OPERATION #2: ROMEO???

42 2 0
                                    

OPERATION  #2: ROMEO???

Corn’s P.O.V.

Alam niyo ba yung feeling na nakaka-badtrip dahil yung unang taong ginusto mo ay may gusto ng iba at soon to be taken na pala sya at feeling mas maganda ka sa kanya at mas bagay kayo nung taong yun. Kaya naman nabi-bitter ka at mapapasabing ang pangit naman nung girl eh maganda pako! Oo, maganda pa yung paa ko kagigil talaga yun. Lalo na yung moment nila kanina nung i-announced nung guy na kapag napanalo niya yung game sasagutin na sya nung girl. Leche yung girl na yun feeling niya siguro ang ganda-ganda niya na dahil sa ginawa nung guy. Shit lang talaga humanda sakin tong’ football team naming kapag natalo sila! Hmph! At dahil bitch ako naglakad ako dun sa may kinatatayuan nung guy, nag-smile ako sa kanya ng pinaka-seducing ko na smile at kinuha ko yung mike sa kanya!

“lahat kayong nandirito ngayon, makinig kayo sa reyna niyo mabuti nang maliwanag to’ ng magkaintindihan tayong lahat dito at IKAW, IKAW” (sabay turo dun sa gusgusing babae pati na rin dito kay karne.)

HAHAHAHAHAHA. Nagulat naman silang lahat pero nakakatuwa yung mukha ni karne dahil gulat na gulat siya tinitigan niya ako ng bakit-ano’ng-problema-mo-sa’ming-dalawa-look na sobrang nakalaki yung mata niya. Ahahahaha!

“gusto ko lang malaman niyo na ang lalaking to’ (sabay tingin kay karne) ay ang future boyfriend ko! Kaya ikaw babae wag ka masyadong pakasaya dahil SAKIN sya and i’ll make sure that i’ll get him and make him MY BOYFRIEND!” pagkatapos pagtingin ko kay karne, kung malaki na yung mata niya kanina naging doble pa ito syempre lahat sila nagulat  pero mas ikinagulat nila ang mga sumunod kong ginawa. Ahahahahahah TSUUUUUP! Hinalikan ko lang naming sa lips si karne for how many minutes ba?? Ewan, actually itinutulak niya ko pero nungmas diniinan ko yung halik ko hindi na sya nakapalag pa kay naman ang drama nung pangit kanina ay isang malaking WALK OUT. Hahahaha buti nga sa kanya!

“what the hell bitch!” sabi nitong si karne

“oooh now you know me huh!” sabi ko aba hinalikan ko lang siya kilala niya na ako sabi ko na nga ba walng hindi makakakilala sakin eh. akala niya siguro mapapahiya niya ako sa pagtawag sakin ng bitch. Well, mali siya dahil alam ng lahat kung gaano ako at ang mga kaibigan ko ka-bitch dito noh.

“arghhhhhhh! Shit! Go to hell” sabi niya na may patimpi-timpi look pang ginawa sa harap ko nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis para lalo syang mabwisit! Ahahahahaha!

“sure anywhere with you MY ROMEO!” sabi ko naman sabay alis sa field. Ahahahaha. Nagba-blush na kasi siya eh SA SOBRANG GALIT! Ahahahahhaha!

Natutuwa ako kasi natalo sila karne at panalo ang school naming at sigurado akong magaaway sila nung gusgusing babae na yun. Paano ba namang hindi matatalo eh iritang-irita at halos hindi sya makapag-focus sa sobrang inis niya eh. Pero kawawa naman yung ibang player ng school naming sa kanya dahil nga sag alit sya habang naglalaro eh minsan pine-personal niya na yung mga player namin at muntikan pa nga silang magrambulan eh kung di lang ako biglang sumigaw uli dun sa mga player ng school naming na “subukan niyong galawin ang future boyfriend ko eh malalagot kayong lahat sakin!” tapos siya namn tumitig ng masama sakin aba crush na siguro ako nito gigil na gigil na sakin gusto yata akong lantakan! Ahahahahahaha ng suntok. Grabe ang cute niya kapag napipikon sya, sobrang namumula sya at lumalabas yung pagka-badboy niya dahil pinagdidiskitahan niya yung mga player namin! Okay lang yun mas sila lang naman yun eh! ahahahahaha at lalo pa siyang na-badtrip nung tuluyan ng nanalo yung school namin.

Nung matapos yung game, yung mga kaibigan ko eto’  kinukulit ako about dun sa may sinabi ko kanina na si karne ay yung future boyfriend ko, na i will make him mine. Ahahahahaha kasi hindi ko nga na-kwento kanina kasi nakipag-harutan ako sa kanila at yun kinuwento ko sa kanila lahat simula nung nakita ko siya na sakay ng white Cadillac nya, hanggang sa pagsunod ko sa kanya sa may resto, yung mga gaga tuwang-tuwa kasi napaka-bitch ko daw dun sa may ginawa ko at sobrang landi. Tama lang daw talaga na ako ang reyna dahil wala daw ibang may kapal ng mukha ang katulad ko ang may kayang gawin yun to think daw na may mga bisita pa daw ang school namin that time at pupusta pa daw sila sakin na headline daw yun bukas sa lahat ng dyaryo at tabloid! Syempre sikat ako eh! ahahahahaha.

“girl ano pangalan nung hottie kanina na hinalikan mo hah?” –Carl

“oi sakin yun di mo ba narinig kanina?!” –ako

“narinig ko tinatanong ko lang masama ba?” –Carl

“ROMEO! He is my romeo” –ako

“eeeeeeeeeeeeewwwwww ang baduy ng pangalan niya ah! Kung ano yung ikina-gwapo niya yun naman yung ikina-baduy ng pangalan niya” –Carl

“pakyu!” –ako

Actually hindi ko talaga alam yung tunay na pangalan ni karne. Tinawag ko lang syang romeo dahil nung bata ako tuwang-tuwa ako sa may palabas na cartoons na Romeo and Juliet na naiyak-iyak pa ako dun yung mga sea lions sila! Napanuod nyo bay un hah? Sobrang favourite ko yung palabas na yun na panaulit-ulit ko yung cd na iyon panuorin hangganag sa iyon na yung sumuko at nagka-crack na yung bandang gitna. At sabi ko nun sa sarili ko aba dapat makahanap din ako ng sarili kong Romeo noh, yung handang sundan ako hanggang kabilang buhay parang si kenji delosreyes lang diba?! Soooooooo nakakainlove sya! Kaya lang sinundan niya na si Athena eh kaya out na sya sa listahan ko. Ahahahahaha! Makakahanap din ako niyan paglaki ko noh sa karisma kong ito at yaman kong ito! oha!  Sinabi ko yun nung bata pa ako! Bata pa lang malaki na ulo ko noh! Hehehehehe! Bakit kung si Juliet nga na sea lion eh nakahanap ng romeo niya eh! AKO pa kaya eh AKO KAYA SI-------------------- (author: ay naku paulit-ulit na!) leche ka author manahimik ka dyan ah! Shatap yu beach! Ahahahahaha.

[OPERATION:] <3<3<3 ROMEO will be MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon