... Kinuha ko ang sabon na germicidal soap at sinabon ito sa aking katawan... Puti ang kulay ng sabon pero asa hindi ako puputi rito kahit takpan ko ng takpan ng mga mapuputing bula ang aking katawan at banlawan ito... Ganoon pa rin ang kulay ng balat ko at hindi ito puputi sa puting sabon lang... Naalala ko pa nung first year high school kami... Sa tuwing nag-aasaran kami ni Chloie tinutukso niya akong 'tubol'. Kaya nga noon inaambaan ko siya para tumigil eh... Hindi pa kasi kami noon magkaklase lahat nung first year high school kami... Halo-halo kaming section wala pang star section... Magka-klase kami ni Chloie at ni Francis noon... Sa ibang section sina Steven at Keiffer... At sa isang section uli sina Bruce at Archie... At sa isang section wala na.. Wala kaming kakilala... Nagsimula ang bonding namin kapag break time, lagi kaming magkasama at syempre tuwing lunch time... Nagtataka ako noon kay Chloie kung bakit ayaw niyang tumoropa sa mga babae... Yun pala ayaw niya sa malalandi yung mga hiyawan ng hiyawan ng walang dahilan at ayaw niya nung mga maaarte... Naalala ko pa nung sabihang boylet si Chloie... Astang babae naman siya noon pero dahil sa panghuhusga sa kanya ng karamihan umastang tibo na lang siya.. Pero noong second year hanggang fourth year naging magkaklase kaming lahat... Hindi nga lang kami pinalad mapunta sa star section kahit anong aral namin... Tsaka ayoko ngang maging star section... Ang yayabang ng mga star section samin eh... Gusto nila sila na lang ng sila ang kasali kapag may school presentation... Yung ibang section ayaw bigyan ng chance... Hindi kami matalino hindi rin kami bobo average lang utak namin... Hay ano ba ito naikwento ko tuloy buhay namin nung high school kami lalong lalo na si Chloie...

Twin X (On-Going Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon